Haidee's POV
Chinecheer ko lang sila mula dito sa malayo. Syempre, supportive akong kaibigan eh.
"Hey"
It's the annoying Kevin
"Ano na naman ba?", asar na tanong ko.
"Oh. Punasan moko", sabi nya at binato sakin ang isang bimpo. Tinignan ko naman sya. Pawis na pawis sya pero hindi mabaho. Ang dugyot nya pero ang gwapo parin.
Takte. Ano batong pinagsasabi ko.
"Ayoko nga. May kamay ka naman ah", sabi ko.
"My hands are dirty", sabi nya at pinakita pa ang kamay na puro putik.
Hay nako. I don't have a choice.
Kinuha ko yung bimpo at lumapit sa kanya para punasan sya. Nagsquat naman sya ng slight para maabot ko ang mukha nya. Tama si Camille. Mga kapre sila. Pinupunasan ko ng dahan dahan ang noo nya. I'm not used to this noh. It's uncomfortable actually.
Nang tanggalin ko ang bimpo ay sakto namang nagsalubong ang mata namin. Hazel brown eyes... Hindi ko tinanggal ang titig ko. Para akong namagnet ng mga mata nya.
Ngumiti naman sya dahilan ng pagkatauhan ko. Iniwas ko naman agad ang tingin ko at pinagpatuloy ang pagpunas sa kanya.
"Can you hand me a bottled water? Nasa backpack ko ata yon", sabi nya.
Waw. Ginawa akong utusan ha. Kinuha ko naman ang backpack nya.
"Oh ito na", sabi ko at hinagis sa kanya ang bottled water.
"Yo! chill. Pakikuha narin yung phone ko", utos nya. Kinuha ko naman ang cellphone nya na iphone 10
Naks.
Tinignan ko naman sya. Busy sya sa paghuhugas ng kamay nya. Binuksan ko naman ang cellphone nya. Good thing walang password.
*evil laugh*
Binuksan ko ang camera at nagpicture. Nagpicture ako ng low angle para di masyadong halata.
Ganito ginagawa ko pag hinihiram ko ang cellphone ni Xhiara eh. Tadtad talaga yung gallery hahaha.
Ngumiti naman ako at kin-lick ang capture button. Kumuha ako ng isa pa. Nagwacky naman ako pero dapat maganda parin. Pagkatapos ko magsawa. In-open ko yung snapchat at nagvideo. Busy parin si Kevin sa paghuhugas ng kamay nya. Mweheheh.
Nagvideo ako na nagfinger heart sa snapchat nya.Bumalik ako sa gallery at ginawang wallpaper yung isang picture ko. Ang dyosa ko tignan pag nakangiti.
Hays. Ang ganda ko talag—
"Where's my phone?", tanong nya. Inabot ko naman agad sa kanya yon at itinuon na ang pansin sa race.
Kevin's POV
"Where's my phone?", tanong ko kay Haidee. Para naman syang nataranta kaya ibinigay nya agad sakin yung phone ko.
Pagbukas ko bumungad sakin ang nakawallpaper na picture ni Haidee.
Napangiti naman ako at chineck ang gallery.
May 20 pics at 5 videos.
Mas lumapad naman yung ngiti ko.
Kinikilig din kaya kaming mga lalaki noh. Hindi ko pinalitan yung wallpaper. Nice. May bagong picture na naman akong tititigan mamayang gabi.
"and the winner is Camille!"
Nabalik naman ang atensyon ko nang in-announce na ang panalo.
Woah. Aasarin ko na naman si King mamaya.
~x~
"AHAHA TINALO KA NG BABAE", pang-aasar ko. Nakabalik na kami sa resort.
Lam nyo ba, di kami nakapagbihis dahil ni isa samin walang dalang extra na damit. Kaya ang ending, natuyo na ang mga putik sa katawan namin tapos ang dumi dumi na ng bus. Hahaha.
"Shut up! Sinwerte lang sya!", sabi nya.
"Ang astig nya talaga", napatingin naman kami kay Josh dahil sa sinabi nya.
"Bakit?", takang tanong nya.
"Why do you keep praising that girl?", asar na tanong ni King.
"Magaling naman kasi talaga sya eh. Di nyo kasi sya kilala kaya hindi nyo alam kung gano sya kagaling", sabi nya. Nagtaka naman kami.
"Ay pu— wag nyo nalang isipin", dagdag naman nya.
Kung sino talaga sya? What does that even mean?
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Teen FictionI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.