CHAPTER FOURTEEN

501 18 0
                                    

(N/A; Shout out! 💢)

Shout out kay @Verlynelmesora🔊!!!

It was really heartwarming  na nagustuhan mo ang story ko!☺️ :)

Thank you talaga! I love you na!🤩

Chapter 14

I will make you fall for me

[Now playing...]
Dusk till dawn by Zayn ft. Sia

"Here are the following list of pairs"-si Mrs. Navarro habang nakaupo sa harapan na kaharap ang kanyang laptop habang binabanggit ang mga magiging magka pares para sa gagawing project namin sa economics na brochure.

Sana lang talaga si Mikee yung partner ko...please...please...please...

"Mikee Casario"-heto na...sana kaming dalawa yung pair! Sana talaga kami! "And Harry Santos"

Mikee Casario and Harry--what?!! Hindi kami magka pairs ni Mikee?! Eh kung ganun sino ang pair ko?!

"Kath Aviola and Chase Montreal"

(>_<)

Ano?! Si Chase ang pair ko?! Sa lahat ba naman ng pwede kong maging kapares, yung---yung panget na asungot pa?! Okay sana kung iba nalang yung kapares ko basta wag lang yung gunggong na yun!

"That's all for now class. Now go to your perspective pairs and please cooperate with each other. Deadline of your project. Next week. Goodbye class"-at rumampa na nga pa exit si  Mrs. Navarro

Nagsitayuan na yung iba kong mga kaklase papunta sa mga kani-kanilang partner in crime este partner para sa project. Ako naman ay tumayo na at nilapitan ang bestfriend kong si Mikee.

"Huyyy..."-tawag ko rito. Nilingon naman nya ako.

"Oh bakit?"-tanong nya

"Anong bakit?! Eh hindi tayo magkapares!"-maluha luha pa akong sumigaw nyan dahil ngayon lang talaga kami hindi naging magkapartner o magkasama sa isang project. Dati rati naman ay lagi kaming magkasama sa bawat groupings o by pair, kaya wala akong pinoproblema nun.

"Psh! Nagdadrama ka dyan... Eh kung pwede lang sana akong magreklamo na tayo na lang yung mag pair edi sana matagal ko ng ginawa. Eh wala naman tayong magagawa eh! Tsaka maswerte ka nga dahil partner mo si Chase eh ako? Partner ko lang naman yung nerd na yun na masyadong makapal ang salamin at ang snob pa!"-binatukan ko sya

"Aray! Bakit kaba nambabatok?"-iritang tanong nya saakin.

"Anong maswerte ka dyan?! Malas kamo! Yun ang sabihin mo! Tsaka pano mo naman nasabi na snob yung Har--ay ewan"

"Harry Santos. Eh kasi naman nilapitan nya ako kanina at inutusan na iresearch ko daw yung mga isusulat nya na ipapasa daw nya saakin mamaya tapos ayun! The end!"-nilingon pa nya yung lalakeng ka pair nyang nerd at tinaasan nya ito ng kilay. Yung nerd naman ay nakatungo lang at nagbabasa ng comic book ba yun? Haay ewan....

Kahit papano maswerte parin nga pala ako...ng konti. Konti lang naman hindi gaanong kalakihan yung swerte=_= Kasi pag nagkataon na kami yung magka partner nung Harry na yun ay baka hindi kami magkaintidihan dahil sa pagiging nerd nya at sabi nga ni Mikee ay snob daw... Ayaw ko pa naman sa snob...

"Sige puntahan ko lang partner ko"-nilingon ko naman ang panget na asungot at pagkalingon ko sakanya ay...

=_=

Punyeta! Lord sabihin nyo po sakin? Bakit sya pa yung naging partner ko? Bakit?!

Kung hindi nyo kasi itinatanong eh ang lecheng panget na asungot kasi ay ayun! Nakadukdok sa mesa nya na halatang masarap na masarap ang tulog ng gunggong=_=

Ang Boyfriend Kong ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon