Camille's POV
Nagbihis lang ako ng blacktshirt, jeans at white na sapatos. Nagdala din ako ng maliit na backpack para may paglagyan ako sa payong at iba ko pang gamit.
Ito namang si Haidee parang gagala sa mall. Nagdress pa talaga.
"Why are you wearing that?", tanong ko.
"Ito lang ang dala kong matinong damit eh", sabi nya at nagpeace sign.
Nakafitted sando at jeans naman si Jiji. Si Beth din nakafitted sando pero nakashorts.
Srsly?
San ba kami pupunta? Sa mall? Gagala beh?
Tsk.
"*whistles* iba ka talaga. Parang hindi babae", sabi ni Kevin at tumawa. Inirapan ko nalang sya at sumakay na sa bus.
~x~
What? Field? Anong gagawin namin dito?
Tinignan ko naman ang kabuuan ng field. Pang-soccer field yung laki nya pero may mga putikan.
"Okay class, listen up!Para naman maiba, magkakaroon tayo ng race. Nakikita nyo naman siguro ang kabuuan ng field diba. Kung sinong unang makatapos ng obstacle corse ang makakakuha ng special price na sponsored pa mismo ng ating class president"
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin. Yung iba lang.
Mas madami silang mga nagreklamo. Including Haidee.
"Yan kasi nagdress pa", sabi ko.
"Che! Wala akong pake sa price nayan noh. Ayokong madumihan! Hindi ako sasali. Cheer ko nalang kayo", maarteng sabi nya. In-excuse naman sya ni maam dahil sa lahat ng babae sya lang yung nagdress.
"Paunahan kayong makatapos ha. Kung gusto nyo nang sumuko/ hindi nyo na kaya. Sumigaw lang kayo. Itatanggal agad kayo sa race", sabi ni maam.
Hinati kami sa tatlong batch. Bale tig-sasampu kada batch. Pwera nalang sa batch namin. 9 lang kami dahil wala si Haidee.
Panghuli ang batch namin.
Unang batch sila Beth, Alex at Kevin. Pangalawa naman si Jiji, Josh. Panghuli kami nila King. Oo magkabatch kami. Pshh. Tignan ko lang kung magpapatalo ba to sakin.
Nagsimula na ang unang batch.
Unang obstable corse ang putikan. Kailangan nilang dumapa at gumapang para makarating sa wall na may mga bato na something. Basta yung aakyatan nila. Unang obstable palang may dalawa nang sumuko. Ayaw daw nila sa putikan. Ang aarte. Parang putik lang eh.
In the end, walang nakatapos sa kanila. Pati sila Beth sumuko din.
Ganun din sa second batch.
Hays.
"Third batch na"
Pumwesto na kami dun sa starting line. Tinignan ko naman ang katabi kong kapre. Ngumisi sya at parang confident na mananalo sya. Pwes. Dyan ka nagkakamali.
"Hush. You're gonna be fine"
Tt. Erase erase! Walang oras para mag-isip pa ng iba Xhiara!
Focus!
"On your marks... Ready.... GO!"
Nakapaa ako ngayon para mas mabilis ako makatakbo.
Gumapang na ako sa putikan. May tatlo na agad sumuko. Binilisan ko ang paggapang hanggang sa makarating na ako sa wall na aakyatan. Basta yung ganun. Nangunguna si Dashiel ngayon. Ang bilis nya. F*ck.
Binilisan ko din ang pag-akyat. Nang makarating na ako sa tuktok. Tumalon ako para makahabol. May sumukong isa. Lima nalang kami.
Next obstacle ang labyrinth. Kailangan naming hanapin ang daan palabas. Hindi kami makakasilip dahil mataas ang mga pader. Nako. Kunh pwede lang sirain to eh, plywood lang naman.
1 minute na kami dito. Tang*na.
Tangnang daanan yan. Ayaw magpakita.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makakita ako ng liwanag.
That must be it.
Tatakbo na sana ako papunta sa butas pero naharangan ako nung isang kaklase ko.
"Tatabi ka o tatabi ka?", banta ko. Hindi naman sya natinag.
Aba. Ganyanan ha. Sinuntok ko sya ng malakas at tinulak. Nawalan naman sya ng malay.
Opps.
Tumakbo na ako papalabas para sa susunod na obstacle. Tatlo nalang kami.
Madali nalang to.
Last obstacle ang archery.
Oh fudge. Matagal na akong di gumagamit ng bow.
Tumingin naman ako sa likuran. Nakalabas na yung isa at si Dashiel. Pumwesto nadin sila sa kanikanilang table. Kailangan lang namin paputukin ang maliit na lobo na nakapwesto sa dibdib ng isang mannequin. Sumuko na yung isa matapos ang tatlong tira. Hindi pa ako tumitira.
Si Dashiel kanina pa tumitira pero hindi tumatama.
Huminga naman ako ng malalim at tinignan ang target.
Itinutok ko na ang pana at tumira.
Sapul.
Napangisi naman ako at tinignan ang katabi ko. Bakas sa mukha nya ang gulat.
Hinding-hindi ako nagpapatalo boy.
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Teen FictionI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.