Chapter 45

969 41 9
                                    

Camille's POV

*bzzzzzzttt* *bzzzt*

Naalimpungatan naman ako dahil sa pagvibrate ng cellphone ko.

Alas kwatro na.

I need to get ready.

7 pa yung ball.

What I mean is magready para sa atake. This saturday could be it.

Ang sabadong tinutukoy sa sulat.

Naligo na ako at nagpalit ng fitted sando at leggings. Bumaba na ako ng basement para mag-ensayo pero nakita ko si Kuya nagshadow boxing.

"Aga mo ah", Kuya. Isa-isa naman nyang  sinusuot yung protective gear na ginagamit namin pag nags-sparing.

"Pake mo?"

"Relax baby girl...ang aga aga oh... Sparing?", tanong nya. Nabuhayan naman ako ng loob kaya sinugod ko sya ng walang sabi sabi. Nakagloves sya at protective gear, ako wala ni isang accessory.

Just me and my skills...

Sinugod ko sya ng suntok pero nailagan nya yon, nadapa naman ako kaya nagkaroon sya ng pagkakataon na hawakan ang braso ko.

"Not now little sis", sabi nya at pinulupot ang braso ko sa likod ko.

Damn it.

Gumulong ako sideways, 90% saka sinipa ang paa nya dahilan ng pagkatumba nya. Tumayo naman agad ako at nagstretching ng kaunti.

Masakit din yung ginawa nya ha.

"Stand up old man", asar ko. Tumayo naman sya at humarap sakin.

"Masakit yun ha", sabi nya. Ngumisi naman ako.

Sinugod nya ko kaya agad akong tumakbo papunta sa table na may mga armas. Kinuha ko agad ang arnis at inihampas sa tagiliran nya.

Hindi yon masyadong masakit dahil may protective gear naman sya. Pabor nga sa kanya yung laban dahil balot sya ng foam ako hindi.

Kinuha din nya yung isa pang arnis at akmang ihahampas sa braso ko pero agad ko rin syang naharang.

"nuh-uh-uh you can't beat me that fast", sabi ko. Halata namang nainis sya dahil mas diniin pa nya yung stick.

Kita mo toh.

Pag nang-aasar, ang saya saya.

Pag sya yung inasar, nagagalit.

Baliw.

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang stick ko kaya nakawala ako sa atake nya. Umatake na naman sya pero naharang ko parin.

"What are you—Stop!", napatigil naman kami dahil sa sigaw ni mama.

Damn it.

"What are you two doing here?", tanong ni mama. Hindi naman kami sumagot.

"Xhiara! Aren't you supposed to be getting ready for the ball?", mabilis na sabi nya. Bakit yung mga nanay natin noh parang armalite yung bibig.

Sasagot sana ako nang bigla na naman syang nagsalita

"And you Camron! Ba't hindi ka naghugas ng pinggan kagabi? Diba sinabi ko na sayo na maghugas ka? Inuna mo pa yang video games na yan", lihim naman akong tumawa.

"Don't laugh Xhiara. Go to your room. Get ready for the ball. Ikaw Camron! Maghugas kana don!"

"Eh si Camille nalang paghugasin nyo ma. Naghugas kaya ako nung araw na dumating ako dito.", Kuya.

"Hoy hoy hoy. Isang beses kalang naghugas nung dumating ka. Wag moko dinadamay. Hugas hugas din mahal na hari noh", reklamo ko.

"Dami nyong sinasabi! Akyat na Xhiara! Camron! Hugas na!", sigaw ni mama.

Ganyan talaga si mama pag andito si Kuya. Umiingay.

Nang tumalikod na si mama. Palihim ko namang inasar si Kuya.

"Karma", sabi ko at tumawa ng pabulong. Sinamaan nya lang ako ng tingin.

Umakyat na ako ng kwarto ko at humiga.

Pano ba mag-ayos?

I should text Haidee.

To: Haidee

Come over

~x~

From: Haidee

Can't. I'm busy. Super aga ko sa school. Nagf-finalize pa kami sa venue. Mamayang tanghali pa ako mag-aayos. Sorryyyy. I love you. Try texting Beth or Jiji.

~x~

Napabuntong hininga naman ako dahil sa reply nya. Bumaba naman ako para kumuha ng ice cream sa ref. Nakakawalang gana naman tong ball na to.

"What do you think you're doing?"

Grr. Not again.

"Uhmm. Eating?", sarkastikong sabi ko.

"Anak, you should be ready for the ball", sabi nya.

"Ma, mamayang gabi pa yung ball. Ang aga pa oh. Alas singko palang ng umaga", maktol ko.

Tinignan naman nya ako.

"Hay nako. Let's go upstairs. I'll take care of this", sabi nya at hinila na ako papunta sa kwarto ko.

She didn't even let me finish the ice cream.

"I'll be back", sabi nya at lumabas ng kwarto.

Tss. Whatever.

Bumalik naman sya dala dala ang isang malaking bag.

"What is that mom?"

"Make up, beauty and skincare products. Ni minsan ba hindi mo napansin ang ganda ng mommy mo? Hindi ko mapapaibig ang daddy mo kung hindi ako marunong magpaganda noh", sabi nya.

What?

Pinagligo nya ulit ako at sinimulan ang paglalagay ng mga kung ano anong cream sa mukha at katawan ko.

Sheez.

This is uncomfortable.

Dang it.

Halos tanghali na nang matapos kami sa mga skincare products. Ganun ka tagal bes. Iniiwanan pa daw kasi yun ng ilang minuto bago binubura.

Tang*nang skincare yan. Parang pati kaluluw ko nalilinis.

Well, to be honest. My skin feels smooth now. Parang balat ng baby. Maybe mom's skincare is not that bad at all.

"Now the nails",

Ginupit ni Mommy pati kuko ko sa paa. Waw. Dapat ba talaga pati sa paa? Pinakintab din nya yung mga kuko ko. Ginamitan nya din nung parang colorless na manicure.

My mom's everything.

"Hair... Check."

"Gown... Check."

Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin.

Wow...

Ako ba to?

(Ito po yung pic ng gown nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ito po yung pic ng gown nya. Just how I imagined hahaha)

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon