Chapter 39

973 47 7
                                    

Camille's POV

"Maam! May away daw po sa hallway!", napatayo naman si Ms. Johnson (math teacher namin) dahil sa narinig nya. Pati kami nakiusosyo din.

Tumakbo din kami sa hallway kung saan madaming nagkukumpulan.

'Shet ang gwapo nya!'

'Ang astig nyaaa! Kyaaa!'

'Gusto ko na ata sya!'

Nakisiksik naman ako sa mga nagkukumpulang estudyante.

Sino ba yang lalaking yan ha!

Ang gulo ha.

"What's going on here?!", napatigil naman ang lahat dahil sa sigaw ni Ms. Johnson. Ginamit ko naman ang pagkakataong yon para sumiksik at makarating sa harapan.

Nakita ko naman ang tatlong nakahandusay na lalaki. Nakataas naman ang kamay ng lalaking natitirang nakatayo na sa paniniwala ko ay ang bumugbog sa tatlong lalaking to. Nakatalikod sya samin kaya hindi ko sya makita.

"You! Humarap ka", utos ni Ms. Johnson.

Humarap naman sy—

Kuya?!

What the!?

Agad naman akong lumapit sa kanya at marahas na bumulong.

"Hinayupak ka! Anong ginagawa mo dito?!", bulong ko.

Tangna. Kailan pa sya bumalik ng pilipinas?!

Kala ko nagyelo nato sa Japan.

"Relax baby! Hindi kaba excited na makita ako?", sabi nya. Sinadya nya talagang lakasan para marinig ng iba. Nagsimula naman ang bulung-bulungan.

Grr! Kahit kailan talaga Camron Hiro Gray!

Pahamak ka talaga!

'Hala! Kaano ano sya ni Camille?'

'OMG! Pinagsama ang dalawang astig na tao'

'Ang cool nila tignan!'

Kinurot ko naman sya sa tagiliran. Napaaray naman sya pero nagawa pang ngumisi.

"Who are you? Trespasser ka noh?", tanong ni Ms. Johnson.

"Ah hindi po. Bumibisita lang po.", sabi nya at ngumiti ng malapad. Para namang naiba ang mood ni maam.

Yuck.

"Sino naman ang binibisita mo dito?", tanong ni maam. Umiba ang tono ng boses nya. Parang mas kalmado.

"Ah si Camille po", sabi nya at akbay sakin. Napatingin naman ako sa gawi nila Haidee. Nagpipigil lang sila ng tawa. Alam nila kung gano ako naiinis kay Kuya pag binebaby nya ako.

Hmp. Nakakainis ha. Hindi man lang nila ako tinulungan.

Inutusan naman ni maam yung ibang estudyante na dalhin sa clinic ang tatlong binugbog ni Kuya.

What? Ganun nalang yon?

Hindi sya paparusahan?

Kevin's POV

Nakisiksik narin kami sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa hallway. Pagkarating namin sa harap. Nakita namin ang isang lalaking pamilyar ang mukha. Nakita din namin si Camille na lumapit dun sa lalaki at bumulong.

"Who is he?", tanong ni Josh.

Aba malay ko.

"Dunno. Maybe kaibigan sya ni Camille", sabi ko.

"Relax baby! Hindi kaba excited na makita ako?", sabi nung lalaki.

What? Tama ba narinig ko.

Sinilip ko naman si King.

Pfft.

Nagseselos yan.

"Boss wag ka magselos. Hindi pa nga kayo, may paselos selos ka ng nalalaman dyan", asar ko. Sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Let's go", biglang sabi nya. Hahaha sabi na nagseselos to eh. Mukha talagang close yung lalaking yon at si Camille. Wala na kaming magagawa kundi sumunod sa kanya. Umalis na kami sa kumpulan at bumalik na sa classroom

"Sino kaya yon? Mukhang close sila ni Camille", Alex.

"Stop talking about that guy", napatingin naman kami kay King.

Nagtinginan kami ni Alex at Josh dahil alam naming nagseselos sya.

Haidee's POV

"Kuya Hiro. Kelan kapa bumalik?", tanong ko. Kanina nya pa inaasar si Xhiara eh.

"Kaninang umaga lang. Di ko na naabutan si Xhiara. Maaga daw sya umalis eh.", paliwanag nya.

"Ba't ka pumunta dito?", asar na tanong ni Xhiara.

Napangiti nalang ako. Ang cute nila tignan pag nag-aasaran. Camron at Camille nga naman.

"Kamusta na kayo dito? It's been a year", tanong nya.

"Nako Kuya kung alam mo lang ang pinaggagagawa ng kapatid mo dito. Nasaksak yan last month tapos may na—"

"Cut it Ji!", napatigil naman si Jiji nang sawayin namin sya.

"What? Anong nasaksak? Si Xhiara? Bakit walang nagsabi sakin?", Kuya Hiro.

"Ayaw lang nya na mag-alala ka kuya. Anyway, kamusta ang Japan? Wala ka man lang bang pasalubong samin?", tanong ni Beth.

"Ibibigay ko pag kinwento nyo sakin ang mga nangyari sa inyo", sabi nya. Nako nako. Ang hilig talaga sa kapalit. Tinignan naman namin si Xhiara. Bumuntong hininga namab sya at tumango.

*evil laugh*

Nagsimula na kami magkwento. Kinwento naman lahat lahat. Pati na yung tungkol kay Xhiara at King! Wala namang nagawa si Xhiara dahil tuloy tuloy lang kami sa pagkwento.

"Wait. Who is this King?", tanong nya.

"He's Xhiara's crush", sabi ko. Tumawa naman kami nila Beth at Jiji. Paniguradong asar na naman ang abot nya kay Kuya Hiro.

"Hoy anong crush. Hindi kaya", Xhiara.

"May crush na pala tong baby ko", asar ni Kuya Hiro. Tumawa nalang kami.

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon