Chapter 21

622 32 3
                                    

DAEGAN's POV

Paglipas ng ilang linggo ay nakabalik na rin ako sa pag-aaral. Medyo okay na ang paa ko ngunit hindi ko lang ito maitakbo dahil hindi pa lubusang gumagaling. Hay... ang hirap pala magkapilay. Ang kaibihan ko nga lang sa ibang mga pilay ay ako, guwapong pilay. Sila, pangit na pilay. Tsk, tsk, tsk. Iba talaga ang guwapong katulad ko. Kahit laman ng hospital sa loob ng halos isang buwan ay hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhang taglay ko.

"Sa wakas, sa wakas, sa wakas. Nakabalik na rin ang boss namin." Ani Henry habang malapad na nakangiti.

Narito kami sa Coffee shop na nasa harap din ng University. Nag-aagahan.

"'Wag mo akong umpisahan Henry, good mood ako ngayon kaya manahimik ka."

"May balita ako boss." Pag-iiba niya ng usapan.

"Ano?"

"'Wag kang mabibigla boss ah."

Walang gana ko siyang tinignan. "Ano ba 'yan at para kang ewan na mambabalita na nga lang; hindi pa sasabihin."

"Boss... ano..."

"Ano?"

Dumukwang siya't bumulong sa tainga ko. "Bagsak ka sa third semester." Tapos ay mabilis siyang bumalik sa inuupuan.

"Sino ang nagsabi? Hindi naman tayo magkaklase ah." Masungit kong sabi. Architect ang kurso namin nina Luke, Gaby at Nick habang mga feeling mathematician namang sina Henry at Francis na mga civil engineer ang kurso samantalang mga computer Engineer naman sina Ayame at Shera.

"Boss, syempre nakaabang kami sa grades mo." Natatawang sabi ni Henry.

"Eh kayo mga pasado?"

Nagkamot siya ng ulo. "Mga bagsak din kaming lahat. Mukhang pare-pareho tayong hindi gagraduate ngayong taon boss."

Sisinghalan ko na sana siya nang makita ko si Judy sa harap ng gate ng University. Kakalabas lang niya mula sasakyan ngunit bago pa siya makapasok sa university ay may lumapit sa kaniya. Si Ziggy.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos nang makita kung paano sila mag-usap. Kahit ilang beses silang hindi magkaintindihan ay nagbabati rin sila.

"Sinong tinitingnan mo bo-- oh si Judy iyon 'di ba? Sino yung lalaki?"

Inis na nag-iwas ako ng tangin nang makita ako ni Judy at bigla na lang siyang kumaway habang nakangiti. "Malay ko. Baka lover niya."

"Oooppss... my heart break, may iba iba na siya boss. Oppss... my heart break, selos na selos ka na boss. Op--"

"Manahimik ka!" Sigaw ko na ikinalingon ng ilang mga kostumer sa amin samantalang ang sinigawan ay malakas lang na tumawa.

"Ano meron?" Tanong ni Luke na kakarating lang. Kasama nito sina Francis at Nick.

"Si boss, nagseselos." Natatawang tugon ni Henry.

Agad na naupo ang tatlo para lang makikalap ng tsismis. "Si boss nagseselos? Wow, bago 'yan ah." Tatawa-tawang ani Nick.

"Kanino ba nagseselos?" Mausisang tanong ni Francis.

Inginuso ni Henry sina Judy at Ziggy na nag-uusap pa rin hanggang ngayon. "Sa kanila."

"Bakit naman magseselos si boss diyan?" Tanong ni Luke.

"Mukhang lover kasi ni Judy yung lalaki." Nakangising ani Henry habang nakakalokong nakatingin sa akin na hindi maipinta ang mukha.

"Lover? Sino namang nagsabing lover ni Judy iyan?" Nagtatakang tanong Francis.

Inginuso ako ni Henry. "Si boss."

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon