Chapter 49

936 43 1
                                    

Haidee's POV

*splaaashhh*

Nagising ako dahil sa malamig na tubig na binuhos sakin.

F*ck.

"Boss, gising na sya"

Nag-uulap yung mata ko. I can't see clearly.

Damn it.

Napatingin naman ako sa gilid ko.

Beth... Jiji...

Wala silang malay at nakagapos sila sa upuan gaya ko.

Where the f*ck am we?!

"Long time no see Haidee", sabi ng isang pamilyar na boses.

Lumapit sya sa pwesto ko at hinawakan ang mukha ko. I can't see his face clearly. Nanghihina ako.

"Sino ka?!", sigaw ko. Tumawa lang sya at dumistansya mula sakin.

"Nakalimutan mo na ba ako Haidee? Aww. Pano mo naman nakalimutan ang taong dahilan ng paghihirap ng kaibigan mo ilang taon na ang nakalipas?", sabi nya at bahagyang ngumisi.

"Miggy?!"

Akala ko nagkataon lang na kapangalan nya yung sponsor ng school. F*ck. Pinlano nya to.

This was all part of his plan.

F*ck. Ba't hindi ko agad naisip yon.

Masyado akong naging preoccupied sa event kaya hindi ko na inisip ang mga pwedeng mangyari.

Damn it.

"You're right. *chuckles* Alam mo, gusto na sana kitang patayin kaso wag nalang pala. Mas gusto pala kitang patayin sa harap ni X."

Dinuraan ko naman sya. Tumawa lang sya.

"She will save us!", sigaw ko. Nagalit naman sya at sinampal ako ng malakas

Ang sakit! Tang*na.

"Of course she will! Pupunta sya dito. Everything is working according to my plan. Kung mawawala na kayo, mawawala nadin ang Masked Shadows. Magagamit ko din kayo para maging akin sya"

"Hinding hindi sya mapapasayo! Kahit mamatay kami hinding hindi sya papayag sa gusto mo!", sabi ko at ngumisi.

"Hindi mo ba alam? Sila na ni King", dagdag ko na sya namang dahilan ng pag-iiba nya ng expression.

Syempre hindi yun totoo... sa ngayon pero alam kong magiging totoo din yon.

I know they like each other.

Tinignan ko naman si Miggy, ang sarap mang-asar ng mga ganitong tao. Nagpapanggap lang na matapang pero sa kaloob-looban, may kahinaan parin.

In the end, sya parin ang kawawa.

"Hindi! Hindi maaari! Akin sya! Sya ang reyna ko!", sinampal nya ulit ako ng malakas.

"Kahit anong gawin mo, hindi ka nya pipiliin!"

"Tignan nalang natin", sabi nya at umalis na.

Pinilit ko namang tanggalin ang nakataling lubid sakin pero di ko magawa. Masyadong makapal ang pagkakatali.

(Flashback)

*BOOGSH!*

What the heck was that?!

Napatingin naman kami lahat sa stage na wasak na.

Nagsitakbuhan naman ang ibang mga estudyante. Hinawakan ko naman agad si Beth at Jiji.

"Come on! Let's go!", sigaw ko.

Tumakbo nadin kami at nakisiksik sa mga lumalabas na estudyante. Nakita din namin sila Kevin, pilit nya kong inaabot pero di nya magawa dahil sa dami ng estudyante.

The next thing I knew is may humila sakin mula sa kumpol at may kung anong itinusok sa leeg ko.

Pakiramdam ko naman ay parang nanghina ang katawan ko.

Xhiara... Where are you?

Camille's POV

"Before we make a move, dapat handa kayong labanan ang mga tauhan nya", sabi ko.

Dinala namin sila sa basement kung saan kami nags-sparing ni Kuya.

I showed them the training spot.

The firearms vault.

my personal shooting range.

The mini boxing ring and other stuffs.

"Wow. Hindi pako nakakapunta sa ganitong lugar", manghang sabi ni Josh.

"Astig", Alex.

Umakyat naman ako sa boxing ring at binalot ng tela ang mga kamao ko.

Nagtaka naman sila pero maya maya pa ay umakyat si Kevin.

Walang sabi sabi ay sinugod ko sya ng suntok sa mukha. Nagulat naman sya sa ginawa kong atake.

"Why the f*ck did you do that?"

"You never know kailan aatake ang kalaban, kaya dapat you are mentally and physically prepared ka anytime", sabi ko at dumistansya sa kanya.

"That makes sense", sabi nya at inayos ang postura.

Duh. Of course It makes sense.

"Let's start with a warm up! Push up position! Ready!", para naman silang nataranta at agad na ginawa ang sinabi ko. Tinitigan ko naman ang katabi ko.

"Kasali ka kuya! Wag kang paspecial! Position!", agad naman syang pumusisyon.

That's it.

Listen to the Boss.

"I'll count! Ready?!"

"Sir yes sir!", sigaw nila.

"1!"

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon