Camille's POV
Tinawag na kami para sa tanghalian.
Ito namang mga kasama ko, dali daling nagsitayuan.
Nauna na silang lumabas. Ako naman nanatili lang sa loob ng kwarto.
"Hindi kaba kakain Camille?", tanong ni Kevin. Ngumiti lang ako ng bahagya at umiling. Wala akong gana.
"Huy parang tanga to. Kumain kana para pagkatapos magswimming na tayo. Ang puti puti mo! Magpaaraw ka naman minsan", sabi ni Haidee.
"Mauna na kayo, susunod ako", sabi ko at tinaboy na sila papalabas. Nagtakbuhan naman sila Haidee papunta sa cottage kung saan nagtitipon ang iba pa.
Bumalik ako sa pagkakahiga at tumitig sa kisame.
*sigh*
Napansin ko naman ang isang nakasabit na gitara malapit sa TV. Pandagdag dekorasyon siguro to.
Ikinalat ko sa higaan ang laman ng maleta ko. Sa kanilang lahat, ako lang yung hindi nagdala ng swimwear. Kahit rushguard man lang.
Tss. Wala din naman akong balak maligo.
Kinuha ko yung dala kong baril. Pinunasan ko iyon gamit ang damit ko.
Isa-isa ko namang inilagay ang bal—
"Camill—what the!"
Nagulat ako sa pagpasok ni Josh kaya naitutok ko sa kanya ang baril. Agad ko naman yung binaba at sinenyasan sya na i-lock ang pinto.
"What the heck Camille! Bat ka may dala nyan?!", gulat na tanong nya.
"Ang ayoko sa lahat ay yung maraming tanong", seryosong sabi ko at kinasa ang baril. Nagulat naman sya at bahagyang napaatras.
"Yo chill! Ibaba mo yan please. Kinakabahan ako sayo", pakiusap nya. Napangisi naman ako dahil sa reaksyon nya.
"*chuckles* ayos ba?", natatawang tanong ko.
Chill. Tinatakot ko lang sya. Mukhang effective naman *laughs*
"The hell Camille! Tinakot moko!"
Tinawanan ko lang sya.
"Satin lang to ha. Mukha ka namang mapagkakatiwalaan. Well actually hindi *chuckles*, makinig ka. May sasabihin ako sayo. Gusto kong isekreto mo to kundi papatayin kita", seryosong sabi ko. Bakas naman sa mukha nya ang takot. Tinawanan ko ulit sya.
"I'm X. Leader ng MaskedShadows", sabi ko at inilagay sa secret compartment ang baril ko.
"WHAT?!", gulat na sigaw nya. Madami ata tong nahithit na kape ah.
"Ang ingay mo. Bawas-bawasan mo na kasi ang kape", sabi ko. Hindi parin sya makapaniwala sa sinabi ko.
"Kaya kaba nasaksak dahil may nakalaban ka bilang si X?", tanong nya. Umiling naman ako.
"Nope. I just saved a stranger", casual na sabi ko.
"So that means, sila Haidee... miyembro din ng Masked Shadows?", tanong nya. Tumango naman ako.
"I can't believe this is happening. Alam mo ba, idol na idol kita pagdating sa labanan!", masiglabg sabi nya.
"Bakit sakin ang sigla mo, pag kay Jiji ang cold mo?", natatawang tanong ko. Sumimangot naman sya pagkarinig sa pangalan ni Jihyun.
"Ayoko kaya don. Ang creepy nya, para syang stalker"
Tumawa naman ako dahil sa sinabi nya.
"Ba't ka nga pala bumalik?", tanong ko.
"Ahh kasi nakalimutan ko yung cellphone ko", sabi nya. Tumango naman ako.
"Lumabas ka muna, magbibihis ako. Antayin moko sa labas. Sabay na tayo paounta cottage", sabi ko. Sinunod naman nya ako. Para syang isang aso na sumusunod sa utos ng amo.
(2mins. later)
"Bakit ganyan ang suot mo?", tanong nya. Tinignan ko naman ang suot ko.
Tshirt at pajama.
"May problema ba?", seryosong tanong ko.
"A-ah wala po! Tayo na po!", sabi nya. Ginagalang na ako ng isang to ah.
"Don't use 'po' pag kinakausap moko. Lowkey lang", nakangising sabi ko. Tumango naman sya at ngumisi din.
Pumunta naman kami at sumali sa nagkukumpulan na estudyante. Agad naamn naming nahanap sila Haidee. Magkakasama sila at masayang nagkukwentuhan.
"Ba't antagal nyo?", takang tanong ni Haidee. Ngumisi lang ako at hindi sya sinagot. Si Josh naman iniiwasan din ang mga tanong nila Haidee. Tinignan ko naman sya at kinindatan. Nag-thumbs up naman sya at ngumiti.
Napatingin naman ako kay Dashiel. Seryoso syang nakatingin sakin.
Bahala kayo mag-isip noh.
Nang matapos kami kumain eh nag-aya na ng swimming si Jiji. Sa pool lang daw kami sabi ni maam. Masyado daw maalat ang tubig dagat ngayon.
Malaki naman yung pool nila dito. Sabi nila nakareserve daw to para samin sa tatlong araw.
Yayamanin.

BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Teen FictionI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.