Camille's POV
5PM na.
Kanina pa tapos ang klase.
Psshh. Ang haba pa ng oras.
Pumunta ako sa parking lot para kunin ang motor ko na mohawk. Nakapark to sa pinakadulo, para di agaw atensyon noh. Mahirap na.
Pumunta muna ako sa bahay para magpalit ng damit.
Nag leather jacket lang ako at inner white tshirt. Nagsuot din ako ng specialized bulletproof vest na ginawa pa mismo ng mommy ko. Manipis at komportable. Pinares ko naman sa jeans na flexible (para madali akong makagalaw) at sapatos na Vans. Yung jeans at vest ko personally designed pa ng mama ko. My mom and Dad knows what I'm doing and sinusuportahan nila ako. Yung Daddy ko, former gangster din. But eventually nagquit nang magstart na silang bumuo ng family.
"San ka pupunta Xhiara?", tanong ni mama.
"Ah sa Arena lang po. May laban daw ngayon. Kasama ko naman po sila Haidee.", sabi ko. Tumango naman sya at binigyan ako ng lunch box.
I know It's childish pero kahit ganto ako, close parin kami ng parents ko. Hindi naman ako nagrereklamo noh. Ansarap kaya magluto ng mama ko. Aside sa pagiging designer, nagtayo sila ng restaurant sa Japan na currently minamanage ng kuya ko.
"Dinamihan ko yan, alam kong manghihingi na naman yon sila Haidee. May ibilin nga pala yung daddy mo sakin. May bago syang inorder na baril para sayo. Nasa sasakyan mo daw.", sabi ni mommy.
Ngumiti naman ako ng malapad dahil sa narinig ko.
(Sa Underground Arena)
Pinarada ko na ang motor ko at sinuot ang pulang mask.
Pumasok nako sa arena at andami nang tao. Agad ko namang hinanap sina Haidee sa bleachers.
Ayun!
Nakamask din sila. Sila ang myembro ng gang ko.
Haidee Willows.
Jihyun Lee
at Bethany Smith.
Sa lahat ng gangster kami lang ang nagsusuot ng mask. May dahilan naman kami don.
"Oh Xhiara. Kala ko di kana pupunta. Di ka nagreply sa text ko.", sabi ni Haidee sabay pout. Tch. Napakachildish.
"Hi Xhi!! Namiss ka namin. Isang linggo tayong di nagkita!", Bethany. Pare-pareho silang madaldal pero seryoso pagdating sa labanan.
"Xhi, sinabi ko naman sayo na sa school ka nalang namin mag-aral.", Ji.
"Kayo nalang ang magtransfer sa school ko. Katamad.", walang ganang sabi ko. Magsasalita pa sana si Ji nang nagsimula nang welcome adress ang announcer.
"Welcome Ladies and Gentleman! Tonight, isang masayang laban na naman ang matutunghayan natin. Alam kong excited kayo dito dahil isa sa mga pinakamagagaling na gang ang maglalaban ngayong gabi. Ang MaskedShadows at DarkHell!"
Wth? Kami? Tinignan ko naman yung mga kasama ko. Halata ring nagulat sila sa naging announcement. Tss. Buong akala ko, manonood lang kami.
Yep. Kami ang MaskedShadows. Ang pinakamagaling na girl gang.
Umakyat na kaming apat sa ring...
Josh's POV
Andito na kami sa Arena. Kala ko late na kami pero tamang tama lang ang dating namin dahil nag-wewelcome address palang ang announcer.
"Welcome Ladies and Gentleman! Tonight, isang masayang laban na naman ang matutunghayan natin. Alam kong excited kayo dito dahil isa sa mga pinakamagagaling na gang ang maglalaban ngayong gabi. Ang MaskedShadows at DarkHell!"
MaskedShadows? Really?
Di pa namin sila nakikitang makipaglaban.
Umakyat na silang apat sa ring. They're wearing masks as usual.
Nagbulungan pa silang na apat. Parang nagpaplano. I think yung nakapula yung leader nila.
"Game on!", sigaw nung isang member ng Masked Shadows.
Lumapit naman yung leader ng DarkHell dun sa nakapulang mask. Nagsukatan sila ng tingin at parang di na makapag antay na saktan ang isa't isa.
"Alam nyo na ang rule ng game. Bawal gumamit ng mga armas. Bawal pumatay ng kalaban. Ang lalabag sa rule ay may katapat na parusa. Sa tingin ko naman ay di nyo gugustuhing maparusahan.", sabi ng announcer.
"Ready... 1...2...3... FIGHT!"
Agad namang sumuntok yung leader ng DarkHell pero naharang agad yun ng nakared. Napahiyaw naman ang mga audience dahil sa ginawa nya.
Hindi pa sumusugod yung ibang member ng Masked Shadows pero yung DarkHell sabay-sabay ang sugod.
"Tss. Ang unfair naman nyan.", biglang sabi ni King. Hmm. He has a point. Pero yung ibang member ng Masked Shadows nanonood lang na parang bored sa pag-aantay.
Haidee's POV
"Ganito ang plano, wag muna kayong sumugod hanggat di ko sinasabi. Alam kong ako ang susugurin nila dahil may atraso ako sa leader nila.", Xhi.
Nagpout naman si Bethany.
"Pano ka? Bugbog sarado ka ng mga mokong na yon.", sabi ni Bethany. Nagsmirk lang si Xhiara.
Tch. Kahit kailan talaga tong babaeng to, napakapasikat. Pag yan napuruhan, nakuuu bahala sya.
"Mag-antay lang kayo. Babanatan ko tong gagong to.", sabi nya sabay kindat.
Wala na kaming nagawa kundi mag-antay.
"Game on!", sigaw ni Bethany.
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Teen FictionI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.
