Chapter 34

470 20 1
                                    

Nakapamulsang naglalakad ako sa madilim na daan habang nilalanghap ang hangin at amoy ng mga nilalang na sumusunod sa akin. Ayaw talaga akong tigilan ng Kieran na 'yon.

Kagagaling ko lang sa bahay nila Daegan. Nakihapunan sa kanila kahit hindi naman ako kumakain ng pagkain ng mga tao. Inoobserbahan ko ang bahay nila at maging sila, pero wala akong mapansing kakaiba. Gusto kong pasukin ang kuwarto ng mag-asawang Perez; baka may bagay roon na makakasagot sa kalituhan ko, ngunit pansin ko ang mga hidden camera sa paligid na nagpapadagdag ng kalituhan ko. A vampire don't need CCTV. They can see and sense if someone is entering their territory or someone is stealing one of their important belongings.

Nagbuntong hininga ako at sinipa ang maliit na batong nakita ko. Nagkukunwaring walang napapansing kakaiba sa paligid. Palihim akong gumawa ng dagger nang mapansin kong may mga armas ang mga lalaking ipinadala ng magaling kong pinsan.

Mabilis na napalingon ako sa kaliwang bahagi ko nang may maramdaman akong matalim na bagay na papalapit. Agad na sinalo ko iyon ngunit mabilis na nabitawan nang maramdaman ko ang pagkasunog ng daliri ko.

"Th-this power."

Napamura ako at mabilis na nag-teleport paalis. Kahit kaya ko silang patayin ay mas concern ako sa kamay ko dahil maaaring mawalan ako ng daliri. Naman! Pagdating ko sa kuwarto ni Daegan ay napatalon ito sa gulat dahil saktong sa harap lang niya ako sumulpot.

"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"I need your blood since your blood can easily heal this kind of shit." Sabi ko sabay pakita sa daliri kong parang sigarilyong unti-unting nauupos. Bago pa siya makapag-react ay mabilis na hinakbang ko ang pagitan namin sabay takip sa bibig niya dahil mukhang balak niya pang sumigaw nang ibaon ko ang pangil sa leeg niya.

I suck his blood slowly. Drowning myself to its sweetness. Nang mapansing okay na ang daliri ko ay mabilis na lumayo ako sa kanya. "See you tomorrow." Sabi ko sabay halik sa labi niya't kinindatan pa siya. "And don't you dare follow me or I will be the one to kill you." Banta ko at itinutok pa sa mukha niya ang dulo ng dagger para ipahiwatig na hindi ako nagbibiro.

"O-okay." Awkward na tugon niya.

Wala na akong sinabi at mabilis na nag-teleport pabalik sa pinanggalingan ko. Naroon pa rin ang mga nilalang na sumusunod sa akin at mukhang hinahanap ako. Ngumisi ako. Mabilis na nag-teleport sa tuktok ng poste at pag-apak ng paa ko roon ay agad na ipinalibot ko ang tingin. I'll prove them that it wasn't easy to kill me by sending this bunch of idiots.

Nang makita ang dahilan ng muntik nang pagkawala ng mga daliri ko ay mala-hangin akong tumalon palapit sa kaniya at bago pa siya makalingon ay mabilis na pinadaan ko ang matalim na dagger sa leeg niya saka sinalo ang ulo niya't winasak iyon gamit ang kamay ko.

Pakiramdam ko ay bigla akong natuwa nang makita ang pagbakas ng takot sa mukha ng mga kasamahan niya. "Come on, don't give me that expressions. Hindi niyo ba alam na mas lalo lang akong nasisiyahan?" Nakangising tanong ko at mala hangin na sinugod sila isa-isa habang iniingatan ang espada nilang tamaan ako.

Mabilis na nag-teleport ako sa tuktok ng poste at gumawa ng napakaraming dagger. Nang mapansin ang sabay-sabay nilang pagsugod sa akin ay mabilis na pinakawalan ko ang mga dagger. Nakakailag man ang iba ay mabilis lang silang sinusundan ng daggers ko. Ilang segundo lang ang binilang ko't mabilis silang bumulagta sa mabatong lupa. Isa sa nagustuhan ko sa mga dagger na ito ay hindi ito basta lang na dagger, hindi ito titigil hangga't hindi tumatama sa target nito.

Nakangiting tinunaw ko ang mga dagger at inamoy ang dugo nilang unti-unting nawawala. Namulsa ako at magte-teleport na sana patungo sa empire nang maalala si Daegan. Hindi naman siguro ako nun sinundan ano? Nag-aalangan man ay nag-teleport na lang ako pabalik sa kuwarto niya at nagtaka pa ako nang hindi ko na siya makita roon.

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon