*kringgg*
Recess na. Tch. Kung andito lang yung mga alipores ko siguradong hindi magiging boring yung araw ko.
Pumunta ako sa cafeteria para kumain ng chuckie at chocolate cake. Pinagtitinginan naman ako ng mga tao. Tf is there problem?
Sya ba yung bagong student?
Hmm. Infairness, di naman sya mukhang nerd. Looks normal to me.
Maganda sya.
Di naman yan kagandahan noh. Mas maganda pa din si Chloe.
Di ko nalang sila pinansin at nagpunta na counter para kumuha ng pagkain. Good thing the food here is free. Sa mahal ba naman ng tuition may gana pa silang magpabayad.
"Grr. Gutom na talaga ako.", mahinang bulong ko.
San naman ako hahanap ng mauupuan nito. Grr.
Umupo ako sa upuang pang animan at nagsimulang kumain.
"Pati ba naman dito? Nananadya kaba?"
Guess what? Yung mga feelingerong kapre na naman. Tch.
Tinignan ako ng masama nung leader. (basta yung nasa gitna lagi) Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa pagkain. Nilapitan naman ako nung isang member nila. Mukha tong bata.
"Uhm.. Hi Miss, ako nga pala si Kevin. Pwesto kasi namin yan pero kung talagang wala ka ng maupuan ayos lang naman samin na makiupo ka.", nakangiting sabi nya.
"Sinong may sabing pwede?", iritableng tanong nung leader.
"Hayaan mo na King.", sabi naman nung blonde. Kahit naiinis, umupo parin sya. Katapat ko lang sya at katabi ko naman yung Kevin. Buti pa to, mabait. Tahimik lang kumakain yung King. Pag nagkakatinginan kami, sinasadya nya talagang tagalan. Tch. Di naman ako naaapektuhan sa mga death glare.
"Ako nga pala si Josh. Nice to meet you.", nakangiting bati nung blonde.
"I'm Alexander. Alex for short.", sabi naman nung isang mukhang may ibang lahi.
"I'm Kevin. That's King. Sya nag leader namin.", turo nya kay Mr. Feeling.
"Camille.", maikling sabi ko.
"Ang tipid mo magsalita. Normal ba yon?", tanong nung may ibang lahi. I just shrugged and continue eating my dessert.
King's POV
I don't know. There's something on this girl na nakakairita.
Kanina ko pa sya tinitignan and naaasar talaga ako.
I don't know why.
And her eyes looks familiar.
I feel like I've seen her before, hindi ko lang alam kung saan and kailan.
Cut it. Maybe I'm just being paranoid.
Kanina pa sya dinadaldal nung mga kasama ko pero ngiti at iling lang ang sinasagot nya. Pipi ba sya? Tch. Tumayo na sya at nagpaalam na mauna na sa classroom.
"She's cute.", biglang sabi ni Kevin.
"Oo nga. Kaso antahimik nya. Bagay sila ni Boss.", sabi ni Josh at nagtawanan naman sila.
Sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Joke lang boss. Chill.", Alex.
"She looks familiar. I think I've seen her. Di ko lang alam kung kelan o saan.", sabi ko.
"Guni-guni mo lang yan Boss. Hindi malabong may kamukha sya. Maganda kaya sya.", sabi ni Alex. Nagsitanguan naman yung dalawa.
Tch. Hindi naman yon maganda.
"Pumasok na tayo. May klase pa. May binalita din si Chase sakin. May laban daw mamayang gabi. Nood daw tayo.", Josh.
Ginanahan naman ako sa sinabi ni Josh. Sino na naman kaya ang maglalaban ngayong gabi.
"Kanino to?", Kevin.
"Baka kay Camille yan.", biglang sabi ni Alex.
Itinaas naman ni Kevin ang isang panyo na kulay pula.
X... Yan yung nakasulat sa panyo.
X? Ano yon? Nickname?
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Fiksi RemajaI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.
