Chapter 28

1K 48 5
                                    

Camille's POV

Pumunta na ako sa pool.

Nakatingin sila lahat sakin ngayon. Tss. Hinanap ko agad sila Beth. Nasa isang table sila kasama yung apat.

Napatingin naman ako kay King. Topless sya. Tanging shorts lang ang suot nya.

Damn. Abs—wait!

What am I doing?

Eww!

Wag mong pagpantasyahan yan!

Kadiri.

"*whistles* Damn.", rinig kong sabi ni Kevin. Tinignan ko naman sya ng masama. Ngumisi lang sya at kinulit ulit si Haidee. Nakatingin parin silang lahat sakin.

"You look good", puri ni Josh. Ngumiti naman ako at tumango. Napatingin naman ako kay Jiji. Nakasimangot sya.

Wal—

Nagulat ako nang bigla akong hilahin paupo ni Dashiel.

Naputol naman ang tingin ng mga kasama namin. Nagsibalikan naman sila sa ginagawa nila.

"You're gaining too much attention", bulong nya sakin. Tssh

"Pinilit lang ako noh", sabi ko.

"Damn I hate this", bulong nya pero narinig ko.

King's POV

Nagtaka naman kami nang biglang tumahimik ang paligid. Napalingon kami sa tinitignan ng karamihan.

Si Camille...

She's wearing a daring bloody red swimwear. Even me, mapako ang tingin sa kanya.

Damn.

Tumingin din sa kanya ang iba pang lalaki at halata sa mukha nila ang pagkamangha.

Hot.

Hinila ko naman sya paupo sa tabi ko at tinignan ng masama ang mga nakatingin sa kanya.

Damn this gorgeous gazelle.

"You're gaining too much attention", bulong ko sa kanya.

I don't know. I hate seeing those guys drool over her.

Why do I sound possesive?

Goddamn it.

"Pinilit lang ako noh", sabi nya.

"Damn. I hate this", mahinang bulong ko.

"Ba't ang tahimik nyo?", tanong nya sa mga kasama namin. Para naman silang nabalik sa realidad at nataranta.

"A-ah may pizza oh. Gusto mo? Diet daw sila Haidee", utal na sabi ni Alex. Ngumisi naman sya at kinuha ang isang buong box.

"Wait! Mauubos mo yan?", gulat na tanong nung kaibigan nya. Haidee ata yung name?

"Tataba ka nyan Xhi!", sabi nung isa.

Xhi?

Xhi ba ang tawag nya kay Camille?

"Ito kaya kinakain ko linggo linggo", sabi nya.

Nagpatuloy lang sila sa pagkukwentuhan. Napansin ko din ang biglang pagbait ni Josh. Simula kanina, nung sabay silang pumunta ni Camille sa cottage.

There's something wrong. Parang ganun nalang ang respeto nya kay Camille. Para syang aso na nag-aantay ng utos ng amo.

Tahimik lang kami mga lalaki. Si Kevin pumuporma kay Haidee. Si Josh naman nakikinig lang sa sinasabi ni Camille na parang interesadong interesado. Si Alex nagcecellphone lang.

"Ligo tayo!", aya nung Haidee.

"Pass", sabay naming sabi ni Camille. Nagkatinginan naman kami.

"Gaya-gaya", nagsabay ulit kami. Tumawa naman sila.

"Maiwan na namin kayo. May magpipicture mamaya. Ingat lang. Baka mamaya may kumakalat nang stolen pic", sabi ni Kevin. Umalis namana sila at nagtampisaw na sa pool.

Kumakain parin si Camille.

Eating monster.

"Are you sure mauubos mo yan?", tanong ko. Tumango naman sya.

Hindi ko naman mapigilan na mapatingin sa kabuuan nya.

"Ang taba mo", out of nowhere na sabi ko.

Shoot

Tinignan naman nya ako ng masama at nilapag ang pizza sa table. Tumayo naman sya at akmang aalis. Napatayo naman ako at hinawakan agad sya sa pulsuhan at hinarap sakin. Iniwas naman nya ang tingin sakin.

"Wala na kong gana", cold na sabi nya.

Para naman akong naguilty.

Pambihira.

"Sorry", sabi ko. Tumango naman sya at naglakad papalayo.

Sumunod naman ako sa kanya.

Camille's POV

Bumalik ako sa kwarto namin at kinuha ang baril. Inipit ko yun sa gilid ng pambabang underwear ko. Lumakad naman ako sa kung saan hanggang sa makakita ako ng fence. Parang harang yon papunta sa dalampasigan. Inakyat ko naman yon. Nakasuot padin ako ng swimsuit. Katamad na magbihis eh

I need a place to release my anger.

Nang makababa na ako sa fence tumakbo naman ako ng mas malayo.

Umabot na ako sa dulo ng island. Huminga naman ako ng malalim at inenjoy ang view at masarap na simoy ng hangin.

This place is not that bad at all.

Kumuha ako ng mga bato at pinwesto iyon sa malayo.

Nakarinig naman ako ng mabibigat na paghinga mula sa malayo.

What the?

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon