Sneak Peek

5.1K 121 0
                                    


DAEGAN PEREZ POV

"Tulala ka boss?" Pansin sa akin ni Francis habang kumakain kami ng miryenda sa isang café.

Imbis na pansinin sila ay pinili kong itikom ang bibig. Baka kasi hindi ako makatiis ay masigawan ko sila nang wala sa oras.

"Dahil ba wala kang jelly, o dahil wala kang Judy?"

Binalingan ko ng masamang tingin si Nick dahil sa kaniyang tanong. Mga buwiset na ito. Nag-cutting class lang ako ginaya na nila ako.

"Will you shut up?"

Umiling-iling si Shera. "May quarrel pa rin siguro sila ni Judy kaya gaganyan ganyan 'yan."

Then Ayame tapped my shoulder. "Iinom mo na lang 'yan."

"Tsk, 'yang si boss kapag may problema, mas pipiliin niyang kumain ng Jelly kaysa uminom ng alak." Dahil sa sinabing iyon ni Gaby ay sabay-sabay silang tumawa na para bang nakakatawa ang ugali kong iyon.

"Dyan na nga kayo mga buwiset!" Sabi ko sabay tayo ngunit agad din silang nagsipagtayo para sundan ako. Kumain pa muna ng cake si Francis bago tumayo na rin at sumunod.

"Saan tayo pupunta boss?" Nagtatakang tanong ni Gaby.

"Sa snooker house." Tugon ko.

Pagsakay namin sa mga sasakyan namin ay agad na nagmaneho kami patungo sa snooker house kung saan kami minsan tumatambay. Dahil malapit lamang ang snooker house ay mabilis lamang kaming nakarating. Unang bumaba si Nick at excited binuksan ang pinto ng snooker house ngunit saktong pagbukas niya ng pinto ay agad siyang natigilan na ipinagtaka namin.

Halos sabay-sabay lang kaming pumunta sa kinaroroonan niya't agad na napatakip ng ilong nang bumungad sa amin ang napakalansang amoy na nanggagaling sa loob.

"Tabi." Sabi ko kay Nick at takip ilong na pumasok. Pumasok din ang mga kasama ko.

Para akong nanlamig nang makita nang tuluyan ang nasa loob. Iba ang naramdaman ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga putol na katawan ng mga tao. Putol na kamay, paa at mga wasak na bungo.

Napalingon ako kay Franciss na mabilis tumakbo palabas at doon ay nagsuka nang nagsuka. Muli kong ibinalik ang tingin sa buong paligid. Puno ng dugo ang sahig pati ang kisame ay may mga dugo rin.

"Grabe... this is the most brutal death I've ever seen." Wala sa sariling nasabi ni Shera.

"Sino kaya ang gumawa nito?" Rinig kong tanong naman ni Nick habang sinusuri ang mga bangkay.

Pinatihaya ko ang lalaking nakadapa na nasa harap ko at natigilan nang makita ang wasak nitong mukha. Nag-squat ako't kumalabit ng kaunting dugo saka sinuri. Bago pa lang ang dugo at maaaring ilang minuto pa lang ginawa ang krimen. Napatingala ako sa taas nang may marinig akong malakas na kalabog. Napatingala rin doon ang mga kasamahan ko't halos magkakasunod lang kaming umakyat sa hagdanan para alamin ang nangyayari sa club area ng lugar na ito.

Pag-apak ng paa ko sa second floor ay natigilan ako nang makita kung gaano rin kabrutal ang klase ng pagpatay sa bawat narito. Who the hell did this?

"Narito pa kaya ang salarin?" Tanong iyon ni Shera na ikinatingin namin sa kaniya saka kami nagkatinginan at naghiwalay ng landas para alamin kung narito pa ang may gawa nito.

Binuksan ko ang bawat VIP room na makikita ko at bawat kwarto ay may mga bangkay na brutal ding pinatay at nang makarating sa dulo ay malakas na binuksan ko pinto para lamang matigilan nang makita si Judy Ann na nakaupo sa lamesa. Puno ng dugo ang kulay kahel niyang dress maging ang kamay niya ay nababalot din ng dugo. May talsik pa ng mga dugo ang mukha niya at sa tabi niya ay isang wine glass at sa taas niyon ay isang babaeng nakabitin nang patiwarik. May malaking hiwa sa leeg at tumutulo ang dugo nito sa wine glass.

"Boss, may nakita ka?" Tanong iyon ni Luke mula sa malayo na mukhang papalapit sa amin.

"Wala!" Sigaw ko pabalik at isinara ang pinto sabay ni-lock. "What have you done?" Wala sa sariling naitanong ko. I can't believe she killed all of those people and I am pretty sure, they didn't do anything to hurt her.

Kinuha niya ang basong may dugo at ininom bago ibinalik sa pinagkuhanan niya't sinalubong ang tingin ko.

"I killed them." Kibit balikat niyang sabi na para bang wala lang ang ginawa. "What are you doing here?"

"This is a gangster's property and that's the reason why am I here."

Muli niyang ininom ang dugong nasa baso at muli rin iyong ibinalik sa pinagkunan niya. "Why didn't you tell your friend that I'm here? I am pretty sure, they are searching for the person who killed these humans." Nakangising sabi niya't muling ininom ang laman ng baso.

I let out a deep breath and turned my back on her. "You can always come to me if you need blood. You don't have to kill these people who didn't even hurt you." Nilingon ko siya. "I am not saying this to change you; rather, I am saying this because we shouldn't hurt those individuals who haven't even hurt us with a single word. We also should not hurt those weaker than us." Binuksan ko ang pinto. "Hindi kita inuutusan pero sana ay umalis ka na sa lugar na ito. Ayaw kong makita ka ng mga ka-gang ko sa ganiyang lagay mo." Pagkasabi ko niyon ay tuluyan akong lumabas at malakas na isinara ang pinto.

I know what I did was wrong, but I don't know why I can't say to my gangmates that the killer is the woman I like.

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon