Chapter 25

1K 47 3
                                    

Jihyun's POV

Excited kaming bumaba sa bus at pumunta agad sa cottage.

Nag-announce naman ang teacher na kami na daw bahala sa magiging roommates namin. Napangisi naman ako sa narinig ko.

"Basta ha! Roommates tayo apat!", sabi ni Haidee.

"Apat nalang kulang", sabi ni Beth.

"Halika tanungin natin sila Josh!", excited na sabi ko. Pagkakataon ko na to.

"What are you thinking? Mga lalaki sila!", Haidee

"So? Parang hindi nagkaroommate ng lalaki dati oh", sabi ko.

"Tanga! Iba ang kapatid sa kaklase noh", depensa nya.

Inirapan ko nalang sya at kinuha ang cellphone ko.

To: Joshmylove

Kulang kami apat. Pwede kayo?

~x~

From: Joshmylove

Okay.

~x~

Hay nako. Kahit sa text ang cold nya. Mapapaibig din kita gwapong nilalang.

Maya't maya pa eh dumating na sila.

Parang nagsoslow motion ang paligid nung nakita ko si Josh.

"Jiji, what did you do?", tanong ni X. Nakakatakot yung tono ng pananalita nya pero I don't care, chance ko na to.

"I asked them to be our roommates and they said yes", nakangiting sabi ko. Tumingin naman ako kay Josh.

Hindi man lang ako nilingon.

Arte.

Naglakad na kami dala ang mga bagahe namin papunta sa kwarto. Good thing dalawa ang CR. Dalawang malalaking kama din ang nasa gitna ng kwarto. Malaki na to para sa walong tao. Hati din pati mga cabinet. May isang malaking TV, may aircon at dalawang cabinet.

Nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit.

"Ano ba yan X—este Camille. Ba't puro tshirt at pajama ang dala mo? Hindi to camping besh", biglang sabi ni Haidee. Napatingin naman kami sa maleta nya. Puro tshirt at pajama nga. Kawawang Xhiara walang kaarte arte.

"Simula palang ayoko na sa outing na to noh. Kayo lang pumilit sakin sumama eh", reklamo nya. Napatingin naman sa kanya sina King.

"Mag-enjoy ka naman minsan Camille. Lahat kaya tayo kailangan magrelax minsan", sabi ni Kevin. Sumang-ayon naman kami maliban kay King at Xhiara.

Hays. Bagay talaga sila.

"Kung magbibihis kayo, sabihin nyo lang, lalabas kami", sabi ni Alex. Waw. Gentleman. Tumango naman kami.

"Pwede namang sa CR magbihis. Tss", pabulong na sabi Camille pero narinig ko.

Isa pa to eh. Ang arte.

"Dyan kayo sa kabila. Dito naman kami. Dala-dalawa na ang gamit dito. Hati nalang tayo", sabi ni Beth. Tumango naman kami at nahiga muna sa kama. Binuksan ko na din ang TV para manood. Kanya-kanya nalang kami ng diskarte para hindi mabored. Wala kasing wifi dito kaya medyo boring.

Inaantay namin na tawagin kami para sa tanghalian. Alas dyis na kasi nung dumating kami dito.

Camille's POV

"Gutom nako", biglang sabi ni Jiji.

"May dala akong alak at junk food", sabi ko. Tumingin naman sila sakin na parang di makapaniwala.

"Tanga! Ba't ka may dalang ganyan?", tanong ni Haidee. I just shrugged and binalik ang pansin sa binabasang comics.

"*chuckles* Ayos ka Camille. Masaya ka pala maging roommate. Reserve mo na yan mamayang gabi. Ubusin natin yan", sabi ni Alex.

"Yung junkfood nalang akin" sabi ni Jiji. Kinuha naman nya ang maleta ko at sinimulang kaykayin.

Oh shoot. Nakalimutan ko.

Tumingin naman sakin si Jiji nang makita nya ang ibang laman ng maleta ko. Agad nyang kinuha ang junkfoods at sinara agad ang maleta. Lumapit naman sya sakin at bumulong.

"Bat ka may dala non?", mahinang bulong nya.

Ang tinutukoy nya ay ang dala kong baril. Bigay ni daddy ang baril nayon, magagamit ko yun bilang proteksyon. Kahit sa eskwelahan dala ko yun. Wala naman kasing nagchecheck ng bag kaya lagi ko yung dinadala. Hindi kasi natin alam kung anong mangyayari diba. Maraming pwedeng mangyari sa lahat ng oras.

"Proteksyon", seryosong sabi ko at nagbasa nalang ulit. Mabuti nang maging handa.

Sana maging matiwasay ang bakasyong to.

Sana talaga.

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon