Chapter 4

1.9K 92 3
                                        

Camille's POV

Akmang susuntukin ako ni Mat pero naharang ko ang atake nya. Naghiyawan naman ang manonood dahil don. Pinilipit ko ang kamay nya at napasigaw naman sya sa sakit.

"Serves you right jerk", sabi ko.

Inis naman syang tumingin sakin at sinipa ang kanang binti ko. Natumba naman ako at agad nya kong pinatungan para sakalin. Pinisil ko ang muscle nya sa braso na sya namang nakapagpahina ng kapit nya.

Aba, may natutunan naman pala ako sa training.

Agad akong tumayo at sinuntok sya sa tyan. Napahawak sya sa sakit. Sinugod naman ako nang isa pang miyembro nila. Kahit nasa likod sya. Ramdam ko na agad yung atake nya. Bago pa sya tuluyang makalapit at makasuntok yumuko ako at umikot saka sya sinipa sa tuhod.

Napaluhod sya sa sakit. Bigla naman akong sinakal patalikod nung isa pang miyembro. Sinenyasan nya yung iba na sugurin ako pero sinipa ko sila isa isa. Nahuli nung isa ang kanang binti ko. Nagpumiglas ako pero di ako makawala. Hinila din nung isa pa ang kaliwang binti ko. Hinead-butt ko yung lalaking sumakal sakin. Nabitawan naman nya ako. Yung dalawa nakahawak parin sa binti ko. Sumigaw ako bilang signal na sumugod na sila Haidee.

Sinakal naman agad nila yung dalawang lalaki na nakahawak sa binti ko. Tinulungan akong tumayo ni Jihyun at sinuntok yung lalaking lalapit sana samin. Nakita ko naman si Mat na sinusubukang tumayo.

Tch. Ganyan ba ang kasali sa top 5? Madaling manghina?

Yung mga kasamahan nya nakahiga na sa sahig. Nagsimula na silang bilangan nung referee.

"KNOCKOUT!"

Si Mat nalang ang natitira. Ngumisi naman ako sa kanya.

Sinenyasan ko din yung tatlo na ako na ang bahala kay Mat.

"I guess tayong dalawa nalang ang maglalaban ngayon. Ano? Kaya mo paba?", nakangising sabi ko. Halata sa mukha nya ang inis. Tch. Hindi naman kami mag-aaway neto kung di sya mayabang eh. Haha. Nagalit to sakin dahil sa pambabara ko. Hindi ko naman kasalanang pikon sya.

"Mayabang ka talaga X.", sabi nya.

"Hindi naman ako magiging mayabang kung wala namang maipagmamayabang diba. Gamitin mo naman to minsan Mat.", sabi ko at tinuro ang utak ko. Yan ang problema sa kanya. Hindi sya gumagamit ng utak. Di ko talaga alam kung pano sila nasali sa Top5 eh wala naman silang alam sa pakikipaglaban. If I know, ginamit na naman nya ang koneksyon ng papa nya para mapunta sa top5.

Humakbang sya at biglang bumunot ng baril. Tch. Halata sa mukha ng mga audience ang gulat. Tch. Hindi nako nagulat. Alam kong may dala syang baril. Kanina ko lang din nalaman. Kahit labag sa rule ay alam kong gagamitin nya talaga yan.

"Nagiging duwag ka na naman Mat."

"H-hindi ako duwag!", sigaw nya. Tumahimik naman ang audience at inaantay ang susunod na mangyayari.

"Nakakatawa ka Mat."

"Ipuputok ko talaga to! Hindi ako nagbibiro!", sigaw nya.

Hmm. May naisip na naman akong kalokohan.

"Sige iputok mo.", kalmadong sabi ko.

*Bang!*

Jihyun's POV

Nagulat kaming lahat nung naglabas ng baril si Mat. Tch. Duwag talaga. Ito namang boss namin, nagpapakabayani na naman.

"Sige iputok mo.", rinig kong sabi ni Xhi.

Ano bang plano nya?

Nako. Kung ano man yan, nakakatakot.

*Bang!*

Wth?!

Natumba si Xhiara. Nagulat naman ang mga manonood, kabilang na kami.

"Put*! Boss!", matinding mura ni Haidee. Lalapit sana sya sa ring pero pinigilan sya ng mga bantay.

Kevin's POV

Napakaintense ng laban.

Nakakatakot yung babaeng nakapula. Yung mga kasama ko, tutok na tutok sa laban. Parang nanonood ng porn lang eh noh.

"Ang astig nya! Crush ko na ata sya.", komento ni Alex.

"Hoy. Ako nauna.", singit naman ni Josh.

"Tumahimik nga kayo!", saway ni Boss.

Natahimik naman ang dalawa at binalik ang pansin sa laban. Sang-ayon ako kay Alex. Ang astig nga nya. No wonder isa sila sa top 5. Ilang minuto lang ang lumipas natumba na yung tatlo. Yung leader nalang ng DarkHell at 'Ms. Red' ang natira sa stage. Di namin marinig ang pinag uusapan nila kasi malayo kami sa ring.

Nagulat naman kami nang biglang bumunot ng baril yung leader ng DarkHell. Napatayo naman kami dahil sa nangyari. Tumahimik kaming lahat at inaantay nalang ang susunod na mangyayari.

Itinaas naman ni 'Ms. Red' ang kamay nya na parang sumsusuko. Pero nakangisi sya.

*Bang!*

Napapikit ako dahil sa putok. The next thing I saw, nakahiga na sa sahig yung nakapulang mask.

Tinignan ko ang mga kasama ko, gulat sina Josh at Alex, even me. Pero si Boss, seryoso lang na nakatingin.

"She's not dead.", biglang sabi ni Boss. Nagtaka naman kami sa sinabi ni Boss.

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon