"Hey Judy!" Masiglang bati sa akin ng mga kaibigan ni Daegan na sina Shera at Francis at nagsipag-upo sa kaharap kong bench dito sa tambayan ng mga taong estudyante
"Nakasimangot ka?" Pansin sa akin ni Francis.
"May nang-away sa 'yo?" Curious na tanong ni Shera.
Nakapangalumbabang tinignan ko silang dalawa. "Nasaan ang boss niyo?"
"Nag-eexam pa pati ang iba." Tugon ni Shera.
"Galit kaya siya sa akin?" Nag-aalalang tanong ko.
Nagkatinginan silang dalawa. "Bakit naman magagalit sa 'yo si boss?" Nalilitong tanong ni Francis.
"Na-offend ko yata siya eh." Nakasimangot na tugon ko.
"Talaga? Sa pagkakaalala ko, si boss ang tipo ng taong hindi mao-offend kahit gaano mo pa insultuhin. Alam mo 'yon? Si boss ang tipo ng taong mahilig manigaw, tataliman ka ng tingin pero siya ang tipo ng taong magagalit o maiinis lang saglit pero pagkatapos non, kakalimutan na niya ang ginawa mo." Paliwanag ni Francis.
"Iba na kasi ang nagawa ko eh. Nasagad ko yata ang pasensya niya."
"Hindi ako magtatanong sa dahilan pero pangako, hindi galit si boss sa 'yo."
"Eh bakit hindi niya ako pinapansin kung ganon?"
Nagkatinginan silang muli. "Baka may rason lang?" Naguguluhang ani Francis kaya binatukan siya ni Shera.
"Imbis na makatulong ka mas lalo mo pa siyang nililito." Binalingan ako ni Shera tapos ay nginitian. "Alam mo 'yan si boss, kapag mainit ang ulo niyan, bigyan mo lang ng Jelly, kakalma na."
"Magwo-work ba?"
Nag-thumbs up silang dalawa. "100%!"
"Nga pala, bakit boss ang tawag niyo sa kaniya eh kaibigan niyo naman siya?"
Nagkatinginan sina Francis at Shera at parehong humalagapak ng tawa na ipinagtaka ko. Anong probelma nila?
"Naku, paniguradong matu-turn off ka kapag nalaman mo!" Natatawang sabi ni Shera.
"Sabihin niyo na lang."
"Pero 'wag mo kaming isumbong kay boss ah." Bulong ni Francis habang nagpapalinga-linga.
"Hindi naman ako tsismosa."
"Hindi naman talaga namin kaibigan 'yang si boss noong grade-1 kami. Kaming lahat nina Shera, Ayame, Gaby, Nick, Luke at Henry lang ang magkakaibigan. Busy lang kami noon sa paglalaro sa likuran ng classroom nang bigla na lang siyang magpakita at nagtanong kung puwede ba namin siyang maging kaibigan, pero dahil sa pula niyang buhok at salubong pa niyang mga kilay ay natakot kaming pumayag. Mukha kasing bubullyhin lang niya kami." Natatawang kuwento ni Francis samantalang si Shera ay tawa nang tawa animo'y inaalala ang nakaraan nila.
"Alam mo ba noong tinanggihan namin siya, bigla na lang niyang sinuntok si Francis. Sunod ako hanggang sa masuntok niya kaming lahat pati sina Shera at Ayame hindi niya pinalagpas!" Francis blurted out a laughter. Nang hindi na ako makatiis ay nakitawa na rin ako. "Tapos yung baon naming Jelly, inubos niya at sinabing magiging kaibigan namin siya at dapat boss ang itawag namin sa kanya." Umiiling na dagdag ni Shera. "Ang bully niya talaga."
"Hanggang ngayon halata namang bully pa rin siya." Natatawang sabi ko saka tumayo. "Anyway, bibili lang ako ng Jelly. Baka sakaling patawarin na niya ako."
"Sige, basta wag mo sabihin kay boss ah!" Pahabol ni Francis.
"The secret is safe!" Sigaw ko at mabilis na naglakad patungong cafeteria.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...