Chapter 38
(N/A; HEY! Wazzup, wazzup? Nag UD ako ng dalawang chapters pero continuation lang. Sa chapter nato at sa next chapter ay mag fofocus muna tayo kila Kath at CHASE. Kay Chase muna tayo ha? Sorry talaga pero wala munang Lysander sa chap nato. That's all and thank you!)
~Enjoy reading *winks!
[Now playing...]
Dive by iKONPwede bang ako nalang?
CONTINUATION...
Pagkarating namin sa bahay ni Chase ay inalalayan pa muna ako ni Chase palabas ng kotse niya. Pero hindi niya ako pinagbuksan ng pintuan(-_-).
Pagkababa ko ay agad niyang sinara ang pinto ng kotse niya. Inutusan pa niya ang personal driver nila yata na ipark daw ng maayos ang kotse niya.
Ngayon lang ako nakapasok at dinala ni Chase sa bahay niya. Kaya ng ilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila ay napagtanto kong hindi naglalayo sa laki ng bahay sila Chase at Lysander. Dalawang palapag lang ang bahay nila Chase pero sobrang lawak naman nito.
Hindi kalayuan ang bahay ni Lysander mula sa bahay nila Chase. Ilang metro lang ang layo. Unang madadaanan pala namin ay ang bahay nila Lysander bago kila Chase. Marami kasing naglalakihan ding mga bahay ang village nato kaya nalilito ako kung asan don ang isa sa mga bahay ni Chase.
Pagpasok ko sa loob ay mas lalo akong namangha sa ganda ng loob ng bahay nila. Kung sa bahay nila Lysander ay wala masyadong halaman na nakapaligid sa bahay nila, kila Chase naman ay marami ang nakapalibot na halaman sa loob ng bahay nila. Karamihan sa mga halaman na nasa loob ay puro mga palmera tree, monstera, at iba pa na pawang mga berde na mga halaman. May napansin rin ako na ang bawat table ay may nakalagay na tig iisang vase na may lamang puro rosas na iba't ibang kulay.
Alam kong hindi artificial ang mga bulaklak na iyon dahil kung artificial ang bulaklak ay makikita mo ka agad na peke ito.
May naglalakihang chandelier din sila Chase pero masasabi kong mas engrande tignan ang mga chandelier na nakapalibot sa bahay nila Lysander.
May dalawang king size at queen size ang couch nila na parehong kulay itim ang kulay. Carpeted ang sala nila na kulay gold.
Ang sofa naman nila ay kulay berde na naayon sa kulay ng mga halaman na nasa paligid ng buong bahay. Sa kahit na anong sulok ay may makikita ka talagang halaman. Mahilig talaga sa mga halaman ang mommy ni Chase.
Pero speaking of mommy ni Chase, hindi ko siya nakita sa loob ng bahay nila. Gusto ko sanang makilala ang mommy ni Chase pero mukhang kahit na anino ng mommy niya ay wala.
"Asan ang mommy mo Chase?"-tanong ko.
Inalalayan niya akong maupo sa isang queen sized na couch. May tinawag siyang maid at inutusan itong kumuha ng ice.
"May business trip silang pinuntahan nila daddy, next week pa sila uuwi."-kalmado niyang sabi.
Napatango tango ako. Speaking of daddy, bakit hindi ko pa rin nakikita magpa hanggang ngayon ang daddy ni Lysander?
Dumating na 'yung maid dala dala ang ice, may dala rin itong tela. Tinanggap ni Chase ang binigay ng maid matapos ay inutusan itong umalis na. Binalot ni Chase ang ice ng tela. Lumuhod siya sa harapan ko at sinimulang idampi iyon sa paa kong sumasakit gawa ng pagkatapilok ko.
"Ahhh Chase ano...ahmm...asan nga pala 'yung daddy ni Lysander? Kasi napapansin kong hindi ko talaga siya nakikita kahit na isang beses man lang. Kahit sa mga family picture nila ay hindi ko nakita doon ang daddy niya. Posible kayang....patay na ang daddy ni Lysander?"-pabulong kong sinabi sakanya ang huling kataga.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...