Matyagang nakatayo ako sa tapat ng elevator habang hinihintay ang pagbukas nito. After a week, finally, I'm home at ngayo'y aalis para mag-aral. Kailan man ay hindi ko naisip na mag aral ulit. I don't even understand myself anymore. Ang makita lang ang lalaking iyon ay natutuwa na ko. Kahit puro lukot na mukha ang bungad niya sa akin ay laging buo ang araw ko kapag nariyan siya.Pagbukas ng elevator ay agad akong sumakay hindi pinansin ang grupo ng mga babaeng agad nagsipagreklamo dahil imbis na gumilid ako ay sa mismong harap nila ako pumwesto.
"Hey, can you ligid ligid there? You're blocking our way." Sabi ng isa.
"Are you bingi?" Tanong naman ng isang maiksi ang buhok.
Imbis na pansinin sila ay pinili kong huwag umimik at nanatili sa pwesto ko. No one has the right to treat me like that and they don't own this elevator.
Pabukas ng elevator ay agad na itinulak nila ako palabas. Nilingon pa ako ng isa at puno ng pagkadisgustong tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka sumunod sa mga kaibigan niya.
Imbis na patulan sila ay tinungo ko ang sasakyan at sumakay saka nagmaneho paalis patungo sa University.
Halos makasabay ko lang sa pagparke ng sasakyan ang mga nakasabay ko sa elevator kanina. Lumabas ako ng sasakyan dala ang mga gamit ko at ganoon din naman sila. Nilingon nila pa ako at sabay sabay silang umirap. Imbis na magpaapekto ay naka-poker face na pumasok ako sa gate ngunit bago pa ako tuluyang makapasok ay agad na hinarang ako ng mga guard.
"ID." Seryosong sabi ng isang guard.
Kinuha ko ang ID ko at ihinarap iyon sa mukha niya saka pa nila ako pinapasok. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng soot kong jeans at tiningnan ang text ni Ziggy. Sa text niya nakalagay lahat ng impormasyon na kakaipanganin ko.
Naglakad lakad ako para hanapin ang Department of Architecture. Tiningnan ko ang three storey building na hinintuan ko saka bumaba ang tingin ko sa hawak na cellphone. Ito na nga ang gusaling sinasabi ni Ziggy. At ayon sa kanya ay nasa second floor daw ang first class ko.
Ibinulsa ko ang cellphone saka naglakad papasok. Huminto ako sa tapat ng classroom kung saan ang first class ko at sumilip sa loob. Wala pang tao kaya tumambay na muna ako sa gilid ng railings at nilibot ang tingin sa buong campus. Hindi naman kataasan ang bawat gusali rito ngunit masasabi kong maganda rin ang paaralang it at napakalawak pa. Iilan pa lang ang tao dahil maaga pa naman.
"The most handsome man in the world, Deagan Perez, uh! Daegan Perez! The handsome king and handsome architect, Daegan Perez! The most talented man in the world, his name is Daegan Perez. Hmmm, hmm, hmm. Hmm."
Nakunot ang noo ko dahil sa narinig. Sa tanang buhay ko, iyon na siguro ang pinakapangit na boses at kantang narinig ko.
"The most handsome man in the world, Daegan Perez, uh! Daegan Perez. The hot and sexy handsome man in the world, Daegan Perez, Daegan Perez, Deagan Perez Uh! The eyes, the nose, and the lips are shouting handsomeness, which is only owned by Daegan Perez, uh! Daegan Perez. Hmmm. Hmm. Hmmm. Hmm Daegan Perez. Hmmm. Hmm. Hmm."
Nang ibaba ko ang tingin ay noon ko lang napansin si Daegan na masayang kumakanta habang naglalakad papasok ng gusali. The f*ck?
"Psst!" Tawag ko sa pansin niya. Nagtatakang tiningala niya ako at agad na nalukot ang mukha nang makita ako. "Ang pangit mo pala kumanta. Ang pangit din ng boses mo, kasing pangit ng mukha mo!" Sinamahan ko pa ng mapang-asar na tawa ang sinabi.
Dinuro niya ako ng hawak na minion staff toy. "Ikaw na naman!" Tapos ay mabilis na tumakbo ito papasok ng gusali habang namumula ang mukha dahil sa sobrang inis.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...