Nagkukusot ako ng mata habang bumababa ng hagdanan. Paggising ko ay wala na sa tabi ko si Judy. Wala rin siya sa kuwarto kaya bumaba na lang ako habang nakasaklay. Sinusubukan kong alamin kung nasa kusina ba siya ngunit wala siya roon. Napatingin ako sa wall clock. Nagbuntong hininga ako. 9:45 AM na. Heto na naman kami sa iwasan.
"What's on your mind?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may bumulong sa tainga ko. "Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot kung saan?" Galit kong tanong.
May iniangat siya sa harap ng mukha ko. "Bumili ako nung dahilan kung bakit mo ako pinalayas sa bahay mo noon. Agahan."
I look at her flatly. "You know that I love jelly but I still need another food to survive."
Nagkamot siya ng ulo. "Malay ko ba sa pagkain niyong mga tao." Tumaas ang kilay ko nanng may ibigay siya sa akin na cellphone. "Cellphone mo, kinuha ko sa kuwarto mo baka kailangan mo at order ka na lang ng pagkain mo. Hindi ko alam kung ano ang kinakain niyo sa umaga."
Hinablot ko sa kamay niya ang Jelly na binili niya. "Pautang pala wala akong pera mag-iisang buwan na akong grounded at may natitira pang isang buwan." Sabi ko nang nagkakalikot sa cellphone ko.
"Puwede ka namang manghingi. Wala naman akong pinaggagamitan ng pera ko."
Nilingon ko siya. "Judy, mataas ang pride ko kaya mang-uutang ako at babayaran ko rin kapag open na ang bank account ko."
"'Di ba kapag nangungutang ibinababa rin ang pride?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kahit ano na pautang ayaw kong inililibre ako ng babae!"
Nginiwian niya ako. "Mangungutang ka na nga lang maninigaw ka pa." Tapos ay naglabas siya ng isang libo at inabot sa akin.
Hinablot ko ang pera mula sa kamay niya't nakipag-usap sa telepono. Nang matapos ay agad na ibinulsa ko ang cellphone. "Judy." Tawag ko sa kaniya nang akmang maglalakad siya patungo sa salas.
"Huh?" Nagtatakang tanong niya.
"Will you help me?"
"Ayoko."
Sinimangutan ko siya nang talikuran niya ako ngunit ihahakbang ko pa lang ang paa nang mabilis siyang maglaho kasabay ng paglaho ko at ang sumununod na nangyari ay nasa sofa na ako.
"'Wag kang masanay magpatulong sa iba. Minsan, kailangan mo ring matutong tumayo sa sarili mong mga paa kahit gaano ka pa nahihirapan." Sabi niya kasabay ng paglaho niya at nang lingunin ko ang kabilang sofa ay naroon na siya't prenteng nakahiga habang nakapikit ang mga mata. "Daegan?" .
"Bakit?"
"Will you stay away from me?"
"I thougt we're okay?" Hindi ko magawang itago ang lungkot sa mukha ko. Akala ko pagkatapos kagabi ay okay na kami.
"Mamamatay ka 'pag nagputuloy ka sa paglapit sa akin. I'm in a game Daegan, my cousin is willing to use all the weaknesses I may have just to win in our battle." Nilingon niya ako't sinalubong ang tingin ko. Serysong seryoso ang kaniyang mukha at walang mababakas na pagbibiro roon.
"But you don't care about me right?" Nagtatakang tanong ko.
"Yeah, but if you are in the middle of the death, I'll still be there to save you. I don't care about you but I don't want you to die."
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa kaniyang sinabi. Nailing naman siya nang makita ang matamis kong ngiti. "You don't want me to die... whether you deny it or not, you still care for me. Tsk tsk tsk." Hinimas himas ko ang baba. "Hindi na nakapagtataka. Sa guwapo ko ba namang ito, lahat ng babae ay aayaw na mamatay ako."
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...