"T-tulungan moko Miss. P-pinipilit nila a-akong sumama sa k-kanila", bulong nung babae. Tumango naman ako at humarap sa tatlong mga mokong.
"Pakialamera ka ah!", sigaw nung isa na kalbo. Sumugod naman sya sakin at agad naman akong umiwas.
Sinuntok ko sya sa mukha at tiyan. Naglabas naman ng baseball bat yung isa. Ihahampas nya sana yon ulo ko pero naharang ko agad gamit ang braso ko.
"Agghh!", napapikit naman ako sa sakit.
Inikot ko sa braso ko ang baseball bat. Nang mahawakan ko na yon, hinila ko para mabitawan nung lalaki. Ginamit ko yon at inihampas sa hita nya. Napasigaw at napaluhod naman sya.
Hinila nung isa pa ang buhok ko at iniharap sa kanya. Sinampal naman nya ako ng malakas.
"Tangin*!"
Kinalmot ko naman sya sa braso. Halos dumugo ang braso nya dahil sa ginawa kong kalmot. Tumakbo yung kalbo papunta sakin at binangga ako dahilan para matumba kami pareho. Tumayo ako agad at tinadyakan sya sa mukha. Dumugo naman ang ilong nya sa ginawa ko. Sinuntok naman ako ng isa pang kasama nya.
"Tangin* magkakapasa na naman ako dahil sayo gag* ka!", sigaw ko at sinipa sya sa tagiliran.
Tumayo pa yung kalbo at sinuntok ako sa mukha. Ginantihan ko naman sya ng isang uppercut. Nang makalayo sya ng kaunti, kinuha ko ang isang bato at hinampas sa ulo nya.
1 down...
Sinugod ko ang isang nakasakal sakin mula sa likod. Binalibag ko naman sya at pinukpok ng baseball bat sa ulo.
2 down...
Tinignan ko naman yung lalaking natitira. Ngumisi ako sa kanya. Pinulot ko yung walang lamang bote ng softdrinks at pinukpok sa kanya. Nahilo sya pero bago paman matumba, naglabas sya ng patalim at binato sakin. Natamaan naman ako sa hita.
"Ahhh!"
"Oh my gosh! Ayos kalang? Should I call an ambulance?", nag-aalalang sabi nung babaeng tinulungan ko.
"N-no! Tulungan mokong makapunta sa motor ko.", sabi ko. Inalalayan nya naman ako papuntang motor ko.
"I'm so sorry. Hindi ka magkakaganito dahil sakin!", naiiyak na sabi nung babae.
"Hush. It's not your fault. Hindi naman ikaw ang sumaksak sakin. Aalis nako.", sabi ko. Iniinda ko parin ang sakit ng hita ko. Nag-insist pa yung babae na dalhin ako sa hospital but I declined.
Nakarating parin ako sa bahay namin kahit masakit ang hita ko. Tahimik lang akong umakyat sa kwarto ko. Natutulog na sina Mommy sa oras na to. I don't want them to worry. Pagkarating ko sa kwarto ko eh agad akong kumuha ng first aid at benda sa medicine cabinet ko. Kahit masakit at mahapdi, pinilit kong lagyan ng alcohol ang mga sugat ko. Nilinisan ko ang sugat ko sa hita at binendahan. Puno na ng dugo ang bedsheet ko.
Agad ko namang pinalitan ng bago at natulog na.
(the next day)
"Good Morning Ma", bati ko kay Mommy na naghahanda ng breakfast sa kusina.
Iika-ika ako maglakad at sobrang sakit pa nung sugat ko pero pinipilit ko na wag ipahalata kay Mommy. She would definitely freak out.
"Where's Dad?", tanong ko.
"He's up and out.", sabi nya.
"Ang aga ata?"
"May nag-offer kasi sa kanya na maging manager ng cafe nila sa Japan. Malapit lang sa restaurant natin don. I'm sure tatanggapin yon ng daddy mo dahil mababantayan na nya ang kuya mo don sa Japan. Sa weekend na ang flight nya. Ako naman magiging busy din, andaming nagpapagawa ngayon ng gowns"
"Ma, ang tanda na kaya ni Kuya!", sabi ko. Ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko.
"Wag ka naman magselos baby, ikaw parin ang baby namin", sabi nya.
"Mommy naman. I'm too old to be a baby", maktol ko.
Nagkwentuhan lang kami ni Mom hanggang sa pumasok na ako. *sigh* atleast nakalimutan ko saglit yung sakit ng sugat ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Ficção AdolescenteI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.
