Namamanghang nakatitig lang ako kay Daegan. Sobrang bilis ng bawat paggalaw ng kamay niya na para bang hindi man lang siya nakakaramdam ng pagod kahit marami pang kalaban ang patuloy na inaatake siya.
Hindi ko na naman maiwasang ma-curious sa totoong katauhan niya. Para bang ang katanang hawak niya ang nagbibigay sa kaniya ng dobleng bilis para madali lang niyang mapatay ang mga kalaban niya kahit na nagte-teleport na ang iba patungo sa kinaroroonan niya.
Sinubukan kong alamin ang nilalalman ng isip niya ngunit blangko iyon. Nangalumbaba ako at mas maigi pa siyang tinitigan. Nalilito ako sa kakaibang bilis niya. Para sa isang tao ay pambihira ang galawan niya.
Nang maubos na niya lahat ng kalaban niya ay ako naman ang mabilis na nag-teleport sa kinaroroonan niya at saktong pagsulpot ko sa tabi niya ay nasa akin na nakatutok ang katana niya.
Nagbuntong hininga siya't ibinaba ang katana. Nakasunod lang ang tingin ko sa katanang hawak niya. Gawa sa gisto ang katana at ang hawakan niyon ay may nakaukit na dragon pati ang lalagyan niyon.
Mabilis na inagaw ko sa kaniya ang katana para sana suriin pa nang mas maigi ngunit isang malaking pagkakamali dahil bigla na lang akong nakaramdam ng malakas na boltahe ng koryente dahilan ng malakas na pagkatilapon. Malakas na napadaaing ako nang tumama sa ang likod sa dingding.
"Hayst!" Rinig kong aniya sabay takbo palapit sa akin tapos ay nag-squat siya sa harap ko't hahawakan na sana ako sa balikat ngunit hinuli ko ang kamay niya at mataman siyang tinitigan.
"Be honest with me Daegan, what are you?"
Kumunot ang noo niya. "Heto na naman ba tayo sa tanong na 'to Judy? You are injured at nagagawa mo pang itanong iyan?"
"Stop fooling me Daegan, just admit what are you."
"I told you I am a human."
Hindi makapaniwalang natawa ako. "You are very far from a human Perez."
Nagbuntong hininga siya't bigla na lang naglaho lahat ng emosyon sa mukha niya. "Kung hindi ka naniniwala ay bahala ka. Wala akong panahon para ipaliwanag ang sarili ko sa 'yo." Sabi niya sabay tayo. Naglabas ng cellphone at may tinawagan.
Napatitig ako sa likod niya tapos ay sa katana na hawak niya. Nang hawakan ko iyon ay masydong mabigat ngunit kung hawakan niya ay ang gaan lang. Napatingin ako sa kamay ko na may malalim na sugat. Dahil lang sa paghawak ko sa kakaibang espada niya ay nakasugat na ako at hindi iyon naghihilom na ipinagtaka ko.
Marahan akong tumayo tapos ay tinignan siya na nakikipag-usap pa rin sa cellphone niya saka bumaba ang tingin ko sa katana na hawak niya.
Hinarap niya ako. "Bakit ganiyan ka makatingin? Nagagwapuhan ka ba sa akin?" He asked wiggling his eyebrows.
Nagtsk ako. "You are not handsome for me Daegan Perez." Agad na sumeryoso ako nang pumasok na naman ang kalituhan sa isip ko. "Where did you get that?" Tukoy ko sa katana na hawak niya.
Naptingin siya sa hawak na katana. "Pag-aari ko na ito bata pa lang ako."
"Alam mo ba kung saan galing iyan?"
Nagkibit balikat siya. "Nakita ko lang sa itaas ng kabinet ko noong bata ako." Nagbuntong hininga siya't nagtataka akong tinignan. "Bakit ka tumilapon nang ganoon kalayo?"
Hindi makapaniwalang sinalubong ko ang tingin niya. Is he's really clueless or he's just fooling me? "Alam mo bang isang royal blood vampire lang ang nagkakaroon niyan?"
Kumunot ang noo niya. Halata ang kalituhan sa kaniyang mga mata. Abviously he's really clueless. "Hindi... hindi ko alam." Nagbuntong hininga ako't ipinalibot ang tingin sa loob ng bahay niya na puno ng abo. He killed all of those vampires with his own strength. "Hindi rin kaya ako mumultuhin ng mga bampirang pinatay ko?"
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...