Chapter 40

995 46 6
                                    

Camille's POV

It's Wednesday. Kahapon lang dumating si Kuya. Tangna. Hindi na natahimik ang araw ko. Kahapon pa ako inaasar!

"Good morning mga anak. Kain na kayo", Mommy. Agad namang umupo si Kuya at nagsandok na ng kanin

"Patay gutom. Tsk", bulong ko.

"Hoy narinig ko yon ha! Ikaw nga tong may crush na eh!", sabi nya.

Grrr! Kahapon pa yan ha.

"Anong crush crush yan ha?", tanong ni mama. Sinamaan ko naman ng tingin si Kuya pero ngumisi lang sya at kinwento kay mama si King.

Nagtawanan naman sila. Ngayon dalawa na silang nang-aasar sakin.

Kung nanditoang si papa paniguradong makikisali din yon.

Hay nako.

"Ma, pasok nako", paalam ko. Hinarang naman ako ni Kuya sa may pintuan.

"Hatid na kita. Gusto ko makita yung crush mo", sabi nya. Inirapan ko naman sya.

Tss

"Whatever. Bilisan mo. Malelate nako", sabi ko. Ginamit namin ang kotse nya papuntang school.

"About that guy who keeps sending letters. Do you have any news about him now?", biglang tanong nya.

"Wala pa pero I think may mangyayari sa sabado. You don't wanna miss it", nakangising sabi ko.

"Aysus pagkakataon mo lang yan para magyabang sakin eh!", sabi nya. Tumawa naman ako dahil tama sya. Magyayabang lang ako.

"Just focus on the road. By the way, kelan pala ang balik mo?", tanong ko.

Unfortunately, he can't stay longer here. May business kami sa Japan. Hindi nya yon pwedeng iwan basta basta.

"Hmm. Sa sunday pa kaya may panahon pa akong makisali *laughs*"

"Epal netoh. Nung huli kang makisali sa laban namin naging hostage kapa", inis na sabi ko.

Yep. Nung huli namin syang nakasama sa laban. Ginawa syang hostage ng kalaban.

"Ihhh. Hindi na mauulit yon! Sige na! Matagal narin akong hindi nakakalaban. Warm up na yung tatlo kahapon *laughs*", sabi nya.

"Ano palang ginawa nung tatlo at binugbog mo ha? Baliw kaba?"

"Ang yayabang eh. Sila daw yung siga sa campus nyo. Tss. Siga daw eh isang suntokang ginawa ko dun eh tumba agad. Hina", mayabang na sabi nya.

Likas na talaga samin ang pagiging mayabang. Hindi naman kami magyayabang kung walang maipagyayabang diba.

Parang motto na namin yan ni Kuya.

"Andito na tayo"

Lumabas naman ako ng kotse at nagsimulang maglakad palabas ng parking lot.

"Huy antay!"

"Di nako bata kuya! Para naman akong kinder neto eh. Matanda nako kuya! College nako", asar na sabi ko. Hindi nya ko pinansin. Ginulo lang nya ang buhok ko at inakbayan ako.

Yung mga babaeng nakakasalubong namin nagbubulungan na.

"Tukmol ka. Tumigil ka na nga. Bumalik kana. Kaya ko naman maglakad noh. Hindi naman ako paralysed. Tss", tinulak ko naman sya pero di sya nagpapigil.

Nang makarating na kami sa room sinalubong naman kami nila Haidee, Beth at Jiji. Yumakap sila kay Kuya kaya nakawala ako sa akbay nya.

Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante, kasama na sila Kevin na ngayon ay masamang nakatingin kay Kuya.

"Sino dyan si King?", rinig kong bulong ni Kuya. Nagbubulungan silang apat sa likod ko. Waw. Parang wala ako ha.

Lumakad naman si Kuya papunta sa pwesto nila King. Agad ko naman syang hinarang.

"What do you think you're doing?!", bulong ko. Tinabig lang nya ako at naglakad na papunta sa pwesto nila King.

"Ikaw ba si King?", maangas na tanong nya.

"Bakit?", tanong ni King. Pumagitna naman ako sa kanila at tinulak si Kuya.

"Camron Hiro... Hindi mo gugustuhin pag gumawa ka ng eksena dito.", matigas na sabi ko. Tumawa lang sya at hinila ako papalayo sa pwesto nila King.

"Hurt my sister and I'll kill you. I don't mind going back to jail", sabi nya at lumapit kay King.

"P-pardon?", tinatakot nya si Dashiel eh. Naku naman.

"Kuya! Umuwi kana! Pahamak ka talaga!", asar na sabi ko. Natigilan naman kami lahat nang biglang tumawa ng malakas si Kuya.

"*laughs hard* Chill bro! Joke lang"

Mahina namang napamura si Dashiel.

"Kung nakita nyo lang sana ang mga mukha nyo *laughs* epic", sya lang tumatawa sa mga sinasabi nya.

Tss.

Tinignan naman ako ng iba (maliban kila Beth) na parang hindi makapaniwala.

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon