King's POV
"Tutunganga ka nalang ba dyan?", sabi ko.
Inikot naman nya yung upuan nya para iharap sa upuan ko. May kanya kanya kaming desk dito.
"Ipoportray natin si Marius at Eponine. Alam mo ba yung kanta nila?", sabi ko. Kita ko naman sa expression nya ang pagkadismaya at boredom. Hindi nya ko tinitignan, nakatutok lang sya sa cellphone nya.
"Nakikinig kaba?", sabi ko. Hindi parin nya ko pinapansin at nagsuot ng earphones. Hinablot ko ang cellphone nya at itinaas yon sa ere.
Ayaw mong makinig ha.
Inaabot naman nya yung cellphone nya pero di nya maabot dahil mas matangkad ako sa kanya.
"Ano ba! May sarili ka namang cellphone.", iritadong sabi nya. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga studyante. Di ko parin binabalik sa kanya ang cellphone nya. Bigla naman syang tumigil at umupo at sinubsob ang mukha sa desk nya.
"Hala ka! Pinaiyak mo sya!", sigaw nung isa kong kaklase. Yung ibang mga kaklase namin ay nagbubulungan na.
Lumapit naman sila Kevin sakin.
"Ano bang ginawa mo?", Kevin. Hindi ko sya sinagot. Nagsilapitan naman yung mga classmate namin sa kanya.
Bat ang big deal ng pag iyak nya?
"Mag-sorry ka Boss!", Alex.
"No way!"
"Pinaiyak mo Boss. Kasalanan mo yan.", Josh.
"A simple apology would do.", Kevin.
Tinignan ko naman sya. Nakasubsob parin sya sa desk nya. Yung mga classmates naman panay comfort sa kanya.
"Tumabi kayo.", seryosong sabi ko. Nagsitabihan naman sila.
Bumuntong hininga ako. "Sorry", maikling sabi ko at nilapag sa desk nya ang cellphone.
Tumayo naman sya at humarap sakin. Tinignan nya ko ng masama.
"Look. Hindi ko kasa——WTF?! ", napahawak naman ako sa ilong ko na dumudugo.
Camille's POV
"Look. Hindi ko kasa——"
Hindi na nya natapos ang sasabihin nang bigla ko syang sinuntok sa mukha. Dumugo naman ang ilong nya dahil sa ginawa ko.
"WTF?! "
Serves you right. Hindi naman ako umiyak talaga noh. Hindi ako ganun kaloser para umiyak sa cellphone. Drama lang yon para maguilty sya at tuksuhin ng mga kaklase namin.
"BA'T MOKO SINUNTOK?!"
"Dapat lang sayo yan."
"YOU BRAT!", pagkasabi nya non ay bigla nya kong hinila papalabas ng classroom. Hinila lang nya ako ng hinila hanggang sa makarating kami sa school clinic. Nakahawak parin sya sa ilong nya na dumudugo parin. Tch.
"Ba't moko dinala rito?"
"Anong bakit? Ikaw ang gumawa nito kaya ikaw rin ang gagamot!", sigaw nya. Nakakaawa naman tong kapreng to. Namamaga ngayon yung ilong at pisngi nya. Napalakas ba. Tch.
Magsasalita sana ako nang biglang lumabas mula sa clinic ang isang nurse. Nagulat naman sya nang makita nya ang duguang uniform nung kapre. Tumutulo yung dugo galing sa ilong nya. Tch. Parang nosebleed lang. Ang OA. Konting dugo lang.
"Oh my gosh Mr. Adams! What happened to you?", alalang tanong nung nurse sa kanya. Hindi sya kumibo at sinenyasan ako na sumunod sa kanya sa loob. Nakakatawa pala ang itsura nya pag nasuntok.
Pinahiga sya ng nurse. Tss. Yung nurse ha napakaclingy. Parang sinasadya nyang idikit sa braso ni Mr. FEELING yung dibdib nya.
"What do you want Mr. Adams?", Nurse. Kanina pa to eh. Napakadaldal.
"Who are you Miss?", baling nya sakin. Umiba naman yung tingin nya nang makita ako. Wow. From angel to demon lang. Magsasalita sana ako nang biglang sumingit si Kapre.
"Can you shut up and leave? My girl and I needs some privacy.", iritadong singit nya. Bat ba pag gusto kong magsalita may sisingit. Ano daw? My girl? Tch.
Bago umalis yung nurse, pagkatalikod nya kay King eh bigla naman nya akong inirapan.
"Gamutin mo ko.", utos nya.
"Why would I do that?"
"Because you did this to me.", seryosong sabi nya. Inirapan ko naman sya.
"You're old enough. Gamutin mo sarili mo.", iritadong sabi ko.
"Go grab some ice", utos nya. Kinuha ko naman yung ice sa ref ng clinic. Ref para sa ice? Tch. Naghanap naman ako ng bimpo at agad nilagay ang ice don. Wala akong makitang ice pack. Ano bang klaseng clinic to.
Wait. Pano yung ilong nya? Naghanap ako sa mga cabinet pero tampon lang nakita ko. Tch. Nah he probably won't notice. Kumuha ako ng dalawang tampon at bumalik sa kinahihigaan nya.
"What took you so long?", sabi nya. Hindi ko sya sinagot at inabot lang sa kanya ang tampons at yung bimpo na may ice. Inalagay naman nya sa ilong nya yung tampon. Pinipigilan ko yung tawa ko. Ghad. Wala talaga syang ideya.
"Hold this.", ipinahawak naman nya sakin ang bimpo na may ice. Eww. Parang indirectly akong nakahawak sa pisngi nya. Kinuha naman nya ang cellphone nya at nagpicture. Waw. May gana pa syang magpicture habang ako nangangalay? Diniin ko naman yung bimpo sa pisngi nya.
"Aray! What is your problem?!"
"Ahh nothing?", painosente kong sabi. Indirectly padin akong nakahawak sa pisngi nya. Cellphone lang sya ng cellphone.
"Boss!"
Napalingon ako sa pintuan. Andito yung tatlo pang kapre.
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Teen FictionI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.