Nakapangalumbabang nakaupo ako sa sanga ng isang malaking puno habang iniisip ang nangyari kanina. That's the second time he kissed me, and no matter how I calm myself, I can't help but feel annoyed every time I remember the face of that human.
Nabuburyong pinanood ko ang lalaking narito sa madilim na bahagi ng gubat. Tao pero daig pa niya ang bampira sa pinaggagawa niya. Pinupugutan niya ng ulo ang babaeng biktima nito. Pati ang mga kamay at paa nito ay pinutol na rin niya.
I could've saved the woman he killed before he could even hurt her, but I didn't do that. Who cares? Her life is none of my concern.
Dahil curious ako ay sinubukan kong basahin ang nilalaman ng isip ng lalaki.
'Mamatay ka na! Wala kang kuwentang asawa! Malandi ka!'
'Mamatay ka na! Wala kang kuwentang asawa! Malandi ka!'
'Mamatay ka na! Wala kang kuwentang asawa! Malandi ka!'
'Mamatay ka na! Wala kang kuwentang asawa! Malandi ka!'
'Mamatay ka na! Wala kang kuwentang asawa! Malandi ka!'
Paulit-ulit na sigaw niya sa isip.
Natatakam ako sa mga dugong nakikita ko ngunit imbis na lumapit, pinili kong maupo na lang. Walang balak makialam.
Binalatan niya ang mukha ng asawa at nang matapos ay nagpalinga linga siya sa paligid bago mabilis na tumayo at nagtungo sa makapal na damuhan saka itinapon doon ang balat na inalis niya sa mukha ng asawa.
Muli siyang nagpalinga linga at nilapitan ang asawa tapos ay naghukay nang malalim. Halos isang oras din siguro ang lumipas bago siya natapos maghukay.
Nanginginig na pinunasan niya ang pawisang mukha gamit ang duguang damit. Nagtatalo ang isip at puso niya ngunit palagi niyang iniisip na tama lang na pinatay niya ang asawa dahil malandi ito at may kalaguyong iba.
Muli siyang nagpalinga linga bago ihulog sa malalim na hukay ang pira pirasong katawan ng asawa.
Matapos niyang ihulog lahat ng katawan ng asawa sa hukay ay nanginginig ang kamay na tinabunan niya ng lupa ang bangkay. Minsan ay nabibitawan pa niya ang pala dahil sa sobrang panginginig ng kamay niya.
Nang matapos ay muli siyang napalinga linga. Tatakas na sana siya ngunit mabilis na nag-teleport ako sa harap niya.
"I saw everything." Sabi ko bago pa siya makapagtanong.
Iniangat nito ang hawak na pala at ihahampas na sana iyon sa akin ngunit malakas na sinipa ko iyon palayo. Rinig na rinig ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya.
I'm not killing him to avenge his wife. I'm killing him because I'm hungry.
Nanginginig na mabilis na tumakbo siya palayo ngunit malahangin kong tinakbo ang pagitan namin at niyakap siya nang mahigpit gamit ang isang kamay ko.
"I know you're guilty. Gusto mo ba siyang sundan? Hmmm?" Bumuka ang bibig nito ngunit hindi naman niya magawang magsalita. Umangat ang isa pang kamay ko't tinakpan ang bibig niya bago bahagyang iginilid ang ulo niya. "Konting kirot lang ito promise."
Pinahaba ko ang pangil ko't mabilis na ibinaon iyon sa leeg niya. Malakas siyang napaungol kasabay ng pagtulo ng luha niya.
Hmmm, his blood is so delicious as hell. Damn, I want more. More... more blood. More blood. Oh, I want more and all of his blood.
Humalakhak ako nang tuluyan kong maubos ang dugo niya. Binitawan ko ang katawan niya't pinaglandas ang dila sa gilid ng labi ko.
"Thanks for your blood." Sabi ko sa lalaking mulat ang mata't wala nang buhay.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
Genel Kurgu⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...