CHAPTER TWENTY-SEVEN

366 17 1
                                    

Chapter 27

Back to normal

(N/A; Shout out!💢)

Shout out kila;

@dutchiec
@dhreeeyyy (tama ba spelling?)

Wala lang. Gusto ko lang i shout out yung mga nag comment sa story ko. I'm so grateful na patuloy nyo paring sinusuportahan ang ABKA. MARAMING SALAMAT DAHIL ANG GAGANDA NG FEEDBACK NA NATATANGGAP NG STORY KO SAINYO! MARAMING SALAMAT SA MGA NAG VOTE!! MARAMING SALAMAT DAHIL NAGUSTUHAN NYO ABKA!!!! THANK YOU SO MUCH! MUAH! *Flying kiss (*chuckles)

Sa mga naghintay naman sa update ko. Naku sorry! Dapat nga chap. 27-30 dapat ang ia update ko. Kaso hindi ako nagkaroon ng time para tapusin yung chapter 30. Huhuhuhu di bale, bawi nalang ako next time. *Winks!

[Now playing...]
Kidult by SEVENTEEN (세 본 틴)

*Knock *knock *knock

"Mikee?"-tawag ko sakanya dito sa labas ng kwarto nya.

Kalaunan lang ay binuksan ni Mikee ang pintuan at lumabas sya ng nakasimangot ang mukha.

"Sorry. Bati na tayo. Hindi na ako galet sayo."-sabi ko.

"Talaga??"-naniniguradong tanong nya. Tumango lang ako sakanya ng dalawang beses.

May tumakas na luha sa kanang mata nya. Pupunasan ko sana ang luha nya ng ibato nya ang sarili nya saakin at niyakap ako ng pagkahigpit higpit. Nung niyakap ko rin sya pabalik ay napahagulhol nalang sya at nag iiyak habang yakap nya ako. Hinimas himas ko lang ang likod nya para mapatahan sya.

Aaaminin kong sa isang linggong hindi namin pagkikibuan ni Mikee ay totoong namiss ko sya. Minsan din ay gustong gusto ko na syang kausapin pero hindi ko magawa kasi binubulag ako ng galit ko.

Humiwalay sya yakap at hinampas ang braso ko tapos ay pinunasan ang luha nya.

"Bwisit ka! Alam mo bang pigil na pigil akong kausapin ka at mag sorry ako sayo?! Huhuhu...sorry talaga Kath...sumusunod lang naman ako sa utos eh..."-galit pa sya nung una tapos umiyak na naman. Tsk. Tsk. Tsk.

"Eh ikaw naman kasi...may palihim lihim kapa...eh sabi nga nila diba...na walang sikretong hindi mabubunyag...oh ayan! Nalaman ko kung sino talaga ang nagligtas at nagdala sakin sa ospital...pero wag ka ng umiyak...kasi alam ko na ang lahat lahat...ayoko ng ipaliwanag sayo yung nangyari basta alam ko na lahat...okay na tayo ah?"

Tumango sya kahit na mangiyak ngiyak pa bago ako niyakap for the last time.

***

Okay na kami ni Mikee. Andito na kami ngayon sa mall. Nakipag aya sya sakin na magmamall muna daw kami. Ubos na kasi ang laman ng refrigerator namin kaya eto kami. Linggo kasi ngayon at lunes na bukas kaya eto nalang ang natirirang araw namin para makapamili. Hapon narin namin naisipan na mamili.

Naglalakad kami ngayon at panay ang bili ni Mikee. Sya ang bumibili ng mga pagkain at groceries namin sa condo. Hindi nya ako pinapabili dahil napaka tipid ko daw. Eh ganun talaga kaming mga mahihirap o may kaya...titipid lang. Hindi naman kasi ako katulad nya na waldas ng waldas ng pera dahil hindi naman sya sinasaway tungkol dito ng parents nya.

"Kain muna tayo. Gutom na baby bituka ko..."-tinignan ko sya at naka pout pa ang kagwang habang himas himas ang tiyan nya.

"Sige tara."-siya na ang pinauna ko kasi sya naman ang gagastos. Taga kain lang ako habang sya naman at taga libre sakin. Hindi nga yata ako nalilibrehan nitong si Mikee kahit na isang beses. Well...pwera lang dun sa hindi namin pagpapansinan ni Mikee ng isang linggo. Not counted yun.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon