King's POV
30 minutes na kaming bumabyahe.
Naramdaman ko naman parang bumigat ang balikat ko.
Aba. Sa balikat ko pa talaga natulog. Kinuha ko naman ang cellphone ko at in-open ang camera para makita ko ang mukha nya.
"Akalain mo yon, mukha kang anghel pag natutulog. Demonyo naman kapag gising", mahinang bulong ko. Inayos ko ang pwesto ng ulo nya para mas maging komportable sya.
Gentleman ako noh.
Naglagay din ako ng panyo sa balikat ko para mas komportable. Kinuha ko ulit ang phone ko para magpicture. Inayos ko ang mask ko at nagpic kasama ang natutulog na Camille.
Di ko din alam kung bakit ko ginawa yon.
Tch. Baliw na ata ako.
Pinost ko ulit yon sa instagram at binulsa na ulit ang cellphone. Maya maya pa eh naririnig ko na ang bulong ng mga bubuyog.
Yes, I'm referring to those girls sitting at the other side of the bus.
Nagulat naman ako ng biglang sumiksik si Camille sakin at niyakap ang braso ko.
Anong trip neto?
Hindi naman ako makagalaw dahil sa ginawa nya. Hinayaan ko lang sya hanggang sa bigla kong maalala ang performance namin nung nakaraan. Para syang ibang tao. Parang nung nakasama ko sya sa condo. Nakakapagtaka lang. May personality disorder ba sya?
Minsan ang ingay nya.
Minsan naman tahimik.
Nakakalito ka Camille.
(Flashback)
"Ang sunod na magp-perform ay si Mr. Adams at Ms. Gray"
Pumunta naman kami sa harap at naghanda na.
Niyakap ko sya mula sa likod gaya ng sa original version mg kanta. Nagulat naman sya dahil sa ginawa ko.
"Magsimula kana. Wag kang maarte. Part to ng act. Galingan mo", bulong ko. Nakayakap parin ako sa bewang nya at inantay lang na magsimula sya.
Naririnig ko naman yung mga bulong-bulongan ng mga kaklase namin.
'Aghhh King! Bat may paganyannn. Nagseselos akooo'
'Ang swerte ni Camille'
'Sana ako nalang syaaa huhu'
Nagsimula na si Camille sa pagkanta. Natahimik naman at seryosong nakikinig.
Natapos na ang performance namin. Pinalakpakan kami ng mga kaklase namin. Kami din ang nakakuha ng pinakamataas na puntos.
~x~
Camille's POV
"Gumising kana dyan. Nangangalay na ako kanina pa", rinig kong sabi ng kung sino. Tinatapik nya din ang pisngi ko at bahagya akong niyugyog.
Dahan-dahan ko namang minulat ang mga mata ko.
"Nilawayan mo yung balikat ko oh", reklamo nya. Mabilis naman akong nabalik sa katinuan nang marealize ko na nakasandal pala ang ulo ko sa balikat ni Dashiel.
Agad ko namang nilibot ang paningin ko sa bus. Kami nalang dalawa ang nandito.
"Nasan yung iba?", tanong ko. Tumayo naman sya.
"Nauna na. Ang tagal mo magising eh", sabi nya.
Tss. Kinuha ko naman ang bagahe ko at lumabas na sa bus. Bumungad naman sakin ang nakakapasong init ng araw.
"Isuot mo yan. Para hindi ka masunog. Tahanan mo ang impyerno, alam kong mainit don pero gentleman ako eh", sabi nya at inabot sakin ang isang sumbrero na pang beach.
Basta yung ganun. Yung pambabae.
Tch.
Sinuot ko naman yon at pumunta na sa cottage.
Nag-assign na si Maam ng mga magkakasama sa kwarto.
Walo ang kasya sa isang kwarto kaya bahala na daw kami kung sino gusto naming roommate. Hinanap ko naman agad sina Haidee.
"Basta ha! Roommates tayo apat!", sabi ni Haidee.
"Apat nalang kulang", sabi ni Beth.
"Halika tanungin natin sila Josh!", Jiji.
What? Nababaliw na ba sya?
"What are you thinking? Mga lalaki sila!", Haidee.
"So? Parang hindi nagkaroommate ng lalaki dati oh", sabi ni Jiji.
"Tanga! Iba ang kapatid sa kaklase noh", depensa ni Haidee.
Bumuntong hininga nalang ako. Wala naman akong pakialam sa roommates eh. Ang gusto ko lang, umuwi na sa bahay at matulog.
Kinuha naman si Jiji ang cellphone nya.
Maya-maya pa eh nakita naming papunta silang apat sa direksyon namin.
"Jiji, what did you do?", tanong ni Beth. Ngumiti naman si Jiji.
"I asked them to be our roommates and they said yes", nakangiting sabi nya.
This is worse than I thought.
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED)
Ficção AdolescenteI'm Camille Xhiara. I'm a gangster. I met this guy... Isang Feelingerong Kapre. Since then, everything became different.