Chapter 10

1.5K 64 2
                                    

Nakarating na ako sa classroom. Iika-ika akong naglakad papunta sa upuan ko. Yung tatlo, absent. Buti nalang, pag nakita nila ako, siguradong mag-aalala yun. Nagpahatid na ako sa driver namin. Hindi ko talaga kayang magmotor. I hate this. Second time nato nangyari sakin. I swear to God, those were the worst days of my life. Ang dami kong hindi magawa.

Nagsimula na ang klase pero ako tahimik lang na nakaupo. Time na ni Ms. Mina and binigyan nya kami ng time para magpractice para sa performance namin next week.

"Hey Friday ngayon, magpapractice tayo tomorrow.", halos di ko na maintindihan ang sinasabi ni King dahil nahihilo ako. Napahawak ako sa ulo ko.

"Huy. Are you okay?", lumapit naman sya sakin at tinapik ako sa pisngi.

"Aray!", mahinang daing ko.

"Are you okay?", ulit na tanong nya.

"Get me... out...

(BLACKOUT)

King's POV

Binigyan kami ng time ni Ms. Mina na magpractice sa performance namin. Lutang na naman si Camille.

It's different. Hindi sya kumikibo. Nakatulala lang sya. Kanina din napansin ko na iika-ika sya papunta sa upuan nya. Kanina ko pa sya kinakausap pero parang hindi nya ko naririnig. Napahawak naman sya bigla sa ulo nya.

"Huy. Are you okay?", tanong ko at tinapik sya sa pisngi. Napa-aray naman sya sa ginawa ko.

"Are you okay?"

"Get me... out...", hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng himatayin sya. Nasalo ko naman sya agad.

Oh sh*t.

I knew it.

Agad ko syang binuhat at sinugod sa school clinic.

(15 minutes later)

"She's fine. She just needs rest.", sabi nung nurse. Pumunta naman ako sa kwarto nya.
Namumula ang pisngi nya. Mas pasa din sya sa gilid ng labi. Nakita ko naman ang hita nya dahil sa bahagyang nakataas na skirt. Nakabenda yon at dumudugo.

*ting!*

From: Kevin

Hey what happened to her?

~x~

To: Kevin

Come see for yourself.

~x~

Dumating naman silang tatlo sa clinic. Agad akong naghanap ng kumot para itakip sa hita ni Camille.

"What happened to her?", tanong ni Alex.

"I don't know. May saksak sya sa hita.", sabi ko.

"Woah. She got into a fight I'm guessin'?", Kevin.

"Should we inform her parents about this?", Josh.

"I tried calling the number na nasa ID nya pero hindi ko macontact", sabi ko.

This girl is crazy.

Hapon na ngayon. Excuse na kami sa klase. Hindi padin sya nagigising. Obviously hindi sya pwedeng magpalipas ng gabi sa clinic.

"Let's take her to my house", sabi ko. Binuhat ko naman sya papuntang kotse ko. Pinakuha ko na din kay Kevin yung mga gamit nya sa room.

(parking lot)

"Bro, ikaw na bahala sa kanya", Kevin. Umalis na silang tatlo. Nagdrive na ako papunta sa bahay namin. Pagkarating namin, sinalubong naman kami ng mga katulong. Binuhat ko na sya papunta sa kwarto ko.

"Manang Josie. Pakikuha po yung gamit nya sa loob ng kotse. Iakyat nyo nalang po dito.", sabi ko. Inihiga ko na sya sa higaan ko. I guess I don't have a choice.

Bat ko ba sya dinala dito?

Napaisip naman ako sa ginawa ko. Bat ko nga ba sya dinala dito?

"Hijo, ito na yung mga gamit nya. Nobya mo ba yan?", tanong ni Manang.

Eh?

"Ah kaklase ko po", sabi ko. Di na sya nagtanong at umalis na.

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon