JUDY ANN's POV
We're now in our last period in our morning class, and I don't know why our last professor shot a deadly glare in Daegan's direction, who's sleeping peacefully on his desk.
"Mr.Perez!" Malakas na sigaw ng propesor namin na nagpagising sa natutulog na si Daegan.
"Miss?" Naghihikab na tanong niya dahilan ng halos paglaki ng butas ng ilong ng propesor namin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makita si Daegan sa kaniya. Pareho lang kasi sila ng reaksyon sa tuwing nauubos ang pasensya nila.
"You are sleeping again in my class!" Galit na galit na sigaw ng propesor namin.
"Nakakatakot talaga ang ina ni Daegan ano?"
"Kaya ayaw kong maging sentro ng inis niya. Nakakatakot siya eh."
Bulungan ng dalawang kaklase ko.
Ina niya?
"Sorry, hindi ako masyado nakatulog kagabi eh." Parang wala lang na sabi ni Daegan.
"You're two months grounded!" Galit na galit na sigaw ng ina pala ni Daegan. Hindi ko man lang nahalata.
"Mom!" Sigaw ni Daegan sabay tayo habang nakatingin sa ina niya na para bang isang nakakakilabot na balita ang kaniyang narinig.
He's too old for that.
"Do you want me to add another one month?" Tanong ni Mrs.Perez na nagpanguso kay Daegan at pabagsak na naupo, ang propesor naman namin ay mainit ang ulong muling nagpatuloy sa pagtuturo. Naiiling na ibinaling ko na lang ang tingin sa labas at muli sanang ibabalik ang tingin sa propesor namin nang mahagip ng mata ko si Ziggy na seryosong nakatingin sa akin.
'Dad asked for you.' Kausap niya sa akin gamit ang isip.
'Why?'
'I don't know but he wants you to come after your class.' Iyon lang at mabilis siyang naglaho.
Pagbaling ko sa professor namin ay nagpapaalam na ito at nagbigay ng aaralin namin bukas. Mabilis na tumayo ako nang magsipaglabasan na ang mga classmates namin. Dahil wala naman akong inilabas na gamit ay agad na lumabas ako dire-diretso palabas ng school campus. Kahit kaya ko namang mag-teleport ay pinili kong gamitin ang sasakyan ko para maiwasan na rin ang mga bagay na hindi pa nangyayari.
Pagbuhay ko sa makina ng sasakyan ay agad na minaneho ko iyon patungo sa Imperyo.
Nasa gubat na ako papunta sa Emperyo nang bigla na lang may mapansin akong humaharurot na sasakyan mula sa loob ng gubat kasunod niyon ay ang pagharang nito sa dinaraanan ko. Anong kalokohan naman 'to?
Lumabas ang mga lalaking sakay ng sasakyang iyon. May mga baril ang mga ito at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ko tapos ay bigla na lang binasag ang salamin ng sasakyan ko na ikinataas ng kilay ko.
"Open the door woman!" Sigaw ng lalaking siyang bumasag sa salamin ng sasakyan ko.
Nagtsk ako at lumabas kaya mabilis na itinutok niya sa akin ang baril. Lumapit ang isa pa't pinosasan ako saka dinala sa sasakyan nila't pinaupo sa back seat tapos ay pabagsak na isinara ang pinto. Ano ang pumasok sa utak ng mga taong ito at kinidnap ako?
"Ano ang kailangan niyo sa akin?" Walang emosyong tanong ko.
Ang lalaking nakaupo sa tabi ko ay nasa akin na agad ang dulo ng baril nito gayong wala naman akong ginagawa. Imbis na sagutin ako ay naglabas ang nasa passenger seat ng cellphone at may tinawagan. Sandali pa ang lumipas saka siya nagsalita. "We got her boss." Aniya't ibinulsa ang cellphone saka sinenyasan ang nasa driver seat na magmaneho na.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...