Chapter 18

1.2K 50 4
                                    

Haidee's POV

(Flashback)

"Ano ba Haidee! Tumakas na kayo! Ako ang hinahanap nya! Wag na kayong makisali! Mapapahamak lang kayo!", matigas na bulong ni Xhiara.

Nasa underground arena kami ngayon. Kami nalang ang tao ngayon dito. May laban kami sa kabilang gang. Pero ang hindi namin alam, may personal na balak pala yung Miggy kay Xhiara.

Matagal nang obsess si Miggy kay Xhiara. Ilang beses na din syang binasted ni boss pero hindi parin sya tumitigil.

"Boss! Ikaw? Pano ka?!", naiiyak na tanong ni Beth. Nagtatago kami ngayon sa ilalim ng bleachers sa arena.

"Don't worry I'll be fine. Ganito ang plano... Lalabas ako para harapin ni Miggy. Kayo, lumabas na kayo hangga't hindi pa kayo napapansin ng kasamahan ni Miggy", paliwanag nya.

"X!!!! LUMABAS KA!!!", rinig kong sigaw ni Miggy.

Binaba naman ni Xhiara ang mask nya at lumabas.

Hindi namin alam kung anong nanyari dahil lumabas na kami gaya ng sinabi ni X.

Nakakarinig kami ng sigawan mula sa labas ng arena.

Naiiyak na ako dahil sa naririnig ko.

Si Xhiara...

(End of flashback)

Nakakatakot yung gabing yon.

The next thing we knew, nasa hospital na sya.

Halos di na namin sya makilala dahil sa mga sugat nya. May ilang saksak din sya.

1week syang nacoma dahil sa nangyari sa kanya.

Pagkatapos non, bumalik na da normal ang lahat. Natakot ako nung nabalitaan ko yung nangyari sa kanya last week.

Actually hindi naman talaga kami nagbakasyon, dahilan lang namin yun kay Xhiara. Nagtraining kami ng isang linggo simula nung may magpadala ng sulat samin. Malakas ang kutob namin na may mangyayaring hindi maganda kaya naghahanda kami.

"I'm worried about X. Nung nabalitaan ko yung nangyari sa kanya last week, natakot ako. Ayokong maulit yung nangyari sa kanya", malungkot na sabi ko. Naramdaman ko naman ang yakap ni Jihyun at Beth.

"We promised to protect each other right?", Jihyun. Ngumiti naman ako sa sinabi nya.

Camille's POV

*beep!*

Oh shoot!

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Kitang-kita ko naman ang nakangising mukha ng isang King Dashiel Adams sa loob ng isang Mercedes. Pumasok na ako likod at nagseatbelt.

"Ano ka? Pasahero? Hindi to taxi maam", asar na sabi nya.

"Hindi ako makakatulog pag sa frontseat ako", sabi ko.

"May unan dyan sa likod. Pwede yun sa frontseat. Lumipat kana dali!", utos nya. Kinuha ko naman yung unan na sinasabi nya at umupo sa frontseat.

"Wag mong lalawayan yang unan ko ha", sabi nya.

Tch. Whatever.

"Kamusta na yung sugat mo?", biglang tanong nya.

Eh?

"Magaling nako", sabi ko.

~x~

(an hour later)

Nagising ako ng maramdaman ang pagtigil ng sasakyan..

Wait...

Tumingin ako sa nakakalulang height ng building.

Ang gara.

Parang hotel na parang apartment na di ko alam.

"Anong ginagawa natin dito?", tanong ko.

"Tss. Lumabas ka na nga lang"

Lumabas naman ako at kinuha ang gamit ko. Tch. Di man lang ako pinagbuksan. Sumunod naman ako sa kanya papunta sa Information.

"I need the key for Room 305", sabi nya sa parang clerk.

Wala talaga akong idea kung ano tawag sa kanila.

Binigay naman sa kanya ng clerk yung susi saka pumunta sa elevator.

Huwaw. Parang walang kasama oh. Nang-iiwan.

*ting!*

Bumukas na yung elevator. Sumalubong naman samin ang mga foreigner na papasakay ng elevator. Nagngitian sila ni Dashiel. Close sila?

Room 305

"Condo mo to?", tanong ko nang makapasok sa loob. Tumango naman sya at pumunta sa kusina.

Napalibot naman ang tingin ko sa kabuuan ng bahay. Masyadong malinis para maging bahay ng isang lalaki.

"Ba't kailangan dito pa tayo magpractice? Pwede namang sa coffee shop", tanong ko.

"Inaantok ako okay. Dito nako dumiretso para pagkatapos natin magpractice makakatulog ako agad", sabi nya at humikab.

Tf? Hindi nya ako ihahatid? Nyeta hindi ko pa naman nadala yung motor ko.

Ayoko ding tawagan si mommy. Busy sya. Pag nagcommute naman ako, antagal ko pa makakasakay. Ambaho pa ng kalsada.

"Magsimula na tayo para makauwi na ko at makatulog kana din", sarkastikong sabi ko.

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon