Nasa labas na ako ng building nila.
Takte. Hinayaan lang talaga nya ako.
(30 minutes later)
Andito parin ako sa terminal ng taxi pero wala parin akong masakyan.
Kahit medyo maaga pa eh madalang lang yung taxi na dumadaan.
Para ako ng para ng taxi hanggang sa may huminto na sa harap ko. Pumasok nako at naupo sa passenger seat.
"San po tayo maam?", tanong ng driver.
"Sa *toot* village", sabi ko.
Hmm. Tinignan ko ang driver mula sa rear view mirror. Nakamask ito at nakashades.
Nakapagtataka naman.
Mukha din syang bata pa. Nasa mga 28 base sa porma nya. Hindi sya nakauniporme gaya ng ibang taxi driver na nakita ko kanina. Nakablack lang sya na tshirt at nakapants.
Weird.
Yumuko naman sya nang mahulog ang cellphone nya. Napansin ko naman agad ang maliit na printa ng tigre sa likod ng tshirt nya.
Wait...
That logo...
This can't be.
Kasamahan ba sya nung lalaking nakalaban ko last week?
Sinusundan ba ako ng lalaking to?
Panay ang sulyap nya sakin sa rear view mirror. Kahit nakaglasses sya alam kong gumagalaw ang mata nya. Hindi nya ko pwedeng ibaba sa bahay.
Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Jihyun.
To: Jiji
May kasama ako ngayon. I think kasamahan sya nung nakalaban ko last week. Can I come over? Hindi ko sya pwedeng papuntahin sa bahay.
~x~
From: Jiji
Sure. I'll text Haidee and Beth.
~x~
"kuya, ibaba mo nalang ako sa *toot* building", kalmadong sabi ko. Tumango naman sya at sinunod ang sinabi ko.
(minutes later)
*kringgg!*
Naputol ng ringtone ang katahimikan sa loob ng kotse. I immediately checked my phone.
Wait. Wala namang tawag.
Napalingon ako sa driver na kinuha ang cellphone nya saka sinagot. Tahimik lang ako at tinuon nalang ang pansin sa labas ng bintana.
"Oo"
"Wala pong problema"
"Wag po kayong mag-alala"
Yan ang narinig kong sinabi ng driver dun sa kausap nya.
Huminto naman kami sa harap ng building ng condo ni Jiji.
"Salamat kuya. Ito na yung bayad", sabi ko sabay abot ng pera. Tinignan nya lang ito at umiling.
"Hindi na po kailangan", sabi nya at pinababa na ako.
(sa condo ni Jiji)
"What happened?", tanong nya sakin.
"That driver... He's wearing a shirt na may kaparehong logo dun sa lalaking nakalaban ko last week", sabi ko.
"We should be ready X. Hindi natin alam kung kelan mangyayari ang gulo", sabi nya. Tumango naman ako.
Who are you?
Why are you doing this to us?
.
Someone's POV
"Boss. May nangyari po sa kanya", sabi ng isa kong tauhan.
Tinignan ko naman ang laptop ko para makita ang camera na nakatago sa bahay ng kaaway ko.
Napaupo ako dahil sa galit. Binato ko ang vase sa table ko at napahawak sa sentido.
"What is he doing?", galit na tanong ko nang makita ko ang ginagawa ng tauhang pinadala ko.
"B-boss h-hindi nya po kilala si M-miss X"
"PATAYIN NYO SYA!!!", malakas na sigaw ko dahilan ng pagkabalisa nila.
Walang pwedeng manakit sa mahal kong si X.
WALA!
Kinuha ko naman ang picture frame na katabi lang ng lamp shade ko. Picture iyon ni X.
Mahal ko... Hindi ka pwedeng agawin sakin...
Kahit ang lalaking yon...
Akin kalang...
Pagmamay-ari kita!
Kahit patayin ko sila lahat, makuha lamg kita mahal ko.
Handa naman akong ibigay sayo lahat ng gusto mo...
Ba't moko binabalewala?
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Fiksi RemajaI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.
