PROLOGUE

4.4K 69 2
                                    

Prologue

(Kath's point of view)

Pagpapakilala at simula

"You are now officially declared as a husband and wife"

The crowd around us clap their hands

"You may now kiss the bride"-nakangiting sabi ng pari samin. Kapag hinalikan ako ay isa lang ang ibig sabihin nun. We are really officially declared as husband and wife. It needs to be sealed.

Eto na papalapit na sakin yung mukha ni lysander para halikan nya ako. Pumikit ako.

*1
.
.
*2
.
.
*3
.
.
*4
.
.
*5

Pinakiramdaman ko kung hinalikan na ba ako ni lysander dahil wala akong naramdamang paglapat ng mga labi nya sa labi ko!

(>_____________0) Minulat ko ang isang mata ko.

(0____________0) pagkadilat ng dalawang mata ko.

T-teka?! B-bakit nawala si l-lysander sa harap ko?! Asan sya?! Pati yung mga tao sa likod namin nawala din!!! At yung pari na kaninay bumabasbas pa samin ay nawala rin!

No it can't be! No. Lysander? Ang asawa ko(T_T)

Sa gitna ng pag iyak ko ay naramdaman kong merong tumutulo sa mukha at ulo ko. Tumingin ako sa itaas.

Butas ba ang bubong ng simbahan?

Ilang minuto ang lumipas ng biglang umapaw na ang tubig sa loob!

Wala namang bagyo ngayon ah. Bakit bumabaha?

Hanggang sa umabot na sa ulo ko ang tubig. Hanggang sa nilamon na nga ako ng tubig baha.

Dinilat ko ang dalawang mata ko.

Teka? Panaginip lang ba yun?

Bakit ba may tumutulo sa mukha ko? Kanina pa yan ah.Pagtingin ko kung saan nanggaling ang tulo ay isang malaking mukha at nakangiting mala shokoy ang tumambad sakin. Jowk lang^_^ tumambad lang naman sa harapan ko si mama.

"Ma!? Binuhusan mo naman ako ng tubig!"-sigaw ko at nagmadaling bumaba sa kama dahil basang basa na pala ang damit ko

"Kung pwede nga lang na araw arawin kang binubuhusan ng tubig eh gagawin ko"-sagot ni mama sakin na may kasama pang pag irap bago kinuha yung timba na pinaglagyan nya ng tubig na pambuhos sakin kanin-

Don't tell me?

"Isang timba ba ng tubig yung binuhos mo sakin ma?!"-pasigaw ko kay mama

Lumapit pa sakin at

"Hindi mga isang punong puno ng tubig lang naman"-kalmadong sabi sakin ni mama

What the hell? Lang? Isang punong puno ng timba lang?

"Ma naman eh! Magiging asawa ko na sana si lysander maloves!"-umaarte pa akong umiiyak

"Lyasander ka nang lysander! Araw araw bukambibig mo yang lysander na yan! Lagi lagi ka na lang nanonood sa mga palabas nya! Itong kwarto mo puno ng mga mukha ni lysander! Pati ba naman sa panaginip mo si lysander parin?!!"- malakas na sigaw sakin ni mama.

Eh anong magagawa ko eh sa ang gwapo talaga ni lysander malabs! Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang mala anghel na mukha? Yung kagwapuhan ni lysanser ay mala leonardo dicaprio ang peg ng kagwapahun! Jusmeyo!

Nabalik ako sa ulirat ng biglang magsalita si mama.

"Nag de daydream ka naman dyan. Alam mo anak? Pwede ba tigil tigilan mo yang kaka iidolo mo dyan sa lysander na yan. Wala kang mapapala dyan. Kaya hala sige. Maligo kana at magbihis. Pagkatapos ay bumaba kana dun at ihatid muna yung mga inorder na mga pandesal kila tita malou mo"-sabi ni mama

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon