Chapter 7

1.6K 79 4
                                    

"Well, andito na mga kampon mo. I'm out.", inilapag ko sa malapit na table yung bimpo at akmang aalis.

"You're not going anywhere.", sabi nya at hinigit ang pulsuhan ko. Pinilipit ko naman yung braso nya na nakahawak sakin. Oopps.

Napasigaw naman sya sa sakit. Tumakbo nadin ako papalabas ng clinic.

*ting!*

From: Jiji

Let's talk. 6PM
My condo.

(Jiji's Condo)

"Oh?", bungad ko sa kanila.

"Wow. Wala man lang Hi or Hello?", Jiji.

"For what?", cold na sabi ko.

"Sabi ko nga hehe.", Jiji. Nagtinginan naman sila na at biglang nagtulakan.

"Ikaw na kasi magsabi.", Beth.

"Anong ako? Si Haidee nalang kaya", Jiji.

"Tahimik! Oo na ako na magsasabi!", saway ni Haidee. Bumuntong hininga naman si Haidee.

"Magtatransfer kami sa school nyo.", mabilis na sabi ni Haidee.

"Really? Great.", sabi ko.

"You're not mad?", Haidee.

"Why would I?"

"Yay! Sabi ko na nga ba di sya magagalit eh!", sabi ni Jiji at nakipaghigh five pa kay Beth. I just shrugged. Tumambay kami sa condo ni Jiji at nagmovie marathon. Pasado 10PM na ako umuwi, nag insist pa si Jiji na sa condo nya ako matulog.

"nak, your dad wants to see you. Nasa basement sya.", sabi ni mom. Agad naman akong pumunta sa basement. Nakita ko naman si daddy na nililinis ang mga baril nya.

"Dad, pinatawag mo daw ako", bungad ko. Ngumiti naman sya at hinagis ang isang baril sakin. Nasalo ko naman yon at napangiti.

"Game?", nakangising sabi nya.

"Game.", sabi ko.

Pumwesto na kami sa isang table at tinanaw ang mga mannequin na 50 meters ang layo samin. Bumwelo si Daddy at bumaril. Tinamaan nya ang ulo ng mannequin. Napangiti naman ako sa naging resulta. His skills never gets old. Si Daddy ang nagturo saking bumaril. Ako naman ang sumunod na bumaril. Tinamaan ang mannequin sa dibdib. Napangisi naman ako.

(the next day)

Kevin's POV

"Good Morning Class.", bati ni Miss.

"Good Morning Miss."

"May bago tayong students. Please welcome them.", tinuro naman nya yung studyanteng  nagtutulakan sa may pintuan.

Tch. Nagmumukha silang losers.

"I'm Haidee Willows.",

"Lee Jihyun"

"I'm Bethany Smith"

Narinig ko naman ang bulungan ng ibang students.

Umupo naman sila sa kabilang dulo.

"So Ms. Willows and other new girls will team up sa upcoming performance next week. I-orrient nyo nalang sila sa performance next week.", sabi ni Miss.

(Recess)

"Uy. Diba ang ganda nung Jihyun?", biglang sabi ni Josh.

"Maganda din yung Haidee", komento ni Alex.

"Mukha naman yung mga supladang losers.", komento ko.

Camille's POV

"Mukha kayong mga losers. Tss.", sabi ko. Papunta kami ngayong cafeteria. Daldal naman sila ng daldal habang naglalakad. Mas okay nato kesa naman mag isa ako.

Umupo kami sa pinakadulo na upuan. Malayo sa mga tao.

"Naks naman. Libre pala pagkain dito", Haidee.

"Kuha lang ako ulit.", paalam ni Jihyun.

"So, Boss. Wala kapang 1 week dito may inaaway ka na. Narinig ko sa mga kaklase natin kanina. May sinuntok ka daw kahapon", Beth.

Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Wala akong planong sagutin sya.

"I'm sorry! I didn't mean to do that!"

Napalingon naman kami sa may counter.

Shoot.

Si Jihyun. Nakahawak sya ng tray at nakaharap sa isang babaeng nakacroptop at miniskirt.

"What the?! Do you even know how much this shirt cost?!", sigaw nung babae. Pinupunasan nya ng tissue yung shirt na natapunan ng chocolate drink.

"I'm so sorry", paulit ulit na paumanhin ni Jiji. Tumayo naman ako at pumunta sa pwesto nila.

"What's going on here?", tanong ko.

"Do you know her? She purposely spilled her drink on my expensive outfit!", sigaw nung babae.

"It was an accident", depensa ni Jiji.

"She said sorry. That's enough.", sabi ko at tumalikod sa kanya. Ramdam ko naman ang pagkairita nya. Tch. B*tch.

Marahas naman nya akong hinawakan sa braso at pinaharap sa kanya. Sasampalin nya sana ako nang maunahan ko sya. Nagulat naman ang ibang studyante sa cafeteria.

"Don't you dare lay your dirty hands on me", pagbabanta ko. Tinignan naman nya ako ng masama. Namumula na ang pisngi nya, siguro may halong gigil at sakit nung sampal.

"How dare you!", sigaw nya at hinila ang buhok ko. Nagsigawan naman ang mga tao sa cafeteria. Isang minuto kaming naghilahan ng buhok. Tumigil sya at mabilis na kinuha ang gunting sa bulsa ko at ginupit ang buhok nya. Napasigaw naman sya sa gulat. Buti nalang nasa bulsa ko pa yung gunting.

"OH MY GOD! MY HAIR!", naiiyak na sigaw nya.

Ms. Gangster meets Mr. Feeling (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon