Chapter 8

912 46 2
                                    

Matapos ang gabing iyon ay hindi na ako pinapansin ni Daegan. Kahit ang tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginagawa. Kapag magtatama naman ang mga mata namin ay titignan lang niya ako nang puno ng pagkadisgusto tapos ay lalampasan ako na para bang hindi niya ako nakikita.

I can't blame him. It was all my fault, but still, I don't know why I really love teasing him. Seeing him annoyed amuses me a lot.

Nakangiting tinititigan ko siya mula sa sanga ng malaking puno kung saan ako nakaupo. Nakaupo siya sa damo sa ibaba at nagbabasa ng, R-18 na story. Tsk. May pagkamalibog din pala itong lalaking ito hindi lang halata. Dahil nakatuon ang buong pansin niya sa binabasa ay alam kong hindi niya ako napapansin. Sa tuwing titingala siya ay agad na itinatago ko ang sarili para lang hindi niya ako makita dahil alam kong padabog na naman siyang aalis kapag nalaman niyang nasa paligid lang ako.

Akmang tatalon na sana ako para umalis nang may lumapit na babae sa kaniya't naupo sa tabi niya. Who's that?

Nilingon siya ni Daegan at sinamaan ng tingin. "Anong kailangan mo?" Marahas na tanong niya rito. Tsk, wala na talagang magandang salita na lumabas sa bibig niya.

"Gusto ko lang makipag-usap sa 'yo." Nakangiting tugon ng babae.

"Leave me alone." Masungit na sabi ni Daegan.

Pansin ko lang talaga sa lalaking ito, maliban sa mga kaibigan niyang babae ay wala nang iba pang nakakalapit pa sa kaniya. Bawat kasi babaeng lumalapit sa kaniya ay itinataboy niya na para bang nakakadiring mga nilalang ito na dapat iwasan. Hindi ko maiwasang mapaisip. May allergy ba siya sa mga babae?

"I just want to talk to you." Sabi ng babae at mahinang tumawa.

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko babae." Nag-iigting ang pangang sabi ni Daegan. Akmang magsasalita pa sana ang babae ngunit sinigawan na niya ito. "I said, leave me alone!"

Tsk, tsk, tsk.

Hindi ko man nakikita ang mukha ng babae ay alam kong nasaktan at na-shock ito dahil sa biglaang pagtaas ng boses ni Daegan at imbis na mag-sorry ang lalaking ito ay nagtsk lang siya't muling nagpatuloy sa pagbabasa ng R-18 na story.

Awkward na tumayo ang babae. "I'm sorry." Iyon lang ang sinabi niya't umalis na.

"I know you've been watching me woman, what do you want?" Tanong niya nang makalayo na nang tuluyan ang babae.

Medyo nasurpresa ako sa tanong niya ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Ihinilig ko ang likod sa katawan ng puno at ninamnam ang masarap na ihip ng hangin. Akala ko ay hindi na niya ako mapapansin mali pala ako. "Are you allergic with girls?" I asked instead.

"Do you care?"

I tsk. "She just want to be friends with you. Why you're so mean?"

"Wala kang pake." Masungit niyang sabi.

"Akala ko talaga inosente ka. Nagbabasa ka rin pala ng R-18 na story."

"Wala kang pake." Ulit niya sa sinabi.

"If you just didn't kiss me before, iisipin ko na talagang bakla ka kaya ayaw na ayaw mo sa mga babae."

Ramdam ko ang marahas na pagtingala niya sa akin. "Bakit ba sunod ka nang sunod?"

"Kasi gusto kitang sundan."

"Eh bakit mo ba ako sinusundan?"

I sighed. "Kasi nga sinunsundan kita."

He snorted. "Kababae mong tao nang-iistalk ka ng lalaki. Pinanood mo rin ako maligo. Don't you have shame on yourself?"

Tumalon ako pababa at naupo sa tabi niya agad naman siyang lumayo na para bang isa akong nakakadiring nilalang. Tsk, nlingon ko siya't ihinilig ang ulo sa palad ko't mataman siyang tinitigan.

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon