Chapter 30

1.1K 44 2
                                    

Camille's POV

Nakabalik na kami ng resort. Nagsasaya parin sila sa labas. Habang ako nagmumukmok dito sa kwarto.

Hindi parin makamove on ang utak ko. Goddamnit.

Kinuha ko naman yung salamin sa table at tinignan ang sarili ko. Hindi ko mapigilang mamula.

F*ck!

This can't be happening!

Huminga naman ako ng malalim saka tumayo.

Tumalon-talon ako.

Nagpagulong-gulong sa kama.

Nagbasa ng libro pero ghad! Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Nakaramdam din ako ng kakaibang pakiramdam sa tyan. Tinignan ko ulit ang mukha ko sa salamin.

Hindi ko mapigilang ngumiti.

What the? Why the f am I smiling?

Bigla namang nagflashback sa memory ko ang ginawang kagaguhan nung kapreng yon.

"Aahh! Erase that in your head Camille! You are not supposed to think about it!"

I know nagmumukha akong tanga habang kinakausap ang sarili.

Ito ba yung sinasabi nila? Ito ba yung kilig?

"F*ck! This is not supposed to be happening! Hindi ka pwedeng kiligin! Hindi! You shouldn't be affected!"

Come on self! It was just a kiss!

Well no! It was my first kiss.

Para akong kinakausap ng angel at demon sa magkabilang side ng ulo ko.

Napahawak naman ako sa labi ko.

Why did he do that?

Why did he have to kiss me?

I knew it! He's taking advantage of me! Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga lalake! *sigh* turns to be si Kuya at Dad lang talaga ang mga lalaking mapagkakatiwalaan ko.

Boys are jerks. Once they get what they want, tinatapon na nila yon.

*knock* *knock*

Natigilan naman ako ng may marinig na katok sa pintuan.

"Sino yan?", tanong ko pero walang sumagot. Wala narin akong narinig pang sumunod na katok. Agad kong binuksan ang pinto pero wala akong makitang tao.

Tss. Is this a prank?

Napatingin naman ako sa isang sobre na nakalapag sa door step.

Pinulot ko yon at kinilatis.

Na naman? Galing ito sa kanya...

Dun sa lalaking may balak sa amin.

Bakit ba puro sulat ang pinapadala nya? Bat hindi sya mismo ang humarap sa amin para matapos na ang gulo?

Binasa ko ang nakasulat. Pangalan ko ang nakalagay kaya sa tingin ko para sa akin yung sulat

X... Mahal kong X...
Wag ka munang masyadong magsaya kasama ang lalaking iyan mahal ko... dahil dadating din ang panahon na mawawala sya sa piling mo.
Malapit narin kitang makasama. Konting antay lang mahal ko.
Makakasama mo narin ang iyong totoong hari.

Could this be....

No!

Haidee's POV

"Ano ba Kevin! Ang kulit mo! Kanina kapa ha!", maktol ko. Kanina pa kasi ako binubuntutan ng Kevin nato. Ayaw akong tigilan.

"Titigilan kita kung babalik kadun sa kwarto at magbihis ng mas matinong damit", sabi nya. Inirapan ko naman sya.

"FYI, hindi kita boyfriend para diktahan ang mga sinusuot ko and wala kang pakialam dahil ito ang gusto kong suotin", mataray na sabi ko. Tinignan naman nya ako ng masama at parang nanghahamon.

"Ayaw mo talaga akong sundin?"

Umiling ako at akmang pupunta na sa swimming pool

"Hoyyy! Ano ba! Ibaba moko!", sigaw ko. Binuhat nya ko na parang sako ng bigas. Narinig ko lang ang tawa nya at pangungutya ng mga kaklase namin. Syempre kasali na yung bash. Hindi nawawala yun noh. May fans kasi tong kumag nato.

Tss.

"Ibaba moko Kevin!", sigaw ko at pinaghahampas ang likod nya. Para akong sumusuntok sa bato. Takte. Binuhat nya ako hanggang pintuan ng kwarto namin.

"Now, magbihis kana", utos nya.

Hindi ko sya pinansin at nagpanggap na hindi sya naririnig.

"Ang tigas ng ulo mo noh", sabi nya. Inirapan ko naman sya.

"Rolling your eyes can cause blindness my dear, kaya kung ayaw mong mabulag, ako nalang ang tignan mo okay?", mayabang na sabi nya. Nagpoker face lang ako. Ang yabang!

"Hey look. I don't like seeing those guys looking at your body. You should be thankful dahil concern ako sayo", sabi nya.

Binuksan ko na ang pinto at naabutan ko ang isang nakatulalang Camille.

Kalat-kalat din yung gamit sa kwarto.

Tang*na

Agad akong lumapit sa kanya.

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon