Chapter 22
Save by the mistery guy
[Now playing...]
Slump by Stray KidsMabilis na lumipas ang mga araw at byernes na ngayon. Halos araw araw ay repeat the cycle lang lahat. Lalo na yung pagiging tutor ko kay Lysander. Nagpasalamat sya sakin nung lunes via text. Ang laman ng text nya? 'THANKS SA PAG ALAGA' yun lang(-_-)nothing so special about sa text nya. Minsan masaya ako dahil kinukumusta nya ako pero yung saya...hindi nagtatagal. Minsan din hinahatid ako ni Lysander pauwi. Di parin nya ako pinasasakay sa ferrari nya(︶^︶)... Sa tuwing naabutan ko si Tita Eunice sa bahay ay lagi na nya akong tinutukso kay Lysander, pero syempre walang alam si Lysander tungkol doon dahil sa tuwing nagkakausap kami ni Tita Eunice ay pag tapos na ang tutoring session ko. Doon lang kami nakakapag chikahan. Nadiskubre kong makulit pala ang mommy ni Lysander. Nung isang beses din na inaya ako ni Tita Eunice na sumalo sa pagkain nila ng hapunan ay panay ang kalabit sakin ni Tita Eunice at iningu-nguso ang anak nya habang kumakain. Magkatabi lang kasi kami tapos magkatapat kami ng upuan ni Lysander.
Ganito kasi ang nangyari...
[Flashback...]
Kabababa ko lang galing taas kung saan ang laging tambayan namin palagi pag tinuruan ko sya, sa mini library nya. Ng bigla akong tinawag ni Tita Eunice...
"Kath hija!"-sigaw nya galing si dining area nila kaya naman napalingon ako sakanya ng may nagtatakang tingin.
Lumapit sya sakin ng nakangiti. Nginitian ko naman sya pabalik kahit na naguguluhan ako sakanya.
Inangkla nya sa kaliwang braso ko ang kamay nya. Nabigla ako sa ginawa nya. Hindi kasi ako sanay na ganito sya sakin.
"B-bakit po T-tita?"-nauutal kong tanong sakanya.
"Dito ka nalang kaya kumain ng hapunan hija?"-alok nya sakin pero ang paningin nya ay nasa anak na pababa ng hagdan.
Ano na naman kayang balak ni Tita?
"Pe-"-hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla nalang nyang inilagay sa bibig nya ang index finger nya at sinabing...
"Sige na please...kahit na ngayon lang?"-nagpuppy eyes pa sya tsaka nag pout. Natawa nalang ako sa itsura nya. Ang cute kasi! Sa itsura nya ay parang teenager pa sya kung umasta! Well...wala na rin naman akong magagawa at hindi rin naman ako makakatanggi kasi ang cute nya talaga!
Pumayag nalang ako. Tumango ako sakanya. Pagkatapos kong pumayag ay ngiting ngiti si Tita Eunice sa pagpayag ko. Kinindatan pa nya ako pagkatapos.
Pagpasok ko sa dining nila ay naka bukas ang ilaw ng malaking chandelier nila. Mukhang sa bawat parte ng bahay nila ay hindi mawawala ang chandelier...
Pagkaupong upo ko sa upuan ay kapapasok lang ni Lysander sa dining. Prenteng prente syang umupo, ni hindi ako tinignan. Tabi kami ni Tita at nabigla ako ng bigla syang tumayo at...
"Tabi nga kayo ni Kath anak. Darating kasi si Chase ngayon."-sabi nya sakanyang anak.
Inangat naman ni Lysander ang paningin sakanyang mommy.
"For what? There are a lot of empty seats here, so why does she need to sit beside me?" Nakataas na kilay nyang tanong.
"U-uh k-kasi--"
"Don't play games with me mom. I know you. Don't push me to Kath, mom."-mariing sabi nito bago nagpatuloy sa pagkain.
Natahimik naman si Tita sa sinabi ng anak nya. Unang move palang ni Tita, FAILED na kagad ito.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Artista
RandomTwo unexpected couples existed. Dalawang taong sa di inaasahang pagkakataon ay magkakatuluyan at magkakaroon ng happily ever after. Lysander Montreal is the most famous current artist right now. A model, an actor, and a singer. Sya ang pinaka iidolo...