Chapter 29
Starting point
[Now playing...]
Beautiful_Pain by BTOB"Uyyy Mikee! Alis nako! Double lock the door kapag hindi pa ako nakakauwi! Wag kang lalabas ng mag isa sa condo ah?! Byee!!!"-sigaw ko habang nagmamadaling binuksan ang pintuan.
Dala dala ko ang mga materials na gagamitin ko para sa muling pagtututor ko kay Lysander. Halos magkandapa dapa pa ako dahil sa sobrang pagmamadali. Nakalimutan ko kasing, na makakabalik na pala ako sa tutorial session ko sakanya. Malapit ng mag 6:30 kaya todo pagmamadali ako para hindi ako malate. Baka maulit kasi yung nalate ako ng 20 minutes tapos nasigawan at nasermonan pako ni Lysander. Ayoko ng maulit pa yun. Para na nga akong nagkaroon ng kaunting trauma dahil sa nangyari.
Ang sakit kasi nung mga salita na ibinato sakin ni Lysansder noon.Pero nagulat ako nung pagkalabas na pagkalabas ko sa condo namin ni Mikee ay bumungad saakin si Caleb. Nakatayo. May dalang gitara at, isang bouquet of flowers. Puro mapupulang roses ang dala nya.
Ngumiti sya ng makita ako. Sinimulan na nyang mag strum sa gitarang dala dala nya.
(Dahil sayo by INIGO PASCUAL)
♪♪♪Araw-araw ikaw ang gusto kong kasama♪♪♪
♪ Buhay ko'y kumpleto na♪
♪Tuwing nakikita ka♪
♪♪♪Sa tabi ko, O aking giliw di parin ako makapaniwala♪♪♪
♪Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na♪
Habang ako?
Tulaley. At parang natuod sa kinatatayuan ko. Muntik ko pa ngang mailaglag yung mga dala dala kong materyales dahil sa gulat at bigla.Ang ganda ng boses nya at ang...
Sarap pakinggan...nakakadala.
Nakakagaan...
Hindi ito ang unang beses na narinig kong kumanta si Caleb. Hindi ito ang unang beses na kinantahan ako ni Caleb. Actually...hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na bang narinig sya na kumakanta o kinakantahan ako.
Mula noong lumayo sya at nagdecide na mag aral sa ibang bansa ay hindi ko na muli syang napakinggan na kumanta. Ngayon? Muli ko na namang narinig ang boses nyang kay payapa tulad ng hangin.
Hindi na ako magtataka o magugulat kung isang araw ay sumikat sya gamit ang sarili nyang talento sa pagkanta.
Oo, pumayag akong ligawan nya ako. Pero hindi ko aakalain na ganito yung effort ng panliligaw nya sakin. Nasasaktan akong nakikita syang nakangiti at sinasabayan ang emosyon na kinakanta nya.
♪Ikaw ang aking inspirasyon♪
♪♪♪Sa bawat araw na haharapin♪♪♪
♪Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo sinta♪
♪♪♪basta't nandito ka♪♪♪
♪Ako'y liligaya...♪
Alam nyang wala syang pag asa sakin sa huli. Pero eto sya, nasa harap ko. Nakangiti. Hinaharanahan ako. May dala dalang bouqet ng bulaklak. Sobra yung effort na binibigay nya sakin para sa panliligaw nya. Determinado syang ligawan ako. At kahit na hindi man ako pumayag ay gagawin at gagawin parin nya kung ano ang gusto nya. Kilala ko sya eh. Sya si Caleb Lopez. Lahat ng bagay kaya nyang gawin. Kapag may binitawan syang isang salita. Gagawin nya ng walang pag aalinlangan. Kahit na pigilan mo man sya sa gusto o desisyon nya sa buhay ay walang makakapigil roon.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...