Haidee's POV
(2 weeks later)
Grabe! Ilang araw na akong kinukulit ng Kevin na yon!
Hindi ko talaga alam kung saan nya nakuha ang number ko!
*ting!*
From: Kevinpanget
Coffee mamayang uwian?
~x~
To: Kevinpanget
Ayoko. Manigas ka.
~x~
Tinignan ko naman sya sa kabilang side ng classroom.
Oo, tinetext nya ako kahit nasa iisang lugar lang kami.
Napatingin naman ako sa gwapong si Alex. Grrr. Crush ko talaga sya!
Haysss Alex James, ang gwapo mo talaga.
*boogg*
Napatigil naman ako sa pagpantasya nang marinig ang parang nahulog na bagay sa pwesto ni Kevin. Nananadya eh.
Napatigil naman ang buong klase at napatingin sa kanya.
Tss. Attention seeker talaga.
Kahit kailan talaga, papansin eh noh.
Nang magkasalubong naman kami ng tingin eh kinindatan nya ako.
Eww!
Inirapan ko naman sya. Ngumisi lang sya at bumalik sa ginagawa nya.
"Okay class. Mahigit isang buwan na tayong magkasama and dahil natapos natin ng ang isang buwan ng matiwasay. Mag-o-outing tayo. Celebration ito sa upcoming birthday ng class president natin. Ang outing ay sponsored na ng class president kaya palakpakan natin sya"
Aba. Bongga ah.
Nagpalak-pakan naman kami dahil sa ginawang announcement ni maam.
Ang gara talaga ng mga estudyante dito ah.
Parang barya lang yung gantong event noh.
Sana all.
Sinilip ko naman si Beth at Jiji na katabi ko. Kitang kita sa mukha nila ang excitement. Well pati ako excited noh, pag talaga sa beach kami mag-o-outing, isusuot ko yung paborito kong swimsuit. Gagawin ko din yung opportunity para pasuotin si Camille ng swimsuit *evil laugh*
Tinignan ko si Xhiara, bakas sa mukha nya ang disappointment. Ayaw na ayaw nya sa mga event at outing. Lalo na sa mga beach. Kesyo andami daw naghuhubad. Napakaignorante talaga. Parang hindi taga-syudad ano. Parang taga ibang planeta.
"Maam! Saan po ang outing?", tanong nung isa kong kaklase.
"Sa Villacoste beach resort", sabi ni maam. Napangisi naman ako ng malapad.
Nagtilian naman ang mga kaklase naming babae. Tch. Magpapagandahan lang yan ng katawan at higit sa lahat, magpapasikat sa mga lalaki.
(sa condo ni Jiji)
"OMG excited na ako! Natambak sa bahay yung nga swimsuit ko", sabi ni Beth.
"Pagkakataon ko na to para paglawayin si Josh", biglang sabi ni Jiji. Napalingon naman kami lahat sa kanya.
"What? You're onto Josh?", tanong ni Camille. Pati sya nagulat.
Nagpeace naman si Jiji at bahagyang tumango.
"Ikaw Beth! Hindi mo pa sinasabi kung sino yung crush mo sa tropa ni King ah", biglang sabi ko. Namula naman sya dahil sa sinabi ko. Ngumisi naman ako at inasar sya.
"Sino sa kanila? Basta akin si Josh! Si King, kay X na yon", Jiji.
"Si Alex", nahihiyang sabi nya.
What?
Pareho kaming may crush kay Alex?
"Hoy anong King ang sinasabi mo. Tigilan nyo nga ako", asar na sabi ni X.
Hala? Pareho kami ng crush ni Beth? Pano yannn
"Whatevahhh. Si Kevin naman kay Haidee", nakangising sabi ni Jiji.
Tf?
"Huh! Ayoko kaya sa abnormal nayon!"
Namula naman ako.
Takte! Hindi!
"Sus! Aminin mo na kasi, crush mo din si Kevin noh? Obvious na obvious kaya na may gusto si Kevin sayo", sabi ni Jiji. Tumango naman si Beth.
"Nakapag-impake naba kayo para sa outing?", pag-iiba ko ng usapan.
"Iniiwasan nya ang tanong yiii guilty syaaa", asar ni Jiji.
"Ayoko nga sa kanya sabi eh", matigas na sabi ko. Ngumisi naman si Jiji at Beth. Si X naman parang wala lang pakialam.
"Alam mo pag kinikilig ka, halatang halata", sabi ni Beth.
Hinayaan ko nalang sila sa pang-aasar.
Bigla namang pumasok sa utak ko ang nakangiting mukha ni Kevin
Wai—what?
Erase! Erase!
Ano bang nangyayari sakin?
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Novela JuvenilI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.