Camille's POV
Araw na ngayon ng outing.
And to be honest, hindi ako masaya.
Sino bang may gusto na magsuot ng underwear habang nakabilad sa nakakapasong araw?
Tsh.
Nag-impake na ako kahapon. Nagdala lang ako ng ilang tshirt at pajama. 3days daw kami don.
"Yiii excited na ako!", Beth.
"Ang dami kong dinalang swimsuit para iba iba ang susuotin ko sa tatlong araw!", Jiji.
"Yung isa dyan kanina pa nakasimangot", biglang sabi ni Haidee. Inirapan ko naman sya at pumasok na sa bus. Magb-bus kami papunta sa resort. Nirentahan nadin to nung president.
"Hindi kayo pwedeng umupo sa kung saang upuan na gusto nyo. May sitting arrangement tayo dito", sabi nung teacher namin.
What?
Narinig ko naman ang tunog ng pagkadismaya ng mga kaklase ko.
Tumayo kami at lumabas ng bus. Tatawagin lang daw yung susunod na pauupuin.
(2 minutes later)
"Ms. Gray", tawag sakin ng teacher. Umakyat naman ako at umupo sa tinuro nyang upuan.
You gotta be kidding me.
Seryoso?
Katabi ko ang lalaking to?
Kahit dismayado, umupo ako sa upuang katabi ni Dashiel
Dala-dalawa lang ang upuan kaya ang malas ko.
Sila Haidee napunta sa kabilang bus.
Bigla ko namang naalala ang ginawa nila nung nakaraan.
(Flashback)
"Okay class. Magsisimula tayo kay Haidee, Jihyun at Bethany"
Nagpalakpakan naman kami. Performance namin ngayon sa English.
Pumunta na sila sa harapan at naghanda. Tumahimik naman ang klase.
"1..2..3.. The wheels on the bus go round and round..", pagsimula ni Haidee.
"The wheels on the bus go round and round...", second voice ni Beth at Jiji. Hindi ko mapigilang mapangisi.
Tumawa naman ang buong klase dahil sa kinanta nila. Natigil sila sa pagkanta at halata sa mukha ang pagtataka.
"Uhmm sorry, hindi ba sinabi sa inyo na kanta sa Les Mesirables dapat ang kantahin?", sabi ng teacher. Nagtinginan naman sila tatlo.
Hays. Mga loser.
Nagsisihan pa sila hanggang makabalik sa upuan.
Napangiti naman ako.
Kahit kailan talaga.
~x~
Umandar na ang bus at nagsimula nading mag-orrient ang teacher.
Outing po ang pupuntahan maam hindi field trip
Dakdak lang sya ng dakdak wala namang nakikinig sa kanya.
Excited na silang lahat sa outing. Yung iba, kanina pa nagpipicture. Yung katabi ko naman nagpipicture din. Hindi ko sila pinansin hanggang sa nakaramdam ako ng antok.
Dalawang oras pa daw ang byahe namin kaya may oras pa para matulog. Huminga ako ng malalim at hinayaang dalawin ng antok...
~x~
Hay nako. Paraparaan talaga
Sinasadya nya talaga yan kasi alam nyang katabi nya si King
Grrr sana ako nalang ang katabi ni King. Hindi lang pagsandal ang gagawin ko. Rawr.
Eww. Ayan ka na naman ha.
Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong bulungan. Hindi ko sila marinig dahil inaantok pa talaga ako. Pakiramdam ko naman nakasandal ako sa balikat ng isang malaking teddy bear.
Kinuha ko ang braso ng teddy bear at niyakap yon. Mas siniksik ko din ang sarili ko sa teddy bear.
*deep sigh*
Napakakomportable...
Hinayaan ko lang ang sarili ko na makatulog ulit.
King's POV
Woah. Talagang katabi ko ang babaeng to?
Hindi ko sya pinansin at itinuon nalang ang pansin sa phone ko.
Nagpipicture din ako gaya ng ibang kaklase namin.
Itong katabi ko naman. NapakaKJ.
Habang nagpopose ako, nahagip naman ng phone ko si Camille. Nakatingin sya sa ibang direksyon kaya hindi nya napansin na nakatutok sa kanya ang camera ko.
Napatitig naman ako ng ilang sandali...
Pinicturan ko sya ng hindi nya nalalaman.
Inopen ko naman ang instagram ko at pinost ang pic ng walang kahit anong picture.
Ilang segundo palang andami nang nagl-like at nagcocomment. In-off ko namn ang cellphone ko at ibinulsa na.
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.
