Someone's POV
6pm...
*knocks*
"Come in!"
"Boss, nakahanda napo ba kayo? Magsisimula na po yung event in an hour"
Tumango naman ako bilang response. Tinignan ko naman ang kabuuan ng venue mula dito sa bintana ng kotse.
Nakahanda na ang lahat. Nagsidatingan na din yung ibang mga estudyante. Nahagip naman ng mata ko ang isang babaeng hindi nakasuot ng mask.
Miyembro sya ng Masked Shadows.
Kung andito sya, ibig sabihin andito narin si X.
"Dadaan tayo sa likod papunta sa backstage", sabi ko at lumabas na.
Camille's POV
Isang oras nalang magsisimula na ang event nasa bahay parin ako. Hinihintay si Kuya, antagal magbihis!
Nagmamadali naman syang bumaba.
"Yan kasi! Inuna pa maglaro kaysa magbihis", iritadong sabi ko.
"Tara na! Daming sinasabi eh!"
Kinuha ko naman yung backpack ko at lumabas na.
"You're bringing a backpack?", takang tanong ni Kuya. Hindi ko sya pinansin at sumakay na sa front seat ng sasakyan. Umikot na din sya para sumakay na.
"Ingat mga anak!", sigaw ni mama. Nag-wave lang kami sa kanya bago tuluyang umandar.
"May mask kaba?", tanong ko.
"Syempre noh. Ako pa"
Kinuha ko naman ang backpack ko at dinoble check ang laman nito. Sana naman walang inspection pagpasok sa school.
"By the way, you're really pretty", dagdag nya. Palihim naman ang ngumiti.
Naks.
"Hoy! Wag lumaki ang ulo. Ngayon kalang maganda", sabi nya.
Whatever.
~x~
Andito na kami....
Madami nading estudyante sa venue. Parang kami nalang yung inaantay. Good thing walang inspection.
Sinuot ko naman ang mask ko. It's the same mask na sinusuot ko pag may laban kami sa underground. Alam kong makikilala nya agad ako. Sinadya ko talaga yon.
"Shall we?", tanong ni Kuya at inilahad ang braso nya. Nakasuot sya ng matte black na mask. Infairness, ang ganda talaga ng genes ng pamilya Gray.
Naglakad naman kami papunta sa assigned table. Pinareserve actually. Depende kasi yung table sa mga kaibigan o grupo mo. Nakita ko ang mga bag nila kaya malamang andito na din sila.
I haven't talked to them since thursday pa. Busy sila masyado.
"Punta lang ako sa food stand. Nakakagutom pala mag-antay", sabi ni Kuya at sumibat na.
Parang limang segundo pa nga lang kami dun eh. Tss.
Inilapag ko naman ang bag ko sa bakanteng upuan. Palihim ko ding inayos ang nakatagong baril sa ilalim ng gown ko.
In case of emergencies.
"Camille?", napalingon naman ako dahil sa boses na narinig ko.
"Oh Josh! Asan yung iba?", tanong ko. Hindi nya ko sinagot. Tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa. Parang di makapaniwala.
"*snaps*Hey! Asan yung iba?"
Nabalik naman sya sa realidad dahil sa ginawa ko.
"A-uh ahmm nasa may food stand sila Haidee. Sila King nasa kabilang table", sabi nya at tinuro yung table na nasa kabilang side venue. Parang katapat lang sya ganun. May malaking space kasi sa gitna.
Tss. Di ko naman tinanong kung nasan si King eh.
Napatingin naman ako sa tinuro nyang table. I saw him talking to someone seriously. Nasa likod nya lang sina Kevin at Alex.
Damn.
Kahit nakamask sya alam kong sya yan. Kahit nasa malayo pa sya, nakikilala ko padin sya dahil sa mga mata nya.
Those eyes that sparkles when struck by sunlight.
Ang gwapo gwapo nya ngayon, to be honest.
Gray tux suits him.
Napaiwas naman ako ng tingin ng tumingin sya sa gawi ko. Pakiramdam ko papunta na sila sa pwesto namin.
"Ikaw ba talaga yan Camille? Or should I say X?", Josh said. Ngumiti naman ako saka tinanggal ang mask ko.
"Ayaw mo pang maniwala?"
"Wow. Did you plan on wearing that mask?", tanong nya. Tumango naman ako.
It's time for them to know.
To know the real me.
That I am X. The leader of underground gangster group MaskedShadows.
"Hey Camille!", napatalikod naman ako nang tawagin ako ni Kevin. I don't know, nahihiya ako sa itsura ko ngayon.
"Ayos kalang Camille?", tanong ni Josh. Tumango naman ako kahit nakatalikod ako sa kanila.
"How dare you turn your back to me?"
Damn. That manly voice.
Hindi parin ako kumibo at humarap sa kanila. Naramdaman ko naman ang kamay nya sa braso ko, pinaharap nya ko sa kanya pero yumuko ako.
"Look at me"
Itinaas ko naman ang mukha ko... Uh-oh now we're inches apart.
"Naks! Nagpaganda talaga si Camille! Ang gandang achievement", napaiwas naman ako ng tingin nang magsalita si Kevin.
That was awkward.
"True. Akala ko kung sinong chix", sabi ni Alex at tumawa. Isinuot ko naman ang mask ko at humarap na sa stage.
"Good evening ladies and gentleman. We gathered here today to celebrate the arrival of our school's major sponsor. Allow me to introduce you, Mr. Miggy Hanz Sanchez. A round if applause please"
Napayukom naman ako ng kamao ng lumabas sa stage ang isang demonyong nag-anyong tao.
Miggy Hanz Sanchez.
Ang rason kung bakit ako nacoma years ago.
Ang taong nagpahirap sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/215769209-288-k474869.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Fiksi RemajaI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.