King's POV
Binasa ko ang sulat na binigay sa akin ni yaya.
Wag na wag kang magkakamaling agawin ang pagmamay-ari ko. Akin sya. Akin sya simula palang. Hindi mo sya maaagaw.
-H
Napatingin naman ako kay Camille. 1week palang kami magkaklase, hindi ko sya kilala. Pangalan lang nya ata ang alam ko yet dinala ko sya sa bahay ko. Sino naman kaya ang ibig nyang sabihin? Weird.
"What are you looking at?", bumalik naman ako sa katinuan nang masama nya kong tignan.
Tss. Arte talaga.
"Wala. Narealize ko lang na ampanget mo pala talaga", I don't know pero yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Ang weird ko na. Nahawa na ata ako sa babaeng to. Inirapan naman nya ako at umalis.
Pero hindi parin mawala sa isip ko ang sulat nung isang araw at yung sulat kanina. Galing kaya yon sa parehong tao?
"San ka pupunta?", tanong ko pero sumenyas lang sya na sumunod sa kanya. Agad naman akong sumunod sa kanya. Naglakad sya papunta sa garden namin.
"Anong gagawin natin dito?", tanong ko.
"Shhh"
Ang weird talaga ng babaeng to.
"Let's go to my tree house", aya ko sa kanya.
"Tree house? Ang tanda mo na para don"
"Andami mong sinasabi. Sumunod ka nalang", sabi ko.
Tinuro ko naman sa kanya yung tree house ko. Dito ako pumupunta pag may problema ako o gusto kong mapag-isa. My sister and I built this, pero a year pagkatapos namin buoin to, namatay sya.
Murder.
That was 10years ago. 9 palang ako nun and 8 sya.
Inalalayan ko naman syang umakyat sa tree house.
"Dito ako pumupunta pag gusto ko mapag-isa", sabi ko.
"Kung gusto mong mapagisa bat mo pa ko dinala dito?", iritadong sabi nya.
"Alam mo, ang dami mong satsat. Can you like shut up for a second?", sabi ko. Bigla naman syang tumahimik at napamura
"Sh*t. Kahit anong mangyari, wag kang lalabas dito", seryosong sabi nya.
"Wa—what? Hey! Where are you going?", parang hindi na nya ako narinig, lumabas sya sa tree house kahit iika ika.
Sumilip ako sa maliit na bintana ng tree house. Nakikita ko syang pumupunta sa may gubat. May sumalubong sa kanya na lalaking nakaitim na jacket na may printang ulo ng lion sa kanang dibdib.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo ako.
*bang!*
Nagulat ako nang biglang nagpaputok sa ere ang lalaking nakaitim. Bumaba ako sa tree house at tumakbo papunta kay Camille.
"Ayun! Kung di ako nagpaputok, di ka pa lalabas", sabi nung lalaki at ngumisi. Napatingin naman ako kay Camille. Seryoso syang nakatingin sa lalaki.
That stare....
It's deep and scary...
Sino kaba talaga Camille?
What's so special about you?
Bakit bigla ka nalang pumasok sa pamumuhay namin?
Camille's POV
Kahit iika-ika, lumabas ako ng tree house para kumprontahin yung lalaking nakajacket. Kahit nagtatago sya sa malayo, alam ko parin kung asan sya. Mukha namang may ideya na sya na nahuli ko sya kaya lumapit din sya.
"Sino ka?", tanong ko.
"Wala kang pakialam! ilabas mo sya", utos nya. Napayukom naman ako ng kamao ko.
I know he's talking about that freak.
"Hindi ko gagawin hangga't di ko nalalaman ang pakay nyo sa kanya", sabi ko.
"Bakit kaba nakikialam? Sino kaba ha?"
"Sino ako? *smirks* Hindi mo gugustuhing malaman"
Bumunot naman sya ng baril at nagpaputok sa ere.
Aghh. Here we go again.
Kahit hindi ko sya nakikita alam kong papunta sya dito.
Hardheaded kapre. Tss.
Nang nasa tabi ko na si King. Tinignan ko sya ng masama. Tch. Napangisi naman yung lalaki.
"Ayun! Kung di ako nagpaputok, di ka pa lalabas", sabi nya at ngumisi.
"What do you want? Pano ka nakapunta dito?", tanong nya sa lalaki.
"Kailangan mong sumama sakin", maotoridad na sabi nya.
"Hell no"
"Kung gusto mo syang kunin, dadaan ka muna sakin", seryosong sabi ko.
"What are you doing Camille? You're just a girl! Hindi mo sya matatalo. May baril sya!", bulong ni King sakin.
Dyan ka nagkakamali dear.
Ngumisi ako sa kanya.
"Hindi moko kilala Mr. Feeling"
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Teen FictionI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.