CHAPTER ELEVEN

539 26 4
                                    

(N/A: sorry hindi pala kaya sa isang chapter lang xD pero promise dito na talaga makikilala na talaga ni Kath ang pinsan ni Lysander. Sa next chapter pa maglalandas yung bida nating si Kath at Lysander kaya wait lang(^。^) mahaba haba pa ang magiging lovestory nila! Full time writer na ako ngayon dahil may reader na ang story ko😊 thank you sa mga masisipag magbasa! Promise gagandahan ko pa ang story at marami kayong dapat abangan! Kasama na po dito yung conflict na mangyayari sa mga susunod pa na chapter, may love triangle din na magaganap pero actually love quadrangle nga yung mangyayari! HAHAHAHA!!!!!ANG SPOIL KO !!!!!Kaya antay lang!Kung sino ang gustong magpa dedicate please just comment(^_-) ! )

Chapter eleven

[Now playing]....
Icy by itzy

"Manong Lando maraming salamat po sa paghatid nyo samin"-buong ngiti kong sabi kay manong Lando. Ang sabi kasi ng parents ni Mikee na si manong Lando parin daw yung susundo at maghahatid saamin. Kanina ngang paglabas namin sa building kanina ay nasa bungad na si Manong Lando na naghihintay samin.

"Kanina excited na excited ako pero ngayong nandito na tayo ay biglang nawala at napalitan ng kaba!"-bigla naman hinawakan ni Mikee yung kamay ko. Kahit kelan talaga tong babae na to...

"Kalma ka lang. Masasanay ka rin"

"Hindi kaba kinakabahan? Tsaka wag na wag mong bibitawan ang kamay ko ah? Baka kasi mawala ako"

Seriously Mikee?

"Sinabing relax ka lang diba? Tsaka wala ka naman sigurong problema sa mga direksyon diba kaya hindi ka mawawala. Alam mo namang isa lang ang nagpapawala ng kaba ko diba?"

"At ano naman yun aber?"-psh! Hindi talaga nya mabitawan yung kamay ko kahit na saglit lang. Ang babaeng to talaga...

Ipinakita ko sakanya yung phone kong may wallpaper ni Lysander.

"Sinasabi ko na nga ba. Alam mo? Matutuwa at mawawala sana tong kaba ko kung picture yan ni Jungkook or di kaya ni Taehyung=_="

Aba at kailan pa sya naging mahilig sa mga k-pop? Bts fan ba sya? Eh bakit si Jungkook lang at si Taehyung yung kilala nya? HAHA fake army spotted!🔎🤣

"Ewan ko sayo Mikee. Tara na nga!"-hinila ko na sya papasok sa isang napakalaking gate na kahit magnanakaw siguro ay hindi maaakyat.

Wow...Brent Academy! Bakit sa picture parang liit lang ng school nato pero nung nasa harapan ko na, grabe! Ang laki ng school at yung mga building siguro ay mga lima pataas yung bilang kasi meron pa sa likod na building. At! Yung kada building ay sa tantsa ko ay mga sampung palapag! Grabe! Kaya pala tinawag na isa sa mga prestigious na eskwelahan sa buong bansa! At! Yung mga uniform ng mga estudyante ay kakaiba!

Naka sibilyan pa kasi kami pareho ni Mikee dahil nga eh yun naman talaga ang isinusuot ng mga bagong lipat tsaka bukas pa daw masusuot namin yung uniform. Nagpatahi na daw kasi si tita Mia ng uniform kahapon.

Yung school uniform ng mga babae kasi ay isang mini skirt na hindi aabot sa tuhod tapos may coat pa! Yung parang school iniform ng mga estudyante sa south korea...

(N/A; kung nanonood man kayo ng mga k-drama ay maiimagine nyo. May ihahalimbawa akong mga k-drama if pamilyar kayo rito. For example; SCHOOL 2017, SCHOOL 2015, ORANGE MARMALAID, EXTRAORDINARY YOU, LOVE ALARM at blah blah blah🤣 ganun na ganun po yung itsura ng mga uniform nila. Kung hindi nyo parin maintindihan, i search nyo nalang. Basta ganun! Thanks!)

Lalakad na sana kami papasok ng building para hanapin yung faculty ng may dumaan sa tapat namin parang isang pamilyar na sasakyan sakin.

Teka. Saan ko nga ba nakita ang kotse na yun? Pamilyar na pamilyar sakin eh. Hmm?...

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon