Chapter 21

1.2K 53 2
                                        

Camille's POV

Sa condo ni Jiji ako natulog kagabi.

Hindi parin mawala sa isip ko ang driver kahapon.

Posible kayang kasamahan sya nung lalaking nakaaway ko last week?

Sino ba talaga kayo?

Bakit ang hilig nyo magtago?

"Uhm...X... I saw this letter kaninang umaga. Nakaipit sa locker ko. It's similar to the first letter na natanggap natin", sabi ni Beth.

Inabot naman nya sakin ang kulay kapeng sobre. Nakasulat sa likod ng sobre ang pangalan ng grupo namin.

Kung sino man sya, alam nya ang totoo naming katauhan.

Binuksan ko ang sobre at nahulog mula dun ang isang polaroid picture...

"Wait! Is this us?", takang tanong ni Haidee nang makita ang picture.

Tama. Kami nga to. Picture namin to nung isang araw sa canteen. Binuklat ko naman ang papel na naglalaman ng sulat.

Masked Shadows...
Isa sa mga magigiting na grupo sa Gangster World.
Sa tingin nyo kayo na ang pinakamagaling?
Alam ko kung sino kayo.
Hinding hindi kayo magiging rank 1
Tandaan nyo yan.

"Merong nanonood satin ngayon", mahinang sabi ko. Hindi naman na sila nagtaka sa sinabi ko. Hindi sila gumalaw at pinakiramdaman ang paligid. Ganun din ang ginawa ko.

Napayukom ako ng kamao at kinuha ang pocket knife sa bulsa ko.

Dahan dahan akong lumapit sa pader na pinagtataguan ng taong nanonood samin. Alam kong nandyan sa. Kanina ko pa nararamdaman ang presensya nya.

Lapit pa...

Lapit pa...

1...

2..

3...

"Haaayaaaah!"

Tinulak ko sya sa pader at tinutukan ng kutsilyo. Kinwelyuhan ko naman sya gamit ang isa kong kamay.

"Sino ka?", diing tanong ko. Hindi sya nagsalita.

"Sino ka?!", mas diniinan ko pa ang tono. Hindi parin sya nagsasalita.

"Xhiii. Bilisan mo dyan baka may makakita satin", sabi ni Haidee.

"Kung hindi mo sasagutin ang tanong ko, uuwi kang duguan", banta ko.

"P-pakiusap! Wag m-moko patayin. Inutusan lang ako!", sabi nya.

"Sinong nag-utos sayo!"

"Hindi ko sya kilala. Sinunod ko lang sya dahil binantaan nya ako na papatayin daw nya ang pamilya ko. Pasensya na!", mahabang paliwanag nya. Binitawan ko na sya, nakahinga naman sya ng maluwag sa ginawa ko.

Tinignan ko naman ang lalaking kaharap ko ngayon.

Naiiyak sya at bakas padin ang takot.

"Kung gagawin mo ang sasabihin namin, papabayaan na kita"

"Po? S-sige po! Kahit ano!", kinakabahang tugon nya.

"Sabihin mo, anong itsura ng lalaking nag-uutos sayo?", tanong ko.

"Nakamotor sya lagi. Nakajacket din sya lagi."

Jacket?

"May kung anong kakaiba ba sa jacket nya? May logo?", tanong ni Jiji.

"O-oo! May logo ng tigre sa likod ng jacket!", mabilis na sabi nya.

Tama ako. Iisa lang sila.

Yung nagpadala ng sulat, yung driver at yung nakalaban ko.

Pero sino ang nag-uutos sa kanila?

Sino ang nasa likod ng mga nangyayaring to?

Bumalik na kami sa classroom na parang walang nangyari.

Aalamin din namin kung sino ka.

Someone's POV

"Nahuli nila yung espiya boss"

Huminga ako ng malalim at tinignan ang mga litrato ni X sa buong opisina ko.

Espisyal ang mga painting na nakasabit. Pinagawa ko pa sa mga magagaling na pintor.

"Patayin nyo na ang batang yon. Wala naman tayong napapala don. Mahina sya magbalita. Walang kwenta", sabi ko.

Tumango naman sya at umalis na.

"Nasiguro nyo bang nakaanot kay X ang sulat?", tanong ko sa butler ko.

"Opo boss!"

Napangiti naman ako sa narinig ko.

Paghaharian ko ang Underground at magiging akin si X.

Sya ang magiging reyna ko.

Malapit na mahal ko...

Malapit na...

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon