Chapter 27

1K 50 6
                                    

Camille's POV

Bumalik kami sa kwarto namin para magbihis.

Actually sila lang.

Hindi ako kasali.

Yung mga lalaki nauna na sa labas.

Ang tagal nilang nagbihis. Tss. Pabalik balik din si Haidee sa cr. Madami syang dinalang swimwear at sinusukat nya lahat.

Nakaupo lang ako sa kama at nagbabasa ng comics. Ginawa naman nila akong judge.

"Maganda ba to?", tanong ni Haidee. Suot nya ang isang twopiece na may cherry na design. Tumango naman ako at tinuloy ang pagbabasa.

"Ihhh Xhi naman. Lahat nalang ng sinukat ko sasabihan mong maganda. Pano ako makakapili nyan?", asar na sabi nya. Inirapan ko naman sya.

Nakapili nadin sina Beth at Jiji ng swimsuit. Si Beth nakasuot ng pink twopiece. Si Jiji twopiece din ang suot at kulay orange na may ice cream design.

Tinignan ko naman sila isa-isa. Mga petite sila, ako lang yung medyo biniyayaan. I mean, payat naman ako. Medyo may laman lang kumpara sa kanila.

"Ito sayo. Sukatin mo na", sabi ni Haidee at nilapag ang isang red na twopiece. Sumimangot naman ako.

There's no way.

Hindi nya ako mapapasuot ng ganyan.

"I'm good. You can go now", sabi ko.

Pilit naman akong pinatayo nila Beth at Jihyun.

"Bitawan nyoko!", sigaw ko. Para namang wala silang narinig at tinulak ako papuntang CR.

"Isuot mo na dali! Bago yan! Binili ko talaga para sayo. Bagay yan I'm sure", excited na sabi ni Haidee. Tumili naman sila tatlo.

These crazy rats.

Ang kukulit!

"Ano naman makukuha ko dito ha? Ayokong pagtinginan ng mga tao sa labas no! You know I hate attention", sabi ko. Nagbulungan naman sila.

"I'll give you 5,000.", nakangising sabi ni Jiji.

"I'll buy you comic books. Marvel at lego", sabi naman ni Beth. Nagningning naman ang mata ko dahil sa narinig ko.

"Ako bibilhan kita ng baril. Maagang birthday gift", Haidee.

Comic books?

Hmm mukhang hindi naman ako lugi nito

*deep sigh*

"Jiji, gawin mo nang 10,000. Pandagdag na sa pera ko. Bibili ako ng bagong game console", sabi ko. Nag-high five naman sila tatlo.

This will be the lamest thing I've ever done

(few minutes later)

"Ackk! I knew it! Bagay talaga!", tili ni Haidee.

Tinignan naman ako ni Beth at Jiji mula ulo hanggang paa. Parang kinikilatis nila ang kabuuan ko.

"Who knew X has nice figure", sabi ni Jiji.

"Ang unfair. Mas malaman pa pala si Xhi kesa satin. Magmumukha tayong stick pag didikit tayo sa kanya", Beth.
Tss.

"Whatever. Yung pinangako nyo. Pag talaga hindi nyo binigay, lagot kayo", banta ko. Nilugay ko naman ang buhok ko. Pakiramdam ko kasi nakahubad ako sa pagkakataong to.

Tumango naman sila at lumakad na papunta sa pintuan.

"Wait! Lalabas talaga tayo na ganto ang suot?", tanong ko. Nagtinginan naman sila.

"Oo naman noh. Hellooo 2020 na kaya. Liberated na ang mga tao ngayon", sabi ni Haidee.

"Do you have a robe or something?", tanong ko.

"Wala kaya tara na!", sabi ni Jiji at hinila na ako papalabas ng kwarto. Buti nalang walang tao sa cottage ngayon. Nasa pool sila lahat

"Mauna na kayo. Susunod ako", sabi ko sa kanila. I'm still not comfortable wearing only this.

"Sure ka?", tanong ni Beth.

"Pag talaga hindi ka sumunod, hindi talaga namin ibibigay yung pinangako namin", banta ni Haidee. Umirap naman ako at tinulak na sila palayo.

Umalis naman sila. Bumalik ako sa loob ng kwarto at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Pano nila nasisikmurang magsuot ng ganitong damit?

Kinuha ko naman yung shades at sinuot. Binuksan ko na din yung dala kong alak.

Nakakatulong to pampakalma.

Uminom ako ng isang baso at lumabas na.

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon