Chapter 5

1.1K 48 1
                                    


"Anong ginawa mo sa jelly ko!" Malakas na sigaw ko na ikinaigtad niya pero imbis na matakot ay inosente lang ako nitong tiningnan.

"Oh, andyan ka na pala hindi ko man lang napansin ang pagdating mo." Ngumiti pa ito dahilan para mas lalo akong mabwiset sa kanya! "Jelly ba ang tawag dito? Ang cool kasi. Ang lambot oh." Tuwang tuwa pa siya habang dinudurog sa kamay ang mga jelly na para bang nang-aasar. Sa sobrang inis ay nilapitan ko siya. Hinawakan sa braso at marahas na hinila palabas ng kusina. "Hoy, ano ba ang problema mo?"

Hindi ko siya pinansin. Nang nasa tapat na kami ng pinto ay marahas na binuksan ko ang pinto tapos ay hinila siya palabas."'Wag na 'wag ka na ulit papasok dito!" Malakas na sigaw ko sa kaniya.

Napatakip siya ng tainga sabay ngiwi. "Hindi ka ba marunong magsalita nang malumanay? Iyong sakto lang?"

"Hindi!"

Muli siyang napangiwi tapos ay tinaasan ako ng kilay. "Tandaan mo 'to. Hinding hindi kita tatantanan. Huh! After you took the virginity of my--"

"Bakit! Nabuntis ba kita ha! Sa pagkakatanda ko hindi nakakabuntis ang halik!"

Nginiwian niya ako. "Kalalaki mong tao para kang babae kung makasigaw.

"Anong sabi mo?"

The shameless woman has the nerve to roll her eyes on me. "Para kang babaeng palaging may dalaw kung magsalita. Umamin ka nga, dati ka bang babae na naging lalaki?"

Nag-init ang ulo ko dahil sa tanong niya. What the f*ck! "Wala kang pakialam sa mga ikinikilos ko! At 'wag na 'wag ka na ulit papasok dito! Inuulit ko! 'Wag na 'wag na 'wag na 'wag ka na ulit papasok dito!"

Nag-iigting ang pangang tinalikuran ko siya't pumasok sa unit ko tapos ay pabagsak na isinara ang pinto. Bwiset naman oh. Kuyom ang mga kamaong bumalik ako sa kusina at nang muli kong makita ang jelly ko ay para akong pinanghinaan ng loob.

"My Jellies." Nanghihinang nilapitan ko ang mga ito't hinawakan. Muling bumalik sa isipan ko ang ginawa niya rito na muling nagpainit ng ulo ko.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa sobrang inis. 'Wag na 'wag lang niyang maipakita ang pagmumukha niya dahil baka hindi ako makatiis at kung ano ang magawa ko sa kaniya!

Inis na sinipa ko ang lamesa saka mainit ang ulong lumabas ng unit ko. "Anong tinitingin mo?" Inis na tanong ko sa babaeng ito na narito pa rin pala sa tapat ng pinto ko.

"You're the noisiest man I've ever met." She said it instead of answering me.

"Wala kang pakialam!" Sigaw ko sa kaniya na ikinangiwi niya. Nagtsk ako at inis na nilampasan siya.

"Hanggang sa--"

"Wag na 'wag ka nang magpapakita pa!" Sigaw ko uli na ikinalingon ng mangilan ngilang tao sa hallway.

Malakas siyang tumawa na mas lalong ikinainit ng ulo ko. "Grabe." Iiling-iling niyang sabi.

Marahas na tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad pagsakay ko ng elevator ay agad na nagpahatid ako sa ground floor.

"Are you okay?" Malumanay na tanong ng babaeng nakasabay ko.

"Hindi!" Sigaw ko na ikinaigtad niya sabay layo nang kaunti.

Marahas na iniwas ko sa kaniya ang tingin. Pagbukas ng pinto ng elevator ay malalaki ang hakbang na tinungo ko ang sasakyan ko agad na sumakay at nagmaneho paalis.

"Bwiset na babaeng iyon. 'Wag na 'wag niya lang maipakita sa akin ang pagmumukha niya. 'Wag na 'wag lang talaga. Ahhhhh!" Sigaw ko dahil sa inis. Hanggang sa makarating sa University ay hindi na nawala ang inis na nararamdaman ko.

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon