King's POV
(2 weeks later)
"Hello po tita. Ako na po ang magbabantay sa kanya. Kumain napo muna kayo. Nagluto po si mama ng pagkain"
"Naku hijo, hindi kana sana nag-abala pero salamat ha", nakangiting sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
"You're a nice boy. Gusto kita para sa anak ko", dagdag nya. Ngumiti naman ako bilang response.
Dalawang linggo na si Camille dito sa Hospital. Binibisita ko sya dito araw araw para lang kamustahin. Hindi pa din sya nagigising.
I miss her so much...
I wanna kiss her so bad...
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama nya at hinawakan ang kamay nya. Malamig at matamlay...
I suddenly remembered 'that' kiss. Napangiti ako at hinalikan ang kamay nya. Ganito ang routine namin sa loob ng dalawang linggo. Kinukwento ko sa kanya ang nangyari sa araw ko. I know she's listening. Alam kong nakikinig sya.
*knocks*
Tatayo sana ako nang nagvolunteer na si Tita na buksan ang pinto.
"Hey guys", bati ko nang makita ko sila. May dala silang mga prutas at kung ano ano pang regalo. Lumapit naman sila sa kama ni Camille. Yung mga kaibigan nya nagsiiyakan.
"Anong sabi ng doctor?", tanong ni Kevin.
"Di pa nila alam kung kailan sya magigising. They said maliit nag chance nya na magsurvive dahil may lason yung balang tumama sa kanya", sabi ko. Tinapik naman nya ko sa balikat.
"She'll wake up. She's a tough lady", nakangiting sabi nya. Ngumiti din ako para mawala ang lungkot ko.
Camille... Please wake up.
You owe me an answer.
You owe me a kiss.
"Guys! Si Camille!", nabahala naman ako sa sigaw ng isa sa kaibigan nya. Agad naman akong lumapit sa kama. Nangingisay si Camille at parang nahihirapang huminga.
*tooot* *tooot*
Nagsisimula nading bumagal ang tibok ng puso nya.
"Tumawag kayo ng doktor!", sigaw ko. Natataranta na ko.
F*ck no. I can't lose you Camille!
Now that I am fully into you.
Nagsidatingan naman ang mga doktor at nurse.
"Umatras po muna kayo Sir"
Dumistansya naman kami sa kanila. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako...
*toooooooooootttt*
No....
This is not happening!
"3...2...1... Clear!"
Please wake up Camille...
"Again! Clear!"
Hindi padin bumabalik ang pulso ni Camille. Umiiyak na si Tita at yung mga kaibigan nya. Pati ako naiiyak narin, I don't wanna lose her.
"Clear!"
'I love you Camille... Please wake up...', mahinang bulong ko.
"Her pulse is back!", masayang sabi nung nurse.
Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi nya.
~x~
Nagising ako dahil may naramdaman ako sa kamay ko.
Camille!
She's moving!
"Camille..."
Dahan dahan naman nyang minulat ang mata nya. Tuluyan nang tumulo ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mata ko.
She's back.
Hinigpitan ko naman ang hawak sa kamay nya.
"Dashiel... Why are you crying?", mahinang tanong nya.
"I'm just happy...", sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. Mahina naman syang tumawa.
That laugh...
Damn. I missed that.
"You look so messed up", sabi nya. Nginitian ko naman sya.
"I missed you"
"I missed you too", nakangiting sabi nya. Inalalayan ko naman syang umupo para painumin sya ng tubig.
"Can I hug you?", mahinang tanong nya. Ngumisi naman ako sa kanya.
"Chansing ka ah", asar ko. Nagpout naman sya.
"Di ah. Ayaw mo? Di wag!", mataray na sabi nya. Tumawa naman ako at niyakap sya. Hinalikan ko din ang noo nya at hinagod ang buhok nya.
"You scared me", sabi ko.
"Bat ka matatakot, eh masamang damo ako. Matagal kami mamatay", sabi nya at tumawa.
"You really look good together", naputol naman ang yakapan namin nang mapansin namin si Tita.
"Mommy!", excited na sabi ni Camille at niyakap ang mommy nya.
~x~
Isang araw na ang lumipas mula nung magising si Camille. Hindi pa sya pinayagang makalabas kaya sinamahan ko sya overnight.
"Punta tayo rooftop", aya nya.
"Huh? Rooftop? Bakit naman?"
"Malapit na magsunrise! Bilisan mo!", sabi nya. Umupo na sya sa wheelchair at nag-aantay nalang ng tagatulak.
Hays.
Nang makarating kami sa rooftop sakto namang sumisikat na ang araw.
Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko.
"You're beautiful", mahinang sabi ko.
"I know right", nakangising sabi nya. Ngumiti lang ako at umiling.
Lumuhod naman ako para mapantayan sya at kinuha ang kamay nya saka hinalikan.
"You're the most beautiful girl here in our town and I am so lucky to witness this masterpiece. Nung araw na nagconfess ako ng feelings. I thought marereject ako. But then nung araw na yon. Sinabi mong gusto mo din ako kaya nabuhayan ako ng loob. Sa loob ng dalawang linggo, inaantay ko ang paggising mo dahil gusto ko ako ang una mong makita pagkamulat mo ng mga mata. Gusto kong ako ang una mong makita para masabi ko sayo na higit pa sa gusto ang nararamdaman ko sayo. I love you Camille... I love you so much. I'm afraid of losing you. I hope you feel the same way too."
Ngumiti naman sya at pinatong ang isa nyang kamay sa kamay ko.
"I do feel the same way... I love you too Dashiel..."
I kissed her...
~x~
"I won't never forget that moment", nakangiting sabi ko.
"Papa naman. Ikaw pala una nagconfess kay mama eh!", nakabusangot na sabi ni Jack.
"Sabi mo dati si mama una umamin", sabi naman ni Queenie.
"Mga anak! Ano na naman ba ang kinukwento ng papa nyo?", bungad ni Camille na kakatapos lang magluto.
Napatingin ako sa magandang asawa ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya.
"You're beautiful", bulong ko. Ngumiti naman sya at iginiya na ang mga anak namin papunta sa kwarto nila.
.
.
.
THE END.
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
JugendliteraturI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.
