Camille's POV
Napabagon naman ako dahil sa matinding sakit ng ulo. Tang*na
Pumunta agad ako sa banyo saka sumuka. Nagising naman ang iba dahil sa nangyari.
"Hey Camille ayos kalang?", rinig kong tanong ni Jiji. Nakalock yung pinto ng cr. Kinakatok na nila ako pero hindi ko sila pinagbubuksan.
Sumusuka parin ako.
F*ck ang sama ng pakiramdam ko.
Finlush ko na ang suka ko at naghilamos. Tinignan ko naman ang analog clock na nakasabit malapit sa salamin ng CR.
5:00 AM palang.
"Hush. You're gonna be fine"
"Hush. You're gonna be fine"
"Hush. You're gonna be fine"
Panaginip lang ba yon? Did he actually comforted me?
Wait. No.
Maybe It was really a dream.
Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin.
"Camille Xhiara Gray. You're just having hallucinations dahil sa epekto ng alak. That was just a dream okay? He would never do that", pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Huminga naman ako ng malalim at binuksan ang pintuan. Nakita ko silang lahat maliban kay Dashiel na nanonood ng TV.
Napaisip naman ako. What if hindi panaginip yon?
Arghh. Nakakahiya. Umiyak pa ko sa harap nya.
"Nag-inom kaba kagabi? Iinom inom tas susuka kinaumagahan. Tss", inis na sabi ni Haidee. Hindi na ko nagsalita. Humiga lang ulit ako para matulog dahil pakiramdam ko kulang na kulang pa yung tulog ko. Ganun ba katapang yung alak?
~x~
"Xhi. Gising na..tanghali na oh"
Minulat ko naman ang mata ko. Si Ji, Beth at Haidee.
Where's the others?
"Asan yung iba?", tanong ko.
"Nauna na. Tinatawag na tayo para mananghalian", sabi ni Haidee. Tumayo na ako para pumunta sa banyo. Kailangan ko nang maligo.
"Wait. Before you go. We just want to know ano ba talaga ang nangyari sayo kahapon. Ba't nag-iba ang mood mo?", tanong ni Beth.
I can't tell them. May ideya na ako kung sino ang taong nasa likod ng mga sulat na yon. Pero wala pa akong sapat na patunay na sya talaga ang gumagawa nito.
Hindi ako pwedeng magpadalos dalos. Maraming mata ang nakatingin. Isang maling hakbang pwede nang malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay namin.
Underground is a dangerous place. A challenge we took and in order to survive, you must be the strongest.
"Nothing", sabi ko at naligo na.
~x~
Pumunta na kami sa salo-salo.
"Pagkatapos kumain may activity tayo na gagawin", announce ni maam.
Hayst. Paniguradong boring yan.
Tatakas nalang ako.
"Dapat magparticipate ang lahat. Mag-eenjoy kayo for sure", dagdag nya.
Nako naman oh.
"Omg! Nakakaexcite naman"
"Sana magandang activity noh"
"Magpapakitang gilas na ako kay King"
Ilan lang yan sa mga bulong ng mga kaklase ko.
Tss.
"Uhmm Camille. Mukhang ayaw mo sa activity ah. Gusto mo i-excuse nalang kita kay maam?", sabi ni Josh. Napatingin naman sila Haidee samin. (i mean, silang anim)
"No, It's fine", sabi ko at bahagyang ngumiti. Sumaludo naman sya.
"Okay po!"
Tinitigan naman ako nung iba (silang anim). Nagtataka sila alam ko. Lumapit naman sakin si Jiji at bumulong.
"Ba't parang ang close nyo?", bulong nya. Ngumisi naman ako.
"Secret. Wag ka magselos. He's just being kind", sabi ko. Nag-pout naman sya
"Ba't sakin ang sungit nya? Tas pag sayo mabait sya?", tanong nya. I just shrugged.
"Magbihis na kayo. B-byahe pa daw tayo para sa activity", sabi ni Beth.
*sigh*
Alright, I'll give it a go.
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Novela JuvenilI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.