CHAPTER FORTY-TWO

356 25 8
                                    

(SPECIAL MENTION!!! (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)⁾⁾⁾ )

@YanYna_26

Hi dear! Arabo here. Charot. Anyway, thank you for messaging me! At dahil diyan I'll give you a hug(つ˘◡˘)づ♥
Meron akong social media accounts like Instagram, Facebook and Twitter pero puro kabalastugan pinag gagawa ko sa mga social media accounts ko dahil puro k-pop and k-dramas obssession ang pinag she-share ko dun. Haha! SKL ( ≖ิ‿≖ิ ) But don't ya worry dahil gagawa ako ng account na bago for wattpad and etc. purpose only. At the end of this story, iri-reveal ko sainyo ang social media accounts ko. (⁎⁍̴̆Ɛ⁍̴̆⁎)

Wala munang shout outs ngayon. Sa next chapter nalang! ٩( ᐛ )و 

----

Chapter 42

In a relationship

[Now playing...]
Lovesick girls by BLACKPINK

"Penge ako" Pagpapaalam ko kay Chase.

Akmang kukuha na sana ako ng kwek kwek sa hawak hawak niya ng ilayo niya naman ito.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Penge nga ako! Ang damot damot mo naman! Parang manghihingi lang eh!" nagtatampo kong sabi.

Kabwisit siya. Manghihingi lang naman ako pero ayaw niya mamigay! As if naman aagawin ko sakanya lahat ng kwek kwek na hawak niya. Psh.

Binelatan niya ako habang panay siya kain nung kwek kwek. Tss. Humanda ka talaga saking bwisit ka.

Nandito kasi kami ngayon sa labas ng campus namin. Break namin kaya napagdesisyonan namin na subukan ang mga pagkain dito sa labas. Kasama ko sila Laura, Natasha, Kent, Walter, Caleb at Miko. 'Yung iba ko namang mga kasamahan sa theater acting ay may kanya kanya at sariling mundo. Marami kasing mga food stalls ang nakatirik sa labas ng campus namin. Tsaka umay na umay na kami sa mga pagkain dun sa loob.

Barbeque, bananaque, kwek kwek, tempura, fish balls, siomai, siopao at marami pang iba ang binebenta nila rito sa labas kaya mabubusog ka talaga kahit na sa tingin lang.

Sunod naman akong lumapit kay Caleb para manghingi ng kwek kwek. Ayokong bumili dahil paubos na ang pera ko. Baka iwa  na naman ako ni Mikee. Edi wala na akong pampamasahe.

Kinalabit ko siya. "Penge ako" sabi ko ng nakasimangot tapos nakalahad pa ang mga palad ko.

Pero tinawanan lang niya ako tapos ginulo ang buhok ko. Napasimangot ako lalo. Bakit niya ako tinawanan? Kung ayaw niya akong bigyan, edi 'wag! Hindi 'yung tatawanan lang niya ako! Kainis!

Tatalikod na sana ako para pumunta kay Miko dahil mayaman 'yang bakla na 'yan eh. Baka bigyan niya ako.

Nabigla ako ng hawakan ni Caleb ang kamay ko paharap sakanya. Pagharap ko sakanya ay binigay niya sakin ang isang cup na punong puno ng kwek kwek. Bumili pala siya ng bagong kwek kwek.

Kaya naman nagliwanag ang mukha ko. Kaagad ko namang tinanggap ang  bigay niya at ngiting ngiti kong kinain ang kwek kwek.

"Thank you Caleb. Ang bait bait mo talaga Caleb. Hindi katulad ng iba diyan...Ang damot damot..." Pagpaparinig ko kay Chase na sarap na sarap sa pagkain.

Pero si Chase, parang walang naririnig. 'Yung buong atensyon niya kasi talaga ay nasa pagkain. Napairap nalang ako. Kung makakain siya wagas. Kala mo hindi pa nakakalamon ng ganitong uri ng pagkain. Tss.

"Hoy Kath! Tikman mo 'to masarap." sabi sakin ni Miko habang inaalok ang pagkain na hawak niya. Parihaba ito at kulay violet tapos may toppings pa sa ibabaw nito.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon