Chapter 5

1.9K 83 11
                                        

Camille's POV

*Bang!*

Nagkunwari ako na tinamaan. Nahiga ako sa sahig. Isang minuto rin. Natahimik ang paligid. Naramdaman ko naman ang hakbang ng paa papunta sa direksyon ko.

Mat...

"Poor little devil. Ngayon, malalaman ko na kung sino ka.", sabi nya. Akmang tatanggalin na nya ang mask ko nang bigla akong dumilat at sinuntok sya sa mukha.

Dumugo naman ang ilong nya dahil sa ginawa ko. Nabitawan nya ang baril at agad ko namang sinipa yon papalabas ng ring.

"What the? Pano nangyar- I just shot you!", gulat na tanong ni Mat.

Ngumisi naman ako sa kanya.

"Ah yun ba? Parang wala naman akong naramdaman eh.", sabi ko habang nakangisi.

Susugurin nya sana ako pero pinigilan sya ng mga guards.

"DISQUALIFIED NA ANG DARKHELL SA LABANG ITO DAHIL LUMABAG SILA SA RULE NA BAWAL ANG MGA ARMAS.", anouncer.

"ANG PANALO SA LABAN NA ITO AY ANG MASKEDSHADOWS!", sabi ng announcer at itinaas ang braso ko.

Naghiyawan namang ang mga tao. Bumaba na ako ng ring at sinalubong ako nina Haidee.

"Takte ka Boss! Pinakaba mo kami! Akala ko mawawalan na kami ng leader!", sabi ni Bethany.

"Ano kaba Beth ang mga masasamang damo, matagal mamatay.", singit naman ni Haidee.

"What happened? Kitang kita namin kung pano ka barilin nung Mat na yon.", Jihyun.

"Ah yun ba.", ipinakita ko sa kanila ang bulletproof vest na suot ko.

"Omg! Talagang naligtas ka nyan.", manghang komento ni Bethany.

I just shrugged at binalita sa kanila ang dala kong pagkain galing kay mommy. Ayun sila, nag-uunahan. I can't blame them, talagang masarap magluto si mommy.

King's POV

Nakatambay kami ngayon sa condo ko. Dumiretso kami dito pagkatapos ng laban. Pasado 10PM na. Wala pang plano umuwi tong tatlo.

"She was damn smart.", Alex.

Kanina pa sila nag-uusap tungkol dun sa babaeng may pulang mask.

Di ko sya kilala personally dahil minsan lang sila manood ng mga laban.

"I wonder what does she look like without that mask.", Kevin.

I bet she's scary.

"It's still 10PM. Ang aga pa.", maktol ni Alex. Hindi pa kami inaantok. Nanonood lang kami ng TV sa sala ng condo ko. Habang si Josh naman eh busy sa pagsusurf sa internet.

"May facebook kaya si Camille?", Josh.

"For what?", tanong ko.

"I don't know. I just want to know her more. Bagay talaga kayo boss eh. Kaya dapat may alam ako tungkol sa kanya."

Nagsilapitan naman yung dalawa kay Josh. Nakikisurf narin sila. Hinahanap daw nila ang facebook nung Camille. Tch. Bahala sila dyan.

"Ayun! Camille G! Grabe. Halos walang personal posts mga pics lang na black n white.", biglang sabi ni Josh. Nakitingin narin ako sa ginagawa nila. He's right. Puro pics lang ang laman.

"Wala ba syang pic na nakangiti man lang?", Alex. Limang picture lang ang laman ng album. Parang professionally shot pa ng isang photographer yung mga picture.

Pretty...

Wth am I saying?

(the next day)

Camille's POV

Sana pala di ko na pinatuloy yung tatlo sa bahay. Pumasok ako ng puyat. Tch. Nagsparing kami ni Haidee kaninang hating gabi. At as usual, ako ang panalo.

"Hi Camille.", bati nung Alex.

Ngumiti lang ako at pumunta na sa upuan ko. I'm too tired para makipagdaldalan pa.

"Okay Class. May activity tayo ngayon. Kailangan nyo ng partner. Ginrupo ko na kayo kanina.", sabi nung teacher. Nadismaya naman sila. Well, kasali na ako.

"Ang gagawin nyo lang ay pumili ng scene sa Les Mesirables at i-act iyon sa harap ng klase. Kayo nang bahala kung sinong character ang gusto nyong I-portray."

Seriously? Les Mesirables? Nako naman. Narinig ko naman ang reklamo ng mga studyante.

Miss naman nakakatamad yan

Eww. What if makapartner ko yung nerd?

Sana si King nalang maging partner ko.

Grr. Excited na akong makaloveteam si Josh.

Feelingera ka. Hindi kayo ang magiging magpartner noh! Kami!

Basta walang aagaw kay Alex sakin ha.

Ay bet. Si Kevin akin.

"Like it or not. Wala kayong magagawa. Mag-aactivity tayo. Next week ang performance.", sabi ng teacher. Bumuntong hininga nalang ang ibang mga studyante. Yung iba naman kinikilig at nagpapantasya sa mga kapre na yon.

Nagsimula nang magtawag ng group si Miss.

"and the last one is Ms. Gray at Mr. Adams..."

Adams?

"Tumayo na kayo at pumunta sa mga kagrupo nyo.", sabi ng teacher. Nagsitayuan naman yung iba at ako nanatiling nakaupo. Di ko kilala yung Adams.

"Tutunganga ka nalang ba dyan?"

Guess who?
Yung bwiset na King.
Binasa ko yunh ID nya.

King Dashiel Adams...

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon