CHAPTER ONE

1.5K 33 3
                                    

ChaPteR OnE

                  Now playing...
                 
                      LIGHTS
                    (⏪▶️⏩)
                
                      BY: BTS
                

Pagkadating ko kila tita malou ay kinuha ko na ang limang box ng pandesal na nakakarga sa motor ko.

Nagdoorbell pa muna ako para lumabas si tita malou at para kuhanin na nya itong mga pandesal na inorder nya.

*Ding *dong

Maya maya ay lumabas na nga si Tita Malou na nakangiti para pagbuksan ako ng gate.

"Hi iha! Naku namiss kita alam mo ba yun? Napakaganda mo talaga iha"-nakangiti nyang panimulang sabi saakin habang kinukuha saakin ang dala ko.

"Naku po tita. Ako rin po. Namiss ko rin po kayo ng sobra"-nahihiyang nakangiti kong pang sabi

Hindi naman sa chismosa ako pero parang ngayon pa yata lalabas yung pagiging chismosa ko.

"Ah tita?"-tawag ko kay tita habang tinutulungan syang matanggal yung pagkakabugkos ng mga box.

"Oh bakit iha?"

"Bakit po ang dami nyong inorder na mga pandesal ke mama?"-tanong ko sakanya

Hindi ko na talaga kaya eh.

"Hindi ka ba nya tinawagan?"-ngayon ay nakaharap na si Tita Malou sakin na nakangiti

Huh? Tinawagan? Nino?

"Po?"

"Yung anak ko si Caleb. Hindi ka ba nya tinawagan?"-nakangiti parin saakin si tita Malou

Bakit ba panay ang ngiti saakin ni tita?

Tinawagan ni Caleb? Sino si Cal--

"Si Caleb po?!"-tumango lang saakin si tita

Hindi naman nya ako tinawagan? Maski text man lang nga eh hindi nya ginawa. Simula nung lumipat sya sa america para mag aral ay hindi na sya nagtetext o maski tawag man lang. Tapos ngayon na babalik na sy-- ohh?

"Tita ibig po bang sabihin ay uuwi si Caleb dito?"-excited ko pang tanong sakanya

Hindi ko alam kung bakit naeexcite ako eh dapat nga magtampo pa ako dahil sa wala na akong balita sakanya two years ago tsaka yung hindi nya pagtetext at tawag saakin ay ginawa kong dahilan kung bakit hindi na ako nagkalakas ng loob na magtanong pa tungkol sakanya.

"Oo iha. Uuwi sya ngayon! Naku iha. Siguradong miss na miss ka ni Caleb. Two years din kayong nagkahiwalay ng landas"-hinawakan ni tita Malou ang dalawa kong kamay

Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. Miss? Ewan. Ewan ko kung miss nga ba ako ni Caleb..  kasi kung ako ang tatanungin? Miss na miss na miss ko na sya...

Si Caleb Lopez. Sya ang bestfriend ko since mga bata pa kami. Nagkahiwalay kami ng landas ng magdesisyon syang pumunta sa amerika at doon mag aral. Dati nangako pa sya sakin na tatawagan at itetext daw nya ako araw araw pero ano iyong ginawa nya sakin? Nagtext lang sya sakin nung pagkarating nya sa amerika at yung text na yun ay hindi na nasundan pa... Araw araw kong hinihintay na baka magtext o biglang tumawag sakin si Caleb. Araw araw kong dinadala ang phone ko, nagbabasakaling tatawag sya sakin at mangangamusta sakin...pero lumipas nalang ang dalawang taon wala parin akong natanggap na text o tawag mula sakanya. At ngayon na babalik na sya rito after 2 years? Eh hindi man lang nya ako tinext o tinawagan at sasabihang uuwi na sya rito?

Minsan nga eh naiisip ko na baka kinalimutan na ako ni Caleb..at kapag naiisip ko yun ay nasasaktan ako.

"H-hindi po sya t-tumawag sakin tita"-nauutal kong sabi. Parang kahit na anumang segundo ay babagsak na ang mga luha ko kaya bago pa ito tumulo ay tumalikod na ako.

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon