Chapter 29

532 26 1
                                    

JUDY ANN's POV

Matyagang hinihintay ko ang servant ni Kieran na bumalik sa bahay nito. Mag-iisang oras na akong naghihintay ngunit wala pa rin siya. Naiinip na ako ngunit narito na ako at wala akong balak umalis dito nang hindi ko nakukuha ang pakay ko.

Kumunot ang noo ko nang may marinig akong batang umiiyak. Nang lingunin ko iyon ay tama nga ako. May batang umiiyak na nakaupo sa tabing kalsada. He's a human. Nagtsk ako at iniiwas sa kaniya ang tingin. Nagsalubong ang kilay ko nang mas lumakas pa ang pag-iyak niya. Nilingon kong muli ang bata at puno na ng luha ang buo niyang pisngi habang sumisinghot singhot pa.

Hindi ko na sana siya papansinin ngunit sumasakit ang tainga ko kaya nilapitan ko na lang siya tapos ay mahinang sinipa ang paa niya na ikinatingala niya sa akin. Iniiwas ko ang tingin at pinagkrus ang mga braso sa gitna ng dibdib ko.

"Bakit ka umiiyak?" Napangiwi ako nang mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Nagtsk ako't yumuko sa harap niya. "May nang-away ba sa 'yo?"

Sisinghot singhot na tiningala niya ako. "K-kasi pinagalitan ako n-ni m-mommy." Muli na naman siyang humagulhol na ikinairap ko.

"Bakit ka ba niya pinapagalitan?"

"K-kasi, s-sabi ko g-gusto ko n-ng ipad k-kaso sabi niya a-ang b-bata ko p-pa raw."

"Eh bata ka naman talaga." Walang ganang sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin. "Eh n-na i-inggit ako s-sa m-mga kaibigan k-ko eh. M-may ipad sila a-ako w-wala. T-tapos m-mahal baon n-nila. Ako konti lang. T-tapos magaganda d-damit nila s-sakin pangit." Muli siyang umiyak.

Sinapo ko ang mukha niya at pinaharap sa akin. "Makinig kang mabuti okay?" Tumango siya. "'Wag kang mainggit sa mga batang may Ipad, 'wag kang mainggit sa mga batang may mahal na baon, 'wag kang mainggit sa mga batang may magagandang damit. Mainggit ka sa mga batang ang hawak ay libro, mainggit ka sa mga batang kahit mura lang ang baon ay masaya na, mainggit ka rin sa mga taong simple lang manamit pero may laman ang utak naiintindihan mo ako?"

Tumangu-tango siya kaya para hindi na siya umiyak ay kumuha ako ng isang daan sa wallet ko at ibinigay iyon sa kaniya. "Balik ka na sa bahay mo kasi alam mo bang maraming aso ang pakalat kalat dito? Hindi mo alam na baka mamaya kagatin ka nun."

Bumakas ang takot sa kaniyang mukha tapos ay mabilis siyang tumayo. "S-sige aalis na ako. S-salamat ate!" Natutuwa niyang sabi tapos tumakbo na paalis.

Natigilan ako nang mapansin ang sariling nakangiti na pala. Why am I smiling? Naiiling na tumayo ako at muling bumalik sa puwesto ko para muling hintayin ang pagdating ng servant ni Kieran at hindi naman ako nabigo dahil makalipas ang ilang minuto ay natanaw ko siyang papasok na ng bahay niya.

Ngumisi ako at mabilis na nag-teleport papasok sa bahay niya nang makitang tuluyan na siyang nakapasok. Pagsulpot ko sa sentro ng bahay niya ay saktong kakasara lang niya ng pinto.

"Your highness." Magalang nitong sabi nang harapin ako at bahagya pang yumuko. "What can I do for you?"

Gumawa ako ng matulis na dagger gamit ang kapangyarihan ko saka iyon tinitigan. "These fast few days, Kieran had been getting into my nerves. Oh I can't explain how pissed I am right now on that lovely cousin of mine." Nakangiting sinalubong ko ang kaniyang tingin. Mababakasan na ng pagkabahala ang emosyon ng kaniyang mata kahit walang emosyon ang mukha niya. "Do you think what is the best way to defeat the opponent?"

"If you are planning something, I will never hesitate to fight even if it cost my life." Malamig niyang sabi na ikinangisi ko.

"You're lucky to be Kieran's servant for more than a decade but you are also unlucky because you are his servant."

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon